Chapter Eleven

8 2 0
                                    

Bella

Gabi na ng matapos ang aming pagkwekwentuhan ni baby Archer. Kung hindi lang siguro kumatok ang isang katulong at sinabing nakahanda na ang hapunan ay hindi kami titigil. He's so cute and so adorable. His sweetness reminds me of my nephew, ganitong ganito 'yon sa'kin. Ang sarap niyang isilid sa bulsa at dalhin kung san man ako magpunta.

Ang dami niyang kwento sa akin tulad ng pinagalitan daw siya ni Yna na siyang taga pangalaga nito. Aniyang wala naman daw siyang ginagawa kundi makipaglaro ng espada na yari sa kahoy sa mga batang kasing edad nito pero bigla daw umiyak ang isa sa kalaro nito.

"Anhina hina niya kati e, Tas nipagalitan ako ni Ynang panwet" nagsusumbong anito sa akin ng aksidente daw niyang mapalo ang kamay ng kalaro niya gamit ang espadang hawak niya
Napailing nalang ako sa batang ito.

"Tapos umiyak ka?" Tumango naman ito. "Baby Archer, dapat humingi ka ng tawad imbes na umiyak ka at magalit kay Yna dapat nagsorry ka sa iyong kalaro na hindi mo naman sinasadya." Mahinahong sabi ko ng nakatingin sa kanya. Ngumuso siya saka yumuko. Napanguso din ako sa inasal niya.

"Prince Archer.." tawag ko pero nakayuko parin siya. Katabi ko siyang nakaupo sa aking kama kaya kita ko kung paano nanginginig ang munting mga kamay niya sa ibabaw ng unan na nakapatong sa mga hita niya. Senyales ito na malapit na siyang umiyak. Oh noes, baka kahit nasa loob kami ng palasyo ay umulan parin. Wrong move, Bella.

Bumuntong hininga muna ako bago hawakan ang kanyang magkabilang pisngi at ang noo niya. "Okay lang na umiyak, pero
alam mo naman na espesyal ang dulot ng iyong pag-iyak 'di ba? Maaari kang makasakit ng inosente sa paligid mo. Kaya sana bago ka umiyak, you should know the consequences. Naiintindihan mo?"

Tumango ito habang nakatitig na sa akin. Ngumiti ako at pinunasan ang luhang natuyo sa ilalim ng mata. "Paglaki mo, maiintindihan mo rin ang mga sinasabi ko kaya habang bata ka pa sige, umiyak ka lang pero siguraduhin mong mahalaga ang iyong iiyakan" Napailing nalang ako sa mga sinabi ko, akala ko ba papangaralan ko siya? Pero bat ganon? Ang hirap niyang tingnan na naguiguilty. It's killin' me huhu.

Tumango ulit ito na may kasamang pagsinghot. Mas lalong lumawak ang ngiti ko habang pinasmamasdan ang walang kamuwang muwang na bata na alam kong susundin ang aking sinabi. Ha! Takot lang nito sa akin. Char.

And to be honest, I'm so fond of his cuteness. Namalayan ko nalang na hinalikan ko ang magkabila niyang pisngi at noo saka yayakapin ng mahigpit. Ma' gummy bear.

Namimilog naman ang bilugang kulay abo niyang mga mata sa aking ginawa. Humalakhak ako at ginulo ang kulot niyang buhok, "Halika na, baka nagugutom na ang baby Archer ko." Ngumiti naman ito dali daling hinawakan ang kamay ko upang alalayan ako sa aking pagbaba sa kama.

--

"Mahal kong kamahalan, hindi ka matatapos kung tititigan mo lang si Prinsesa Lynx." natutuwang ani Reyna Meghan habang pinagmamasdan ang kanyang anak na siyang katabi niya.

Napatingin naman ako kay Archer na katapat ko lang sa malaking mesa. Nakatungo na ito at umaktong nahihiya. Napahagikhik na lang ako. Cute.

Tumingin ito sa akin at biglang ngumuso. "Kamahalan, may problema ba?" Umiling naman ito nagsimula ng kumain. Iniiwasang tumingin sa akin.

Napatingin naman ako sa isang kamay na nilalagyan ng inumin ang baso ko. Magtathank you na sana ako nang makitang si Zen pala 'yon.
Nagtama ang aming tingin at nagtaas siya ng kilay at biglang nag-iwas ng tingin. Hindi ko namalayan na umupo pala siya sa bakanteng upuan katabi ko na inilaan para sa kanya. Tumikhim ako at nagpatuloy na uli sa pagkain.

"Masyadong nawiwili sa Prinsesa ang mahal na prinsipe, Reyna Meghan. Hindi naman siya ganyan sa mga naunang mga Prinsesa na nakarating na dito." puna ni Master Ruih na siyang sunod na katabi ni Prinsipe Zen. "SSSS! Natatandaan ko nun isinama ko dito si Princess Aeliane ay sobrang sungit nito at hindi maka-usap ng maayos." natatawang pahayag niya ng may naalalang nakakatawang senaryo.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon