Chapter 40
'Reality'
— Phoebe —
Magkahalong ngalay, sakit at hapdi ng katawan ang naramdaman ko nang dahan-dahan akong dumilat. Ngunit hindi ko magawang imulat nang maayos ang aking mga mata dahil sa tindi ng sikat ng araw. Napapikit na lang ulit ako at inalala ang mga nangyari.
Simula ng gabing iyon kung saan nakita ko ang isang nilalang na parang sumusunod sa akin ay hindi na ako mapalagay. At nang kinaumagahan, habang nagdidilig ng mga alaga kong bulaklak, may matigas na bagay ang humampas sa akin na siyang nakapagpawala sa aking ulirat. At ngayon, paggising ko, nandito na ako sa lugar na ito.
Iginalaw ko ang braso't paa ko at doon ko lamang napag-alaman na nakagapos na pala ako. Nakagapos ako sa aking kinauupuan. Batid kong ilang oras na rin akong nasa ganitong posisyon dahil sa labis na pagkangalay ng aking leeg at batok. Maging ng aking mga kamay na sa sandalan sa likod nakagapos.
Pinilit kong magmulat at nang masanay na ang aking mata sa liwanag ay saka ko inilibot ang aking paningin. Napako ang mata ko sa kamang kinaroroonan ni Ares. And then I realized na balik Terra ako. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga sugat at galos sa kanyang katawan. Ginawa ko ang lahat upang mahila ang upuan palapit sa kinaroroonan niya.
Matagal akong umabante upang marating ang kanyang kama. Wala siyang malay. May iilang bantay ngunit wala namang pakialam, sumulyap lang sa pagtatangka kong makalapit kay Ares at nagpatuloy sa pagsusugal. Maaaring batid nilang hindi naman kami makakatakas pa.
"Ares," tawag ko sa kanya. Tinignan ko ang dibdib niya at nakahinga ako nang maluwag nang makitang nagtataas baba pa ito. He's still breathing. "Ares!" Tawag kong muli sa kanya at kumibot ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niya itong iminulat at tinignan ang kinaroroonan ko. Gulat at takot ang nabakas sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin at nang masigurong walang bantay ang nakatingin sa amin ay saka siya nagsalita.
"What the hell are you doing here?" Mahina niyang tanong na para bang bumalik na siya sa totoong si Ares. That jerk!
"Hindi ko alam. I was outside Terra, someone hits me. At paggising ko, nandito na ako," sabi ko.
"What the fuck!" mura niya at sumulyap ulit sa mga bantay na abala lang sa pagsusugal. "I'm secretly recovering, Phoebe. Kaunting oras na lang ang hinihintay ko. Who the hell brought you back here? Damn!"
"Anong plano?" I asked.
"Escape, of course! They don't know na may malay na ako. We'll leave it that way,"
"Hindi ka na nanghihina? You're still wounded and bruised!" sabi ko sa kanya ngunit umiling siya.
"Wala lang 'yan. Phoebe, you need to tell me who brought you back here?" Seryosong tanong ni Ares ngunit umiling ako. Hindi ko talaga alam. Wala talaga akong maalala bukod sa malakas na hampas sa may batok ko. Bumuntong hininga si Ares at wala nang nagawa pa. We're both knotted. Nakaposas siya sa kama at ako naman ay sa upuan.
Napalingon sa akin si Ares nang umurong pa ako palapit sa kanyang kinahihigaan. Pinapanood niya lang ako hanggang sa marating ko na ang gilid ng kanyang kama.
"What the hell are you doing, Phoebe?" tanong niya ngunit nakatingin lang ako sa kanya.
"Huwag mo na ulit gagawin 'yon!" Inis kong singhal sa kanya kaya napakunot ang noo niya.
"Ang alin?"
"'Yong paglalagay mo sa sarili mo sa kapahamakan. You could have died!" Pagalit ko sa kanya at ngumuso siya.
"Mas malaki ang chance of survival ko kaysa sa iyo!" Nainis ako sa sinabi niya. Mukhang nakaka-recover na nga siya dahil minamaliit na naman niya ako.
"Just... don't do it again!"
![](https://img.wattpad.com/cover/109873349-288-k175534.jpg)
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Ciencia FicciónFight for your life. Yourself is your only ally.