Chapter 2.
'Lakeside Forest'
— Phoebe —
Tulad ng pinlano ko, nilibot ko ang Terra para makahanap ng lead sa sinasabing connection ni Aether. Hanggang sa mapadpad ako malapit sa Lakeside forest. Napako ang atensyon ko sa lalaking nakatayo at nakatanaw sa madilim na kagubatan. Nakatulala lang siya roon na parang malalim ang iniisip.
Nagbabalak ba siyang tumakas? Hindi niya ba nakita ang nangyari sa mga estudyanteng nagtangkang tumakas kanina? Talaga bang makikipagsapalaran siya?
"I saw those corpse," mayamaya ay nagsalita siya. Napatingin ako sa paligid upang makita kung may kausap ba siya pero kaming dalawa lang ang nandito.
"Ako ba ang kausap mo?" tanong ko. O marahil ay kinakausap niya ang sarili niya?
"They were killed brutally. But not by human. Pinatay sila ng mababangis na hayop sa loob ng kagubatan..." patuloy niya. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko kung ako ba ang kinakausap niya.
"I don't get you." Nag-assume ako na baka ako nga ang kausap niya. Kung ako nga ang kausap niya, hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sa akin. Ilang sandali pa ay hinarap na niya ako.
"Nawala lang 'yong gate. Pero nandito pa rin tayo sa mismong kinatitirikan ng Terra," sabi niya.
"How did you know?" Bakit parang siguradong-sigurado siya?
"'Yong mga pumatay sa estudyante, nakakasiguro akong mga mababangis na hayop ng kagubatan ang may kagagawan no'n." Mas lalo lang akong naguluhan sa paliwanag niya.
"Paano ka nga nakakasigurado?" tanong ko at muli siyang humarap sa gubat.
"'Yong mga sugat at pasa sa mga bangkay, hindi gawa ng tao." So nakita niya nang malapitan ang mga biktimang estudyante? Pero may isa pang tanong ang pumasok sa isip ko.
"At paano mo nalamang may mababangis na hayop sa kagubatan na 'yan?" Imposible namang hinulaan niya lang. Muli niya akong tinignan at tinitigan. Ilang sandali pa ay naglakad na siya palayo at na sinundan ko lang ng tingin. Totoo kaya ang sinabi niya? Kung totoo man iyon, paano niya nalaman? That guy must be something.
Inilibot ko ang tingin ko sa kagubatan. Hindi kaya para sa mababangis na hayop talaga ang barbwire na nakaharang dito noon upang walang makawalang hayop? At ngayong ang gubat lang ang daan para makalabas, tinanggal nila ang harang.
One thing is for sure, Lakeside forest is just a bait. At marami na ang kumagat dito.
Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad ngunit wala akong naging lead. Pinasya kong bumalik na muna sa dorm room dahil magdidilim na. Naabutan ko na si Aether na nakadapa sa kanyang kama at kaharap na naman ang kanyang laptop.
"Look at this," sabi niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Iniabot niya sa akin ang phone niya na may blocker detector. "'Yan ang mga nakuha ko sa paglilibot." Napatitig ako sa maraming saved connections na na-detect ng app.
"Pamilyar sa akin 'yong ibang connections." Inalala ko ang mga iyon.
"Yes. Dahil iyan pa rin ang mga connection na dating nag-a-appear sa devices natin from the households around Terra U." Bumangon siya at seryosong tumingin sa akin.
"And?"
"Nawala lang 'yong gate. Pero nandito pa rin tayo sa mismong kinatitirikan ng Terra." Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. 'Yan din ang sinabi sa akin ng lalaking nakausap ko kanina.
"Parehas na parehas kayo ng sinabi." Npakunot ang noo niya at inayos ang makapal na salamin.
"Nino?" Naglakad ako papunta sa kama ko at naupo.
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Science FictionFight for your life. Yourself is your only ally.