Chapter 1.
'Lasciera La Terra'
— Phoebe —
"I'm going, Mom," paalam ko kay mommy at humalik sa kanyang pisngi. Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na papasok sa malaking gate ng Terra U. Out of nowhere, naging boarding school ang university. Wala namang nagawa ang mga estudyante dahil ito na lang ang nag-iisang eskwelahan ang tumatanggap sa kanila.
Not me. Dahil normal na estudyante lang ako ngunit ipinagsiksikan ako ng mga magulang ko sa walang kasiguraduhang paaralang ito.
"Phoebe!" narinig kong sigaw ni mommy. Nakababa ang bintana ng kotse namin at nakatanaw siya sa akin. "I'll wait you home, sweetie," sabi niya at pinatakbo na ni manong ang kotse. She'll wait me home? Nakalimutan na yata ni mommy na boarding school na ang Terra kaya matatagalan akong hindi makakauwi.
Dumiretso na ako sa magiging dorm room ko habang nandito sa Terra. Nasa hallway na ako ng building at naagaw ang atensyon ko ng mga estudyanteng nakadungaw sa railing. Out of curiosity, nakisilip din ako. And it's just a normal gang fight kaya dumiretso na ako sa dorm room ko na nakasaad sa maliit na papel. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay agad akong kumatok.
"Come in." It was probably my roommate and he's a guy based on his voice. I don't mind kung lalaki man ang roommate ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang lalaki na nag-aayos ng bedsheets ng isa sa dalawang kama.
"The famous one of the stray students," nakangiti niyang sabi nang mapagsino ako. He's wearing a thick eyeglasses that made him look innocent.
"Phoebe," kaswal kong pakilala para hindi na niya ako tawagin sa ganoong pagkakakilanlan.
'Stray Students'
’Yan ang tawag sa amin. Sa pagkakaalam ko, apat kaming stray students ng Terra University. Tinawag kaming ganiyan dahil hindi raw nababagay ang personality namin sa paaralang ito. Wala naman akong panahon sa ganiyang kalokohan kaya hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon para kilalanin pa ang tatlong estudyanteng iyon.
"Aether. Aether Alonzo. One of the stray students," sabi niya kaya napatitig ako sa kanya. Well, mukhang hindi nga malabong isa siya sa stray students dahil sa hitsura niya.
"Cool," walang gana kong sagot. Sinuot ko ang headphone na nakasukbit sa batok ko at nakinig na lang ng music. Maroon 5 music is playing.
Katulad ni Aether, inayos ko rin ang magiging kama ko. I unpacked my things at inayos na rin ang iba ko pang mga gamit. Hinubad ko ang headphone nang makitang kumakaway ang palad ni Aether sa harapan ko.
"What?" tanong ko.
"Tumunog 'yong speaker. Pinapababa ang lahat ng estudyante sa quadrangle." Sabi niya kaya tumayo na ako at sumabay sa kanya sa pagbaba.
"May ideya ka ba sa kung anong announcement ngayon?" tanong niya nang marating namin ang kumpulan ng mga estudyante. Nagkibit balikat lang ako dahil wala akong ideya. Hindi ako manghuhula.
Pumanhik si Mr. Erebus Rivero sa stage at kinuha ang mic. Kahit nakikita na nila na may guro sa unahan, nanatiling nagkakagulo ang mga estudyante at may kanya-kanyang mundo. Parang mga walang pakialam sa ihahayag ng professor.
"Listen, Terra U students," panimula niya at bahagyang nanahimik ang mga estudyante. "Ito na ang huling araw ng bakasyon."
"We know, we have calendar in our phones," sarkastikong sabi ng isang estudyante kaya nagtawanan sila. Napairap na lang ako sa isip ko. Hindi naman iyon pinansin ni Mr. Rivero at muli siyang nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/109873349-288-k175534.jpg)
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Science FictionFight for your life. Yourself is your only ally.