10. Planet Eureia

3K 98 8
                                    

Chapter 10

'Planet Eureia'

— Phoebe —

Halos matumba ako nang bigla na lang akong ibinaba ni Ares nang makapasok kami sa isang pinto.

"I hate you to infinity and beyond!" singhal ko sa kanya at nginisian niya lang ako.

"Ssh..." We heard someone hush at nilingon namin ang pinanggalingam no'n. Nakita namin si Prof Alarcon na naka-laboratory gown at naglalakad palapit sa amin. "You made it, students," bati niya sa amin at dumating din si Eros.

"Tungkol saan po ang pag-uusapan natin?" hindi na ko nagpaliguy-ligoy pa at nagtanong na ako.

"Maupo kayo." Itinuro niya ang upuan sa tapat ng table kung saan nakapatong ang iba't ibang kulay ng mga likidong marahil ay pinag-aaralan nila. Naupo kami at nakatayo si Prof sa harap namin. Para lang kaming nasa classroom. "Let's start, Eros," sabi niya kay Eros.

"Yes, mommy," sabi nito at naglakad papunta sa tabi ni Prof Alarcon.

Wait—

"Mommy?" the three of us said in unison.

"Eros is my son," kaswal na sabi ng propesora. What the fudge? Seriously?

"Bakit Fuentes ang last name niya?" tanong ni Aether.

"Ang Alarcon ay apelyido ng yumao kong asawa. Fuentes ang apelyido ng ama ni Eros at iyon ang pinagamit ko sa kanyang apelyido," sabi ni Prof Alarcon.

"So, kapatid niya si Jarred?" tanong ko at tumango siya.

"Half brother," sabi pa niya. Kaya pala noong isang beses na nag-usap kami tungkol sa mga bagay na nami-miss namin sa labas ng Terra, ang sabi niya ay imposible niya raw na ma-miss ang mommy niya. 'Yon pala ay dahil kasama naman niya ito sa loob ng Terra.

"Going back to the business, oras na para malaman ninyo ang totoo tungkol sa kung sino at ano ba kayo." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" tanong ko.

"I just need your ears right now, Phoebe," sabi niya at nag-make face lang ako sa kanya.

"This is the EBP. The one we injected to you, guys. Eureia breathing potion," sabi ni Eros at ipinakita ang test tube na may kulay abong likido.

"Paano ninyo na-imbento 'yan?" tanong ni Aether.

"By examining this," sabi ni prof at ipinakita naman ang pamilyar na botelya. Ayun 'yong kinuha ni Eros sa clinic.

"It is a sand from Eureia," sabi ni Eros at napanganga ako.

Wow!

"I gave him a task na pag-aralan ang bagay na 'yan na nagmula pa sa Eureia. At nagawa niya ang EBP," proud na sabi ng mommy ni Eros.

What do you expect? He's a science genius.

"May susi ka ng cabinet na pinaglalagyan niyan, 'di ba, Prof? Bakit inutusan mo pa si Eros na kumuha niyan?" I asked.

"To avoid interrogation. Kung makikitang may kinuha ako sa cabinet, magdududa sila lalo pa't hindi naman hugis at kulay gamot ang botelya. Eros, explain...

"Base sa pag-aaral na ginawa ko, may malaking amount ng hydrogen at helium ang present dito kaya sinubukan ko kung may pagkakatulad ba ang atmosphere ng Jupiter sa atmosphere ng Eureia since they are both composed of a huge amount of the said compound," paliwanag pa ni Eros.

"At magkatulad lang sila ng atmosphere?" tanong ni Ares. Bakit 'pag sila, puwede magtanong? Ako, hindi!

"Almost. Matapos kong pag-aralan ang buong atmosphere ng Jupiter, I came up with the idea of EBP," dagdag pa niya.

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon