Chapter 24
'Leander Crimson'
— Phoebe —
Sa dami ng nalaman namin, hindi namin alam kung kakayanin pa rin ba namin na mag-isip at simulang pag-usapan ang tungkol naman sa code. Ni hindi ko pa nga nababanggit ang balitang dala ko, na si Dr. Hayes ay si Leander Crimson at pati na rin ang tungkol sa dala kong breathing potion ay parang napakahaba na ng gabing ito.
But we badly know the truth and the anticipation is killing us.
"I wanna see Jarred, please! Take me to him," pagmamakaawa ni Prof kay Ares.
"Mom, calm down, please..." Pinipilit ni Eros na pakalmahin ang kanyang ina ngunit hindi niya nagawa.
"Sumunod si kuya sa isang bundok para tulungang tapusin ang mga bagay na kailangang tapusin ni Ina," 'yon lamang ang sinagot ni Ares.
"Kailan ang balik nila?" tanong ni Eros.
"Isang linggo pa sila roon." Napasandal na lang si Prof sa balikat ni Eros.
"Isang linggo... Are we still even alive that time? Gusto ko muna sanang makita ang kuya mo bago maisakatuparan ang LLT," sabi ni Prof.
"Mom, we'll do everything para mapigilan ang LLT. No matter how happen, we'll find ways..." sabi ni Eros sa kanyang ina.
"Ang mabuti pa, pagpahingahin na muna natin si Prof—" Agad na pinutol ni Prof ang pagsasalita ko.
"I'm fine, kids... we don't have much time. Phoebe, 'yong codes, please. Show it to Jairah," sabi ni Prof na pilit pinapatatag ang boses. I cleared my throat at napatingin silang lahat sa akin. Kinuha ko ang dala-dala kong notebook ni Jarred at ipinatong sa table.
"Dito na lang muna siguro tayo mag-start," I said awkwardly. Tumango sila at nakuha ko ang kanilang pagsang-ayon. Tinignan ko si Jairah para sana itanong kung pamilyar ba siya sa notebook na 'to. Pero hindi ko na kailangan pang magtanong dahil sa titig pa lang niya sa notebook ay alam na niya kung sino ang may-ari nito.
"Nan...nandito pa rin 'yan?" nakangiti niyang tanong.
"May we know, Jairah, what's the purpose of that notebook? The equation, formulas and codes?" Saglit na natigilan si Jairah sa tanong ni Prof at nilingon niya ito. Ngunit umiling siya.
"I'm sorry. Pero hindi ko alam kung anong nakapaloob sa notebook na 'yan. But... I was the one who gave that to him," sabi ni Jairah. Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Sayang. I thought alam niya.
"As you can see, Jairah, maraming equations ang nandito," I tell her habang binubuklat ang ilang pages, "There are even codes," dagdag ko pa nang buklatin ko na ang last page.
Tinitigan niya ang dalawang code.
Jarred = Jairah
Jarred² + Jairah"Any hint, Jairah?" puno ng pag-asang tanong ni Prof. Ngunit umiling si Jairah.
"I'm sorry, pero wala akong idea. He's so secretive kaya wala siyang sinabi sa'kin tungkol diyan. Where's the pen torch?" tanong niya. Oh, may pen torch nga pala 'yan. Kinuha ko ang pen at iniabot sa kanya. Napangiti siya pagkahawak niya pa lang dito.
"Is there something in the pen torch? May anim na zero ang lumalabas kapag itinatapat namin siya sa box," tanong ni Eros kaya iniabot ni Jairah pabalik sa'kin ang pen upang makita niya ang sinasabi ni Eros.
Binuksan ko ang torch nito at itinutok sa box na naka-drawing. Muli niyang tinignan ang pen sa kamay ko.
"Anong nakasulat?" tukoy niya sa nakasulat sa may ibaba ng box.
![](https://img.wattpad.com/cover/109873349-288-k175534.jpg)
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Fiksi IlmiahFight for your life. Yourself is your only ally.