46. Space Travel

2.2K 87 3
                                    

Chapter 46

'Space Travel'

"Anong plano?" tanong ni Phoebe kay Aether na kasalaukuyang nakaharap sa kanyang laptop.

"We can't just stay here," sabi ni Eros. Nakapalibot sa force field ang mga tauhan ng Terra at alam nilang may pinaplano sila.

"We have time para magpahinga," tinignan nila ang mga kasamahan nilang estudyante at halos lahat sila ay nakaupo sa ground. Nagpapahinga dahil napagod sila sa pakikipaglaban kanina. Ang iba rin ay sugatan pa. Ginagamot ni Red si Jairah, ang mag-asawang Crimson ay inaasikaso ang iba pang sugatan. May ipinamimigay rin silang pagkain.

Batid ni Phoebe na pinagplanuhan nila 'to. Alam ng mga ka-grupo niya ang tungkol sa force field na pumuprotekta sa kanila. Naisip niyang ito ang pinagkaabalahan ni Aether kaya hindi siya nahiwalay sa laptop niya.

"Gaano katagal ang oras na mayroon tayo?" tanong ni Phoebe.

"Kung ang pagbabasehan ay ang battery ng laptop ko, kaya lamang nito hanggang hapon." Napahugot ng hininga si Eros.

"Masyadong maikli para makabawi tayong lahat ng lakas." Eros said. Nakaramdam sila ng tensyon sa buong paligid at na-alerto. Sa labas ng deflector shield ay may hawak na ng mga syringe ang tauhan ng Terra. Muling dumating si Erebus Rivero na may dalang tablet. Tinignan nito ang launchpad kung saan naka-setup na ang shuttle na sasakyan nila.

"Ang Terra Space," nilingon si Phoebe ng kanyang mga kasama. Nakuha nito ang atensyon ni Leander kaya tumayo ito at iniwan ang estudyanteng ginagamot.

"Oh, God..." bulong nito nang makalapit sa puwesto nila Phoebe na kapuwa tulala sa shuttle. "Get ready! Come on, getup, students!" Sabi niya kaya napuno na naman ng tensyon ang mga estudyante. Si Rivero ay abala sa hawak niyang tablet.

"Anong nangyayari, Leander?" tanong ni Eula.

"They will do an electromagnetic pulse!"

"Goddammit!" Nagkukumahog si Aether na makabalik sa kanyang laptop nang mabilis na makuha ang ibig sabihin ni Leander at natatarantang tumipa rito. Sumunod sila kay Aether at pinanood ito.

"They will shutdown electric energy. At kasama rito ang electric devices. Therefore, hindi na rin magfa-function ang laptop ni Aether. Mawawala ang deflector shield." Paliwanag ni Leander.

"Fuck!" Bigla na lamang nag-shutdown ang laptop ni Aether at tuluyan na ring nawala ang force field na pumoprotekta sa kanila. Isa-isang nagsitakbuhan ang mga estudyante ngunit mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Terra at pinagtuturukan sila ng EBP. Ang mga naturukan ay agad na tinangay papuntang launch site at isinakay sa magarbo at higanteng shuttle.

Nagpumilit si Phoebe na makatakas ngunit naturukan din siya ng EBP. Dahil sa suntok sa kanya sa sikmura ay nanghina ito at natangay sa loob ng shuttle. Ang mag-asawang Crimson ay nagtungo sa kanilang spacecraft na gagamitin nila pabalik ng Eureia.

Samantala, ibang direksyon naman ang tinahak nina Eros at Aether bilang bahagi ng kanilang Plan B. Nadaanan nila ang mga tauhan ng Terra na kumagat sa bitag at patibong. Nakaupo si Ares sa sanga ng puno habang naghihintay ng oras, ngunit nagulat siya nang matanaw ang dalawa.

"What the hell are you doing here?" tanong niya. Inaasahan niya ang pagdating ng dalawa ngunit hindi ganito kaaga. Ang sabi ni Aether ay mga hapon sila darating.

"Isa-isa na nilang sinasakay ang mga estudyante sa shuttle," ibinalita ni Eros.

"And you left Phoebe there? Fuck you!" Nagsimula nang tumakbo si Ares at sumunod ang dalawa.

"Nandoon si Kuya Red!" Aether said para maibsan kahit papaano ang pag-aalala ni Ares.

"Still, fuck you! Kuya is weak and wounded!" nang marating nila ang lugar ay malinis na ito. Wala nang tauhan ng Terra o estudyante ang naiwan. Tanging ang nakabulagtang si Red na lang ang narito. "Kuya!" Nilapitan nila ito at nakitang may tama ito ng baril.

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon