Chapter 35
'Betrayal'
— Phoebe —
May isang oras na yata akong walang ginawa kundi ang harapin ang kisami ng laboratory na 'to. Wala akong ibang kasama kundi ang robot na nasa iisang lugar lamang. Tila wala na itong baterya. Hindi tulad noon na sobrang aktibo.
"Nagugutom ka na ba, Miss Villamor?" Lumabas si Mr. Rivero mula sa kuwartong laging pinapasukan ni Dr. Hayes at lumapit sa akin. Muli akong nakaramdam ng galit.
"Ganiyan ka ba talaga kahina? Ako lang ang kaya mong makuha?" I taunted him.
"No. Sadyang gano'n ka lang kadaling paikutin," he says na ikinaigting lalo ng galit ko. Lahat na lang ng tao ay minamaliit ang kakayahan ko.
"How did you get me? Talagang inabangan mo ang paglabas ko?" I asked. Naging abala kami sa space center at hindi nagkaroon ng oras na dalasan ang paglalagi rito sa campus. Kung lalabas man ako, kasama ko 'yong tatlo. Talagang humanap sila ng tiyempo na ako lang mag-isa? Ganoon sila katiyagang makuha ako?
"Inabangan? No, no, no. Mainipin akong tao, Phoebe! Hindi ko hinihintay ang target ko, I find ways para siya ang pumunta sa akin," sabi niya na ikinatahimik ko.
"W-what do you mean?"
"Masyadong bantay-sarado sa'yo ang tatlong lalaki. Lalo na si Sandoval. Imposibleng makuha kita nang ganoon kadali. You need to be out of their sight," he uttered.
"What the hell! Diretsuhin mo na ako!" Kung hindi lamang ako nakaposas, kanina ko pa siya sinaktan para magsalita.
Bumukas ang pintuan at ipinasok ng isang tauhan ni Mr. Rivero ang isang babae. Patulak itong binitiwan at muling lumabas ang tauhan. Ang babaeng naiwan ay walang gapos o galos man lang. I should be happy by now cause she looks fine. Jairah looks okay and unscathed. Except the fact that she's crying. Nagtama ang aming paningin. May hawak siyang tray ng pagkain at lumapit sa akin.
"Pakainin mo ang bihag!" utos sa kanya ni Mr. Rivero at lumabas na ng laboratory. Naiwan kaming dalawa ni Jairah. Matagal na-proseso ng utak ko ang nangyayari.
"I'm sorry, Phoebe. I'm really...sorry," she said between her sob. Then I realized one thing...
"You brought me here?" hindi makapaniwalang tanong ko. She just look down at napatunayan kong tama ang hinala ko. Napapikit ako nang mariin dahil hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sa amin. "Why, Jairah? Bakit?" tanging nasabi ko.
We trusted her. Alam niya ang lahat ng plano namin. Does it mean na alam nina Mr. Rivero ang lahat-lahat?
"I'm sorry. I had no choice. Pinagbantaan nila na papatayin nila ang mommy at daddy ko na nasa labas ng Terra kung hindi kita madadala sa kanila," she explains pero hindi ko magawang agad na maniwala.
"As long as hindi ka tatakas, hindi nila gagalawin ang pamilya mo. They have nothing to do with your family!" I hissed. I hate her. I loathe her. She's a total bitch!
"Nalaman nilang hindi ako estudyante ng Terra." Napahinto ako sa sinabi niya.
"How? Magkasama tayo sa tuwing nasa campus ka. Wala akong maalala na ginawa nating kahina-hinala para malaman nila," muling sambit ko. Pinapa-ikot ba ako ni Jairah? 'Cause I won't believe her anymore. She betrayed us and it's more than enough reason to not trust her. Damn! I want to hurt her so bad.
"Noong unang araw ko rito sa Terra, I used your school uniform. I'm so curious about this school so I roam around wearing your uniform. And there, Mr. Rivero saw me. Noong una, hindi niya ako pinansin, but he noticed the skirt, 'yong kapirasong punit,"
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Ciencia FicciónFight for your life. Yourself is your only ally.