Bella
"Mas gusto ko ang mukha mo ngayon." nagniningning ang mata ni Archer ng sabihin niya iyon. Ngumiti naman ako at tinabihan siyang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama. Hinaplos ko ng marahan ang kanyang buhok.
"Dapat 'yan lagi ang gamitin mo" aniya at nilingon ang dalawang batang kyath na kalaro ang apat pa nitong kapatid.
Nawala ang mga ngiti ko nang sabihin niya iyon. Oo nga pala, ang alam niyang kapangyarihan kong magpalit ng anyo.
Matapos ang kasiyahan kagabi ay nagpasya akong pumunta sa silid ng batang Prinsipe upang kamustahin ito.
"Bakit naman? Ayaw mo ba ang dati kong anyo?"
"Hindi naman, ayaw ko lang na nagpapanggap ka." seryoso nitong sabi. Tumingin siya sa aking mata. "Kahit hindi mo sa'kin sabihin alam ko." mahina niyang sabi.
Natigilan ako sa paghaplos ng kanyang buhok at gulat siyang tiningnan.
"'Wag kang mag-alala, wala akong balak na ipagkalat iyon. Alam ko namang may dahilan ka." sabi pa niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa ulo niya upang ipagpatuloy ang paghaplos. "Pero..." nahihiyang niyang sabi, "ako pa rin dapat ang baby mo ha?" dugtong niya at ngumuso.
Naluha ako sa sinabi niya. He's like a full grown man na kayang intindihin ang sitwasyon but he's not. For me he's just my forever baby. In a short period of time, ang tingin ko sa kanya'y isang kapatid. My little brother who really loves to cuddle, a possessive one and the one who loves to call him baby. Sana'y forever na lang siyang bata.
"Thank you, baby Archer." tanging sambit ko at niyakap siya ng mahigpit. Ilang segundo lang iyon dahil itinulak niya ako ng mag-ingay ang isa sa babaeng kyath. Nakakunot niya itong tiningnan.
Nilingon ko naman ang tinitingnan niya. Though, I'm not sure kung sino sa dalawa. Magkatabi kasi ang dalawang babae ba anak nila Peia. Ang isa ay umiiyak habang hinahaplos naman ang pisngi upang patahanin ang isa.
"Sino ba diyan?" bulong ko sa seryosong si Archer. Lumingon naman ito sa akin at mukhang nagtataka sa tinanong ko. Itinuro ko naman ang dalawa.
"Wala!" pasigaw niyang sabi. Napatawa naman ako sa naging reaksiyon niya ngunit natigil din ito nang may humarang sa harapan namin ni Archer.
Tiningnan ko ito at nakitang isa sa apat na mga lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ito yung masungit na nagsalita nung nasira ang suot kong damit.
"I'm Hyper." sabi nito at inilahad ang kamay niya as akin. Napatunganga ako ng ilang segundo bago ko tanggapin ang kamay niya upang hawakan.
"Hello Hyper" nakangiti kong sabi. Siya naman ay seryoso lang akong tiningnan. Hyper ang pangalan, 'di naman hyper. Sus.
"Hey, get off your filthy hand on my Princess!" sabi ni Prinsipe Archer at marahas na hinawi ang kamay namin ni Hyper. Napangiwi ako sa konting sakit pero si Hyper ay wala man lang karea-reaction.
"Gusto niyo bang lumabas?" sabi nito at hindi pinansin ang sinasabi ni Prince Archer.
"Gusto kong umalis na!" sabi naman ng batang Prinsipe sa kanya. Though I know he didn't mean to say that. Palingon-lingon kasi siya kila Perip at Para na nakatingin na sa amin.
"Gusto mo na rin bang umalis, Princess Lynx?" baling sa akin ni Hyper. Walang pag-iisip ay tumango ako. We need to. Dahil sa mga oras na ito alam kong alalang-alala na si Master Ruih, sila Kuya SG at lalo na si..Zen.
"Okay, here's the plan," sabi ni Hyper at nilapit ang mukha sa akin. Kinumpas naman niya ang isang daliri upang palapitin din si Archer. Nakasimangot na lumapit naman ito.
"Meet me later." sabi nito na tiningnan kaming dalawa ni Archer
"How can we trust you? You're a kyath!" ani Prince Archer.
"Yes, I'm a Kyath pero hindi ibig sabihin ay hindi mo na ako papagkatiwalaan" sabi naman ni Hyper na masama na ang tingin kay Archer.
"Saan ba?!" inis na sabi ni Archer
"Sa may likod." Napairap naman si Archer sa sinabi ni Hyper.
"Are you crazy? Nisasabi mong sa may likod pelo hindi namin alam yung likod!" nagkandabulol na sabi naman ni Archer. "Saka anlaki ng Kahaliang ito tapos sasabihin mo sa may likod?" dugsong pa niya.
"Bakit sinabi ko bang sa likod ng Kaharian?" inis nang sabi ni Hyper. "Hindi pa kasi tapos ang sinasabi ko nagsalita ka agad" bubulong nitong sabi. Muntik na akong mapairap. 'Yung totoo, live barahan ba ito! Kulang na lang magrambulan ang dalawa.
"Okay, times up na, Hyper saan ba ang tinutukoy mo?" sabi ko
"Sa likod ng halamanan malapit sa may kwarto mo." sabi niya at umayos na ng tayo at tumalikod na sa amin.
"Mamaya pagsapit ng gabi. Kung maniniwala kayo sa akin, makakaalis kayo dito." huling sabi niya at lumapit na sa mga kapatid nito.
Nagkatinginan kami ni Prince Archer at sabay na tumango hudyat na nakaisip na kami ng gagawin.
---
Sumapit ang gabi at nakatitig lang ako sa harap ng salamin sa aking silid. Nakahanda na ako sa aming pag-alis kaya sa makailang buntong hininga ay nagpasya akong tumungo sa silid ni Prince Archer.Lumingon lingon muna ako sa paligid upang masigurong walang Kyath na papalapit sa akin and thank God, wala naman. Dahan dahan kong binuksan ng malaki ang pinto ng silid matapos isilip lang ang ulo sa labas. Dumiretso na ako sa silid ni Archer. Walang katok katok na binuksan ko ito at nakita si Archer sa harapan. Mukhang bubuksan niya rin ang pintuan pero naunahan ko.
"Tara na?" tanong ko rito at tumango na lang siya at tahimik na sumunod sa akin papalabas. Nanibago ako sa kilos niya pero isinawalang bahala ko na lang iyon. Ang nasa isip ko lang ay makapunta na kami sa sinasabi ng tagpuan kung saan hihintayin namin si Hyper.
Hindi naman kami nahirapang hanapin ang sinasabing halamanan ni Hyper dahil nakita ko na ito. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung ano naman ang gagawin namin dito sa may halamanan
Maya-maya ay dumating na si Hyper na walang kangiti-ngiti. Lumapit kami sa kanya nang pumunta siya sa likod ng halamanan at may kung anong kinakalikot. Napaawang ang labi ko nang makita kung anong kinakalas niya.
It's a small square door. It's like a trap door at mukhang kasya naman kami. Buti na lamang ay hindi ako nag-abalang magsuot ng makakambong na kasuotan kasi kung oo ay hindi ako magkakasya.
"It's a secret hole to the river. Once you saw the river meron doon na bangka upang saktan niyo. Don't worry, walang nagbabantay sa parteng iyon." sabi niya ng matapos kalasin ang tali sa paligid ng pinto.
"Paano mo naman nalaman 'yon?" hindi maitatago ang pagkamangha ni Archer habang tinanong si Hyper. At sa unang pagkakataon, ngumiti si Hyper. Hindi nito sinagot si Archer at tumingin lang sa akin.
"Pagkatawid niyo sa kabilang parte ng ilog, may nakikita kayo doon na mga bandido" sabi niya. "Ipakita niyo ito sa kanila at alam na nila ang gagawin" dugtong niya at ipinakita ang parang kuwintas na may kung anong nakasimbolo.
"Kapag hindi sila naniwala, sabihin mo lang ang pangalan ko." sabi pa niya. Tumango ako at tinanggap ang kuwintas niya. "Mahalaga ang kuwintas na ito kaya iingatan mo, Prinsesa Bella"
Napatitig naman ako sa sinabi niya. Kilala niya ang tunay kong pangalan pero idinagdag niya ang salitang 'Prinsesa'
"Pumasok na kayo bago pa may nakikita sa inyo" nag-aalalang sabi niya at binuksan na ang pinto.
Marami akong gustong itanong sa kanya pero ang tangin ito lang ang nasabi ko, "Maraming salamat sa tulong Hyper, tatanawin ko itong isang utang na loob mula sa Prinsesa ng Merraveth" mahinang sabi ko at hinawakan ang mga kamay niya. Ngumiti naman siya ng maliit.
"Sa susunod nating pagkikita, mahal na Prinsesa. Doon kita sisingilin" sabi pa niya. Napangiti naman ako at niyakap siya ng huling beses. Naunang pumasok si Archer pagkatapos magpasalamat kay Hyper na ikinagulat ko.
"Salamat! Babalik din ako dito." aniya. Ngumisi naman si Hyper. Nang ako na ang papasok ay nilingon ko ulit siya ng huling beses. 'Paalam, Hyper' I mouthed at him. Tumango lang siya at dahan dahan nang isinara ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be Her(On-going)
FantasyPretending to be her is not easy, you need to learn how she dress up, how she talks, how she walks, how she moves, in short you need to know everything about her. It's not that hard but I'm tired. I'm tried being someone you're not. I am Bella Ama...