Chapter Twenty Two

3 0 0
                                    

Bella

Kung anong ikinaliit ng pinasukan naming secret passage at siya naman ikinalawak sa ibaba. Kakababa ko lang sa ladder na yari kahoy at ito ang naabutan namin. Isang mahabang pasilyo na katulad sa Kaharian. Hindi nga lang 'sing linis pero ayos naman. It also have lamps on every side that you can't ven think na nasa ilalim ito ng lupa.

This is obviously an old secret passage na ginawa pa ata ng mga ninuno ng mga Kyath. What's bothering me is why Hyper know such as secret passage like this? He's a child for Christ's sake! Almost the same age as Archer.

I recall what he said a while ago, ang sabi niya'y mga bandido. BANDIDO! Paano niya makikilala ang ganoong uri ng nilalang? Kilala ang mga bandido hindi lang sa liksi at lakas kundi rin sa mga itsura nito. Makikilala mo agad ang mga bandido ng Mitopia dahil sa mga mukha nila.

"Hurry up, Princess!" Prince Archer shouted. Nauuna itong maglakad sa akin. He seems not scared of this place. He stopped walking, hinihintay niya ako. And when I'm beside him, he continue to walk.

I don't know how many minutes we are walking. Para bang walang katapusan ang daan na ito. Hanggang sa napatigil kami nang may mga malalaking bato ang nakaharang sa daraanan namin. Dead end. Paano na 'to?

"Natabunan na ng mga bato ang daan ano na ang gagawin natin?" tanong ni Archer sa akin. "Should we go back?" Umiling ako sa sinabi niya. I won't let that happen. Nandito na kami, bakit babalik pa.

Lumapit ako doon sa mga bato at pilit na inaalis but it's no use. The rocks are huge. Magkakasugat lang ako kapag ipapagpatuloy ko ang pagtanggal or worst baka matabunan kami. Think, Bella.

Ipinikit ko ang mata ko upang mag-isip kung ano ang gagawin namin pero biglang nagsalita si Archer.

"Princess, take a look at that!" He pointed somewhere underneath the rocks. Nangunot naman ang noo ko.

"May butas!" sabi niya. Tinitigan ko naman ito nakitang may maliit ngang siwang. Pero parang hindi rin, medyo madilim na kasi ang parteng itaas na iyon.

"Sandali, titingnan ko lang" sabi ko at inapak ang isang paa sa mga bato upang kumuha ng suporta. Hindi ko pa naaabot ang tinutukoy ng Prinsipe ay bigla na lamang gumalaw ang lalaki bato.

Sa sobrang takot ko ay mabilis akong lumayo doon. Ganoon din ang ginawa ni Archer.

"At sinong may sabing pwede kayong dumaan dito?" parang kulog na dumagundong ang boses ng nagsalitang iyon. Napayakap sa akin si Archer, mukhang natakot. Binuhat ko naman ito upang pakalmahin, baka umiyak.

Nilingon naman ang paligid at wala naman akong nakitang kakaiba, pwera lang dito sa malaking mga tipak ng bato.

'Wag mong sabihing nagsasalita ang mga batong ito! Oh my god!

"Tumingin kayo sa akin" sabi pa nito at tiningnan ko naman ang mga bato.

"Sa baba!" sigaw nito

Dahan dahan kong sinunod ang sinabi niya at may nakitang nakakulay itim. Sa aking palagay ay isa siyang matandang elf. Pero mas pinaliit ang size kumpara sa normal na elf. At ang features niya ay sadyang kakila-kilabot. Halata ang mga kulubot niyang balat na may parang lupa pa. Parang buong taong nakadikit sa mga bato e.

He is looking at us with dismay. I couldn't speak 'coz I think I might freak out. And when he walked towards us Prince Archer shrieked and I did too.

"Umalis na kayo dito!" malakas niyang sigaw at para akong mapapaihi sa takot.

"Dadaan lang po kami, ginoo" tapang tapangan kong sabi.

"Hindi pwede. Ako ang tagabantay ng daang ito. At kung gusto niyo pang mabuhay, umalis na kayo" galit na sabi nito.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon