Chapter Fifteen

7 1 0
                                    

(Sana'y natuwa kayo sa POV ng baklang si SG sa last update ko hihi. Salamat sa pagbabasa!)

Bella

"Bago tayo umalis, nais ko lang ipakilala sa inyo ang head ng mga babaeng wizard, Sol Vauthermerg. Ang magaling na sorceress sa buong Mitopia at ang aking pinakamamahal" pagpapakilala ni Master Ruih nang makapasok kami sa palasyo

Inisa-isa niya tiningnan ang aking mga kasamahan. At ako ang huli niyang tiningnan. Hindi pala, tinitigan. I looked at her wearing my serious face. I cannot smile at her kahit na nakangiti ito sa akin. The way she looks at me with a smirk makes me uncomfortable. Katulad na katulad ang ginawa niya kanina kung paano niya ako tingnan.

"We know her." sabi ni Kuya KG.

Iniiwas ko ang tingin sa kanya at binalingan si Kuya KG. Nagsitanguhan din si Zen at Kuya KG. So, ako lang pala ang hindi nakakakilala sa kanya?

"At ito naman si Heimdall Balker." patuloy ni Master Ruih na parang wala siyang pakialam sa pinapakilala

Tumawa naman ang lalaking nagngangalang Heimdall.

"Wala man lang bang papuri na lalabas sa bibig mo, Ruih?" anito pagkatapos tumawa. Anong nakakatawa 'don?

"Bakit? Wala namang kapuri-puri sa'yo, Heimdall" maasim na sabi ni Master. Burn!

"Hindi ka parin nagbabago, Ruih. Galit ka pa rin ba sa akin?" ngisi nito

"Hindi, Heimdall. Ang mga royalties ang nagdesisyon niyon kaya wala akong balak na kwestiyunin 'yon." sabi naman ni Matter Ruih

Hindi ko maintindihan kung ano ang mga sinasabi nila. Pawang nakatingin lang kami sa kanilang dalawa na anytime mag-sasabunutan. Biro lang.

"Tumigil na kayong dalawa. Ruih, sasama ako sa inyo." sabat ng babaeng nagngangalang Sol. Buti nalang at pinigilan niya ang dalawa. Napansin niya rin pala ang tensyon sa dalawang matanda.

"Kung ganon, magpaalam na muna tayo sa inyong Hari" sabi naman ni Master Ruih

Umiling naman ang matandang babae. Ani niya'y nakapagpaalam na siya sa mga ito.

"Ingatan lang natin ang kanyang anak, at wala tayong magiging problema." dagdag pa niya.

"So, tayo na?" tanong ni Master Ruih na nakangiti nang parang may ibang ibig sabihin. May binabalak ang lolo niyo.

Seryoso lang siyang tiningnan ng babae at hindi nagsalita.

Napakamot naman ng ulo si Master Ruih nang wala siyang marinig na salita kay Sol. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya, kaya name na lang.

Napatagal ata ang tingin ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. 'Yung tingin na naman niya sa katulad ng kanina. Pawang may lihim na itinatago.

"Ayos lang naman sa iyong sumama ako, Prinsesa?" sabi nito.

Nagulat ako ng kinausap niya ako. Simula kanina ay bukod sa paraan niya ng pagtingin ay hindi niya ako kinakausap.

Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Walang problema, uh, Ma'am" napapikit naman ako sa aking tinawag sa akin. Really, Bella, Ma'am? Gosh!

Ngumiti naman ito sa akin

"Sol, nalang ang itawag mo sa akin, mahal na Prinsesa." malumanay nitong sabi.

"Uh, pero.. Master ang tawag ko kay Master Ruih, so it means, I can call you Master Sol. I mean, can I call you Master Sol na lang po?" napangiwi ako sa sinabi ko. Nako, Bella, halatang kinakabahan ka.

Pretending To Be Her(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon