Ang Babae Sa Puntod (A Short Story)

22.4K 98 9
                                    



Bago ang karogtong ng Burikak.

Please read my Halloween special presentation.   It is my practice na sumulat ng ganitong tema tuwing Undas.  Pls.  VOTE if you like it.  

Thanks


 Ang Babae Sa Puntod

Kasalukuyan

Hapon, sa isang memorial park sa Quezon City limang araw bago ang Undas.

Malungkot ang mukha ni Don habang nakatayo sa harap ng puntod ng ina. Araw-araw niya itong dinadalaw mula ng siya ay dumating nuong isang lingo mula sa Canada para sa isang buwang bakasyon. Isa siyang computer engineer.

"Nay, bakit ganun?. Naging mabuti naman akong asawa kay Shee. Paano niya nagawa sakin yun. Ang sakit sakit pa rin Nay. Hind ko na po alam kung ano ang aking gagawin."

---------------------------

Ang Nakaraan...

Hindi niya malilimutan ang araw na sinalubong siya sa airport ng asawang si Shee, halos isang taon na ang nakalilipas.

Biglaan ang kanyang paguwi nuon matapos niyang makausap sa phone ang asawa. Tumawag ito at sinabing patawarin siya at napakalaki ng kasalanang nagawa nito sa kanya.

Ayaw naman magsalita ni Shee kahit anong pilit niya. Basta sinabing gusto siyang makausap ng harapan bago ito umuwi sa bahay nito sa Baguio City.

Ilang araw siyang balisa . Hindi halos makatulog, makakain, bago ang kanyang flight pauwi ng Manila.

Ayaw man niyang aminin sa sarile, alam na niyang isang bagay lang ang malaking kasalanang maaring magawa sa kanya ng asawa.

NAGTAKSIL ITO.!

Hindi niya lubos na maisip kung papano at bakit magagawa ito ni Shee sa kanya. Masaya silang nagsasama mula pa ng sila ay ikasal limang taon na ang nakakaraan,

Hindi naman kung saan lamang niya nakuha si Shee. Hindi man mayaman, pero maayos at disente ang pinaggalingan nitong pamilya, Isang teller na si Shee sa banko ng kanyang makilala. Napakabait ng maganda niyang asawa. Mahusay makitungo sa lahat ng antas ng tao. At lalong hindi ito magaslaw sa kilos at pananalita.

----------------------

Walang nagsasalita habang sila ay nasa taxi. Seryoso ang kanilang mga mukha mula pa sa airport ng dumating si Don.

Wala rin gustong kumain, kaya nagcheck-in na agad sila sa isang hotel. Doon nila napagkasunduang magusap.

Pagpasok sa kwarto, wala pa ring nagsasalita, Nagpapakiramdaman.

Tahimik na umupo si Shee sa gilid ng kama. Naghihintay.

Palakad lakad naman si Don, hindi mapakali.

Matagal bago nagsalita.

"May lalake ka?" Puno ng hinanakit ang kanyang tinig. Nakatalikod siya sa asawa , sa harap niya ay ang magagandang tanawin mula sa malaking salamin ng bintana .

Hindi alam ni Shee kung papaano sasagutin ang tanong.

""SINO SIYA?! MAHAL MO BA SIYA, MAYAMAN BA SIYA, MAS MALAKI BA ANG TITI NIYA, MAS MAHUSAY BA SIYANG KUMANTOT.?!"

Sumabog na ang tinitimping galit, kumawala ang sakit ng damdamin. Sunodsunod ang tanong.

"Hi..hindi ganun Don hindi...ganun..." Nagulat si Shee sa pananalita ng asawa. Ni hindi ito marunong magmura, disente ito at mahinahon sa pananalita.

Wives And LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon