Come Saturday (Short Story)
Thursday 9.00 P.M.
Pagpasok sa condo, nabungaran ni Weng na nakaupo sa sofa ang kaibigang si Carissa. Umiinom ito ng red wine.Sigurado siyang may mabigat na problema ang kaibigan. Hindi ito nainom ng magisa, lalo na sa bahay. Tinawagan siya ni Carissa kanina. Kailangan daw ng kasama.
"Mukhang mabigat ang problema ni friendship ha" Bungad ni Weng matapos umupo sa tabi ng kaibigan. Napansin na namumugto ang mga mata nito.
" Kabisado ko na ang lungkot sa mukha mo. At dalawang tao lamang ang alam kong dahilan ng pagiyak mo. Ang nanay mo at ang jowa mo. Nakausap ko kanina sa phone si mommy kaya alam kong ok lang siya."
"So ano ang problema mo kay Carlo ang magaling mong jowa. May babae ba siya, nag-away ba kayo, sinasaktan ka ba niya?"
Tahimik lang si Carissa.
"Ewan ko nga ba sa iyo friendship, hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nakita mo sa doctor na yan. Oo, may itsura pero hindi naman guwapo, may kaya pero hindi naman mayaman, hindi rin sikat. Higit sa lahat, may asawa at anak pa!"
" Maiintindihan ko pa yung mga pumapatol sa may asawa dahil sa pangangailangan. Mayroong kailangang makatapos ng pagaaral, buhayin ang sarile pati na magulang at paaralin ang kapatid. Yung iba sabik sa material na bagal, bahay, kotse, alahas, signature stuff, travel abroad, bakasyon grande at iba pa. Marami din ang trip ay kapangyarihan. Dagdag ko pa yung mga libog lang ang dahilan." Sa tutoo lang, pokpok ang tingin sa kanila ng marami. High maintenance nga lang."
"Hindi naman lahat ganyan Weng" depensa ni Carissa.
"Oo na andun nako, may mga naloko lang at hindi na ka makakalas. Pero ilan lang ba ang talagang dahil sa tunay na pagibig."
"Pero ikaw friendship, pang beauty queen ang ganda ng mukha at katawan mo, edukada, mataas ang posisyon sa trabaho. Galing ka pa sa buena pamilya. Hindi naman kung saan ka lang niya dinampot no!"
"Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang nakita mo dun at pumatol ka sa may asawa. Kung ano pinakain sa iyo nun at nagustuhan mo siya".
"Alam ko na, siguro malaki ang titi ni Carlo, ano. Yun ang pinakain niya sa sa iyo. Kilala kitang babae ka, malibog ka!"
"Weng!!" Natawa si Carissa sabay hampas ng throw pillow sa kaibigan.
"Ikaw talaga, kahit kalian ang bastos bastos ng bibig mo."
"Pero kung kantot lang naman friendship, hindi ka naman virgin nung makuha ni Carlo. Beterana ka na sex sa dame ng nakarelasyon mo. Mga hunks, mayaman, popular na tao, mga miyembro ng alta sosyadad katulad ng pamilya mo"
"Mahal ko si Carlo, Weng. Mahal na mahal!" Halos pabulong na sagot ni Carissa. Kay lungkot ng kanyang mga mata.
Ngayon lang nakita ni Weng na ganung kalungkot ang kaibigan. Ang umiyak dahil sa pagibig...dahil lang sa isang lalake.! Ano ang nagbigay sa lalakeng yun ng kapangyarihan at nakasalalay sa kanya ang lungkot at ligaya ng kanyang kaibigan?
Hindi talaga maiintindihan ni Weng, palibhasa ay NBSB ito. Isa kasi siyang permanent resident ng friendzone. Hindi pa niya nararanasan ang umibig at ibigin.
Mahabang katahimikan.
"Eh friendship, ano nga ang nangyari at malungkot ka?
"Toast na lang tayo Weng" Inabot ang isang kopita sa kaibigan.
"Anong okasyon, buntis ka?" Tanong ni Weng
"Weeeeeeeng!!"
"Joke lang friendship" Ano ba talaga ang dahilan?".
" Nakapag desisyon na ako Weng. Matagal bago uli ito nagsalita.
"Iiwan ko na si Carlo. Tatapusin ko na ang relasyon namin." Pilit pinatatag ni Carissa ang kalooban.
"Ha bakit?, may ginawa ba siyang hindi maganda sa iyo?"
"Wala Weng, napakabuti niyang tao." Ngayon lang ako nakakilala ng ganun klaseng tao na inuuna ang kapakanan ng iba bago ang kanyang sarile . Nilaan niya ang kanyang oras, talino at propesyon para sa mga kababaya nating malayo sa kabihasnan. Mas pinili niyang magsilbi sa mga ito kesa kumita ng malaki sa ibang bansa. Napakabait niyang tao!."
"Kung mabait siya, bakit ka niya pinatulan. Alam niyang may asawa at anak na siya"
"Mula ng magkakilala kami sa isang medical mission na pinamahalaan niya at inisponsor ng aming kompanya, ay naikwento na niya sa akin ang tungkol sa kanyang pamilya. Kung gaano niya pinahahalagaan ito. Alam ng Diyos na pinilit naming pigilan ang maging malapit sa isat isa. Pero nangyari ang hindi dapat mangyari. Hindi ko maipaliwanag kung bakit."
"Pero friendship, halos apat na taon na ang inyong relasyon, bakit nagtagal ng ganun?"
"Weng, maraming beses na ginusto ni Carlo na tapusin na ang aming relasyon. Hindi dahil sa hindi niya na ako mahal kundi naawa siya sa akin dahil sa sitwasyon namin. Isa pa, halos wala na nga siyang panahon sa akin dahil sa mga mission niya. Sa tingin niya ay unfair para sa akin."
"Pero nagagalit ako tuwing babangitin niya ang tungkol duon at inaway ko siya. Sabi ko sa kanya papayag lang ako kung sasabihin niyang hindi na niya ako mahal!"
"Eh bakit ngayon payag ka na. Hindi ka na ba niya mahal? Sinabi na ba niya sa iyo?"
"Mahal na mahal ako ni Carlo. Nakikita ko yun sa kanyang mga mata, sa kanyang mga salita at gawa. Ngayon lang may nagpahalaga sa akin ng ganun sa dinami- dame ng mga lalakeng nagdaan sa buhay ko."
"Eh bakit nga friendship?"
"Nakita ko si Carlo at kanyang pamilya sa mall nuong Lingo ng hapon." " Hindi ko kinaya Weng...ang sakit"
"Bakit? Alam mo namang may asawa at anak yung tao!"
"Oo madalas maikwento sa akin ni Carlo ang tungkol sa dalawa niyang anak na babae. Pero iba pala pag nakita mo ng personal. Para akong binuhsan ng napakalamig na tubig. Nanigas ako sa pagkakatayo ko. Mabuti na lang hindi nila ako kita sa kinatatayuan ko. Masaya sila naglalakad. Ang gaganda ng mga bata tulad ng nasa picture na pinakita sa akin ni Carlo. Tinamaan ako Weng. Ang tingin ko sa sarile ko ay napakasama kong tao!"
"Alam mong galing ako sa broken family. May ibang pamilya si papa. Alam ko ang sakit na dulot nito sa aking mama, sa aming magkakapatid. Ayokong maranasan yun ng mga anak ni Carlo. Ayoko ring nakawin pa sa kanila ang kakaunting panahon ni Carlo para sa kanila."
"Paano ka friendship, kakayanin mo ba"
"Ewan ko Weng..bahala na. Sasabihin ko sa kanya. Magkikita kami dito sa Sabado ng gabi. Anibersaryo namin yun. Na sa medical mission siya ngayon sa Compostela Valley. Sabado ng hapon ang balik ninya sa Manila. "
"Naku, kawawa naman kayo., friendship. Sana maayos ang lahat"
Tahimik na lang na naginuman ang magkaibigan. Napupuna ni Weng na malayo ang isip ni Carissa.
"O paano friendship, mauna na ako matulog at maaga pa ang presentation namin bukas sa board. Alam mo naman ang pressure sa advertising."
Tumuloy sa kuwarto si Weng. Sanay na siyang matulog dito. May sarile nga siyang susi ng condo. Hati sila Carlo at Carissa sa upa nito. Ayaw ni Carissa na si Carlo lang ang magbayad nito kahit anong pilit nito. Hindi pa talaga inaantok si Weng. Kaya lang, alam niyang kailangan ng kaibigan na mapagisa.
Hatinggabi na ng makatulog si Weng.
Friday 1:00 A.M.
Magulo ang isip ni Carissa. Inaalala ang magiging eksena sa Sabado....kung paano sisimulang sabihin ang kanyang desisyon na makipagkalas na kay Carlo. Hindi niya akalain na magtatapos sa ganito ang kanilang pagibig. Matapos ang lahat ng kanilang pinagdaanan para ipaglaban ito.
Kabit, mistress, husband stealer, home wrecker, pokpok iisa lang ang ibig sabihin....nakikiapid siya sa asawa ng may asawa. Masakit mang isipin, tutuo lahat yan. Ang selebrasyon nila ng pasko, bagong taon, Valentine's day at birthday ni Carlo , laging kung hindi advanced ay delayed. Ang birthday niya , suwerte na lang pag tumama sa araw na libre si Carlo.
Ang kaba tuwing tutunog ang cell phone ni Carlo pag sila ay magkapiling sa condo. Ang pangamba sa mukha nila ni Carlo at panakaw na tingin nito relo. Bihira rin silang lumabas dahil sa takot na baka may mga makakita sa kanilang kakilala. Kung lumabas man sila ay patago. Pakiramdam niya ay para silang mga kriminal.
Pero nawawala ang lahat ng sakit na ito pag kapiling si Carlo gaano mang kaikli ito. Ngayon lang siya nagmahal ng ganito. Masakit pala. Mabuti pa nuon sa mga dating karelasyon, hindi siya kundi sila lang ang nagmamahal. Sila lang ang nasasaktan.
Friday 11:50 P.M.
Hindi makatulog si Carissa. Pinipilit tanggapin ang napipintong pagkawala ng pagibig. Lumabas siya nuong hapon upang mamili ng ihahanda niya para sa anniversary' dinner nila ni Carlo. Steak..medium rare at red wine..blueberry cheese cake at Yellow tulips sa la mesa...mga paborito ni Carlo. Pinalitan din ninya ang beddings at kurtina sa kuwarto. Mabango at malinis ang kama....ang magiging saksi sa huli nilang pagiibigan. Napaiyak siya habang inihahanda ang mga personal na gamit ni Carlo.
Nakatulog si Carisa na may luha sa mga mata.
Saturday 11:00 A.M.
ABS-CBN radio balita: Dalawang doctor ang naipit sa palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at hinihinalang mga miyembro ng NPA sa Compostela valley kaninang umaga lamang. Ayon sa report, tinambangan ang convoy ng mga doctor na galing sa medical mission at ang escort nitong mga sundalo. Patay agad ang isa na kinilalang si Doktor Carlo Maravilla. Sugatan naman ang isa pa at nasa malubhang kalagayan sa ospital.Sa kabilang dako, sa ibang report.........
WAKAS
BINABASA MO ANG
Wives And Lovers
RomanceA must read on romantic eroticism , this collection of steamy tales of love and lust , of sin and redemption . Of good girls gone bad. .the men they loved and hated ...their journey into the abyss of sexual degeneration. PURELY EROTICA...