Chapter Eight

7 2 0
                                    

Bella

Ngayon ang araw ng aming pag-alis pero bago 'yon kailangan muna naming makausap ang Hari. Bukod sa may pag-uusapan sila ni Master Ruih ay magpapaalam na rin ako.

I'm gonna miss this place. Nakilala ko ang isang hari na naging kaibigan ko. Saka siguradong matatagalan pa ulit ang pagbalik namin dito o hindi na. Knowing King Darius, alam niya na siguro ang tunay na dahilan kung bakit kami pumunta kay Master Ruih and speaking of Master, nauuna kaming dalawa sa paglalakad sa likod naman ay sila Zen.

Nang makalapit na kami sa isang malaking pintuan ay napansin ko ang nakaukit sa pintuan na parang mga sanga at dahon dahon, sa itaas naman ay may koronang nakaukit din. Sa gilid naman nito ay may dalawang kawal na nagbabantay.

Pinagbuksan naman kami ng mga ito. Isang makintab na kulay lupa ang sahig, mga ilaw na hugis bulaklak na nakadikit sa mga dingding at isang malaking chandelier na bulaklak na nasa pinakagitna nitong kwartong ito ang unang bumungad sa'min.

Naabutan namin si King Carson na nakaupo sa kanyang upuang kulay pilak, may kausap ito na nymph na halatang mataas ang posisyon dito, sapagkat naiiba ang kasuotan nito kumpara sa mga nymph na nandito, medyo kumikinang.

Tiningnan ko uli ang kanyang kinauupuan, mayroong itong maliliit na iba't ibang kulay na kumikinang na nakadikit dito. Kung hindi ko lang kilala ang haring ito ay mapagkakamalan ko siyang bakla. Ang girly nitong trono niya eh, pero maganda naman at o-kay, medyo bagay naman sa kanya. Mukha din naman kasi itong babae e.

Nang makita niya kami ay tinapos niya ang pag-uusap don sa nymph at tumayo ito at naglakad patungo sa amin kasama ang kausap niya. Nginitian niya ako bago kausapin si Master Ruih. Habang ako naman ay pasulyap sulyap sa kanila at kabuuhan ng silid. Kausap na din nila yung nymph na kanina lang ay kausap ni King Carson. May inabot itong maliit na box kay Matter Ruih at tinanggap niya naman 'yon.

"I didn't know that you're good in running, Lynx" pabirong bulong ni King Carson nang makalapit ito sa'kin. Busy si Master Ruih at Kuya Sant don sa nymph kaya naman lumapit na si King Carson sa'kin. Napangiwi naman ako at humalakhak siya. Geez. Naalala ko tuloy yung pagtakbo ko kanina. Kung hindi ba naman ako nataranta ay hindi ko 'yon gagawin.

"Anong magaling 'don? Muntik ko na ngang mahalikan yung sahig e" nakangiwing sabi ko at tumawa lang ito.

"Tigil tigilan niyo nga 'yang pinaggagawa niyo" iritadong sabat ni Zen.

Hindi na kami nagulat nang nasa harap na namin siya. Sanay na kami. Lagi ba naman niya itong ginagawa. Sa tuwing nag-uusap kami ni Carson ay bigla nalang 'yang magpapakita sa harap namin. Wala naman siyang sinasabi at dumadaan lang pero nakatingin siya samin ng masama. Lalo na kay King Carson.

"Pinagsasabi mo? Nagkukwentuhan lang kami ah." tanong ko at lalo siyang nainis. Nagkatinginan naman kami ni King Carson at sabay kaming nagkibit balikat na siyang dahilan ng sabay din naming pagtawa.

Padabog na umalis sa aming harapan si Zen pero bago siya umalis, binulungan siya ni Kuya KG na hindi namin napansin na katabi din pala ni Zen kanina. Pagkatapos bulungan ay bigla itong kumalma. Hmm, ano kayang sinabi non?

"Zen! Saan ka pupunta?" pahabol na sabi ni Master Ruih. Sumagot naman si Zen, magpapahangin lang daw siya.

Matapos kong tingnan si Zen at hinarap ko si King Carson at nakatingin na pala sa'kin. Nakangiti ito na parang may nakitang magandang senaryo.

"Stop smiling like that, nagmumukha kang unggoy" asar ko dito at lalo namang itong ngumiti ng pagkalapad lapad

"Kung ganon, ako lang ang makikita mong gwapong unggoy" anito

"Okay, whatever." sabi ko at umirap.

Sakto namang lumapit si Master Ruih at sila Kuya Sant sa amin. Wala na yung kausap nila kanina.

"Kamahalan, tutuloy na kami. Hinihintay na kami ng Kaharian sa silangan. Maraming salamat ulit." Kuya Kint said.

"Ang tinutukoy mo ba ay Todric's Kingdom?" tanong ni King Carson kay Kuya Kint at tumango naman ito.

"Gustuhin ko mang dumito pa kayo ay alam kong tatanggi kayo, kaya mag-iingat kayo"

"We will." sagot naman ni Master Ruih at nag-bow bago naglakad palabas. Ganon din ang ginawa ng kambal at sinundan si Master.

Imbes na gayahin ko ang ginawa nila Master ay lumapit ako kay Carson at niyakap ito. Nagulat naman siya pero kalaunan ay yumakap din sa akin.

"I'll miss you." bulong ko. Tumawa siya bago nagsalita

"Ako rin." bulong nito. "O, siya umalis kana at may mga mata na namang mukhang papatay ang nakatingin sa atin." natatawang dagdag niya at kumalas sa pagyakap. Lumingon naman ako sa paligid pero tanging kami lang ni King Carson ang nandito. Pinagsasabi nito? Wala kaya. Magtatanong na sana ako kung sino ang tinutukoy niya, pero tumawa lang siya at umiling.

"Goodbye Princess, till we meet again." he said.

"Goodbye." sabi ko naman at dahan dahang naglakad patungo sa pinto ng nilabasan din nila Master. Hahawakan ko palang ang pinto nang bumukas ito at maharas na hinila ang aking pulsuhan.

What the fuck? Inis kong tiningnan ang pangahas na humila sa akin at mas lalo lang akong nainis nang makita itong masama ang tingin sa akin.

Ayos ah, siya na nga yung bigla biglang nanghihila, tapos siya pa ang may ganang tumingin na masama. Ako dapat yon. Ako.

"Ang tagal mo! Kanina pa ako naghihintay sa'yo dito!" sabi nito na may halong inis.

"Bakit? Wala naman akong sinabi na hintayin mo 'ko ah" mahinahong sabi ko habang tinitingnan ang aking pulsuhan na ngayon niya lang binitawan. Hmm, buti nalang hindi namula.

"Akala ko susundan mo ko kanina! Kainis, naghintay ako sa wala!" ani Zen.

"Assuming mo masyado" natatawang sabi ko. He looks cute. Pabebe pa hahaha, but sa lahat ng mga pabebe siya lang yung gusto ko.

Natahimik siya sa sinabi ko at seryoso akong tiningnan. Okay, nakakailang. Mas ayos na ata kung magloko lokohan siya kesa magseryoso kasi ano, ang hirap i-explain eh.

Sasabihin ko pa lang na biro lang kaso tinakpan niya gamit ang kanyang hintuturong daliri ang aking bibig kaya hindi ko na nasabi.

"Call me assuming or what, it's fine with me, sa'yo lang naman ako nagkakaganito. Only to you and yes I'm jealous, can't you see? Nagseselos ako sa inyong dalawa! Nagseselos ako. Selos na selos, Lynx."

I was speechless. So damn speechless. Namalayan ko nalang na hinihila na niya uli ako palapit kila Master Ruih na handa ng umalis.

What was that? Am I dreaming? Damn, that was so unexpected.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon