Chapter 20
'Unmasked'
— Phoebe —
Hindi ako mapakali dahil sa school skirt ko na napunit ang kapiraso. Naaalibadbaran ako kaya huminto na muna ako sa pagtakbo, napahinto rin si Aether.
"Bakit?" tanong niya.
"Kita na lang tayo ng lunch. May gagawin lang ako sa dorm," paalam ko sa kanya at tumakbo na ako papunta sa dorm building. Nagpalit lang ako saglit ng skirt. Ni-hang ko lang ito sa closet dahil kasusuot ko lang din nama no'n ngayon. 'Yon lang ang ginawa ko at lumabas na rin.
Natural science ang next class ko kaya dito na ako dumiretso dahil patapos na rin naman ang first class namin. Hindi ko na classmate 'yong dalawa kaya magkakahiwalay muna kami.
Seryoso akong nakikinig sa lectures ni Prof Alarcon. Minsan lang ako magkaroon ng focus sa klase kaya nilulubos ko na. But natural science went fast. Kung anong focused ko kanina ay siya namang kawalan ko ng gana sa basic math. I don't want to brag, but we're second year college, for heaven's sake. Why basic math?
Tahimik na lang akong nangalumbaba at tumunganga sa labas ng katabi kong bintana. Nakakasilaw ang liwanag ng sikat ng araw. I mean, liwanag ng sikat ng pekeng araw. Naging boring na rin ang mga sumunod na klase. Na-late ako sa paglabas ng lunch break dahil nagkalat ang gamit ko sa armrest ng upuan ko na ginamit sa activity namin kanina.
Ako na lang ang naiwan sa classroom kaya binilisan ko na ang kilos ko. Nasa cafeteria na siguro ang lahat ng estudyante dahil wala ng tao sa hallway. Ang kaninang mabilis kong paglalakad ay napalitan ng marahan at maingat dahil nakarinig ako ng kaluskos sa likuran ko. Nararamdaman kong may nakasunod sa'kin.
Hanggang sa tuluyan na akong napahinto dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Naramdaman ko rin ang pagtigil niya sa likuran ko, ilang dipa ang layo mula sa kinatatayuan ko.
It took me all the courage and guts to turn my head back hanggang sa tuluyan ko siyang maharap at napailang atras ako dahil sa labis na takot na sumibol sa aking dibdib. Pigil ang bawat hininga ko dahil batid kong nasa panganib ako. Sa mga titig at ngisi pa lang niya sa'kin ay alam kong may binabalak na siya. Binalingan ko ang araw. Hell, it's shining bright and dusk isn't even approaching.
Ares, you need to be back now. Not dusk, not twilight. Back now, I hate to admit it, but I need you now.
"Nabalitaan kong wala ka pala sa venue nung namatay ang ilaw at napalitan ng UV light?" Nagtindigan ang balahibo ko sa malamig na tinig ni Mr. Rivero. Hindi ako kumibo. Buong tatag kong sinasalubong ang mga tingin niya.
"Tatlong EBP lamang ang nakita namin. Nahirapan pa kaming hanapin ang nawawalang isa. Mabuti na lang at na-check ng isang administrator ang CCTV footage kung saan ka nag-stay noon kaya naman napag-alaman naming may isang estudyante pala ang hindi natamaan ng UV light. Tell me, Miss Villamor... is EBP implanted in your body?" Na-estatwa ako sa tanong niya.
"H-hind ko alam E-EBP na tinutukoy mo," pagmamaang-maangan ko kahit pa nababasa ko na sa mga mata niya ang kasiguraduhang nasa akin nga ang hinahanap niya.
"Really?" Humakbang siya ng isa palapit sa akin kaya napaatras ako. "Almost two weeks pa naman ang pagsasagawa ng project LLT. Hindi kami nagmamadali. Mahirap lapitan ang tatlong lalaki, we'll take it slow. Kaya magsisimula na muna kami sa pinakamahina." Napahigpit ang kapit ko sa librong hawak ko.
Bato-bato ang katawan ni Mr. Rivero. Wala akong magagawa kung lalabanan ko siya. Isa sa na-ealize kong purpose ng pag-train sa amin ni Ares kung saan ginamitan ng dangles ay upang maging magaan at mabilis ang pagkilos namin. Kaya dadaanin ko si Mr. Rivero sa pagtakbo, hanggang sa makarating ng caf dahil paniguradong nandoon na sina Eros at Aether. Sa ngayon, sila lang ang makakatulong sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/109873349-288-k175534.jpg)
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Science FictionFight for your life. Yourself is your only ally.