31. Space Probe

2.7K 89 2
                                    

Chapter 31

'Space Probe'

— Phoebe —

Agad kong natanaw si Aether na wala pa yata sa kalahati ang na-che-check niya. Sinimulan ko sa kabilang dulo ang paghahanap sa mga computer. Ngunit katulad ni Aether ay nahihirapan din ako.

Hanggang marating ko ang bandang gitna.

"Aether, here!" tawag ko sa kanya at mabilis siyang tumakbo palapit sa akin. Agad niyang sinimulan ang pagtipa sa computer na may satellite label. Katulad noong unang beses naming subok, bakas sa mukha at mata ni Aether ang antisipasyon na ma-hack ang system na 'to. Makailang beses na nag-error ang pagkuha niya ng access. Ngunit hindi siya huminto.

"Damn, Ares! Will you shut up?" sabi ni Aether at patuloy sa pagtipa ng kung anu-ano. Mukhang may sinasabi si Ares mula sa earpiece.

"Password Error..." Pang-ilang ulit na itong sinasabi ng computer kaya nagpatuloy si Aether at gumawa ng ibang paraan upang ma-hack ito.

"Password Accepted!" Napatingala si Aether nang ma-hack niya ang system. Katulad ng pagsubok namin sa shield ng Terra, ni-click niya ang 'Deactivate'.

"Access Denied..." Inaasahan na namin ito dahil ganito ang nangyari noon. Lumabas ang anim na asterisk at nagkatinginan kami ni Aether. Tumango ako sa kanya at pinanood ko siya habang isa-isang pinindot ang code.

Nang nakarehistro na ang JAJB96 sa monitor ay sumulyap muna sa akin si Aether. Halatang kinakabahan din siya kung tama ba ang code na baon namin. Muli, tumango ako sa kanya. He clicks the enter button at parehas kaming napatunghay sa monitor nang makita ang 'Loading...'

Pinagpapawisan na kaming parehas dahil lang sa paghihintay ng resulta.

"Deactivation Successful!" Parang hindi pa kami makapaniwala ni Aether nang marinig mismo iyon mula sa computer. We both gasp at unti-unting nag-sink in sa amin ang lahat. Oh, my God! Nagawa namin.

"We did it!" hindi makapinawalang sabi ni Aether.

"Yes, boy! We did it!" Nagyakap kami ni Aether at sabay na tumalon-talon dahil sa saya at excitement.

"We did it! We did it!" we both chanted. I can't believe we just did it. "Halika na!" mayamaya ay sabi ni Aether at hinila na niya ako palabas ng kuwartong iyon.

"The hell! Bumalik pa kayo!" reklamo ni Ares sabay suntok sa lalaking kaharap niya. Ilan na lang sila kaya hindi na pinag-aksayahan pa ni Ares na tapusin sila. Hinila na niya ako palayo sa admin building at sumunod na 'yong dalawa. Agad kaming dumiretso sa room at bumaba ng lab.

"God, Phoebe!" Salubong sa akin ni Jairah.

"I'm fine," I just said at naupo na. I saw Ares na naglakad papunta sa sa cabinet kung nasaan ang first aid.

"But I saw your moves from the CCTV, girl! God! Maging si Gal Gadot mahihiya sa mga stunts niya as Wonder woman kung nakita ka niya kanina!" she cheers at natawa ako.

Naupo si Ares sa tabi ko at nabigla ako nang hilahin niya ang upuan ko palapit sa kanya. Magrereklamo na sana ako ngunit nakita ko ang seryosong mukha ni Ares habang binubuksan ang kit. Hinawakan niya ako sa baba at iniharap sa kanya ang aking mukha.

"Aray!" reklamo ko dahil sa hapdi nang dampian niya ng bulak na may kung ano ang sugat sa gilid ng labi ko.

"Magtiis ka! Ginusto mo 'yan, 'di ba?" iritableng sabi niya. Tila ubos na ubos na ang pasensya.

"Sino ba kasing nagsabing sumunod ka sa admin building, Phoebe?" pagalit naman Aether.

"I saw you all struggled. Alangan namang umupo lang ako rito," inis na sabi ko. Seriously? Hindi ba nila naa-appreciate ang heroic stunts ko kanina?

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon