42. Haunted By The Past

2.2K 76 16
                                    

Chapter 42

'Haunted By The Past'

— Phoebe —

Halos hindi na ako makalapit kay Prof dahil hindi ko maatim na makita ang duguan niyang katawan kaya si Kuya Red na lang ang aking nilapitan. May ilang galos at sugat siyang natamo. Hawak-hawak niya ang kanyang ulo na dumudugo rin at namimilipit sa sakit. Lumuhod ako sa harap niya para i-check siya.

"Mommy, please, dadalhin namin kayo sa lab—" napalingon ako kay Eros nang marinig ang kanyang pag-iyak.

"'Ros, bilisan na ninyo!" Sabi ni Aether at pinaputukan ang ibang lalaking tumatakbo pasugod sa amin. Bubuhatin na sana ni Eros si Prof ngunit pinigilan siya nito sa braso.

"A-ang kuya... mo. G-gawin mo ang lahat... upang maaalala niya... tayo," sabi ni Prof sa hirap na paraan.

"Argh! Fuck!" Muli kong binalingan si Kuya Red when I heard him whine. Halos sabunutan na niya ang sarili. I tried to stop him dahil mukhang iniinda niya ang pagkakabagsak ng ulo niya. Huminto siya at ilang beses na pumikit nang mariin na tila ba may inaalala. "Mommy!" Ilang sandali pa ay mabilis siyang lumapit kay Prof.

"R-red, anak..." Nakangiting sabi niya rito.

"I remember things, mom! Hindi pa ganoon kalinaw pero may ilang alaalang nagf-flash..." umiiyak na sabi nito.

"Masaya akong... naaalala mo na ako... bago man lang ako... mawala."

"No, Eros, let's bring our mother to the lab."

"Kayong dalawa... ang buhay ko. Mahal na... mahal ko kayo, mga... anak ko..." Hindi ko mapigilang mapahikbi nang makita kong bumagsak na ang kamay ni Prof at marahang pumikit ang kanyang mga mata.

"Mom, please! Mom!" Paulit-ulit na pagtawag nila Eros sa kanilang ina. Mayamaya'y binuhat na ni Kuya Red ang wala nang buhay na katawan ni Prof papunta sa space center. Sumunod agad sa kanila si Aether kaya naman tumayo na ako. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay may tumakip na sa bibig ko kaya hindi ko na nagawa pang makasigaw man lang.

Pilit akong nagpupumiglas ngunit masyado siyang matigas at walang kahirap-hirap niya akong natatangay pabalik ng admin building. Ang hagdan papuntang rooftop ang tinatahak namin. Nanghihina lang ako dahil sa walang humpay na pagpupumiglas. No, not again, please!

Ngunit hindi pinakinggan ang hiling ko dahil balik rooftop ang kinahantungan ko. Pasalampak akong iniupo ni Rivero sa kaninang kinuupuan ko at muling iginapos ang kamay ko paikot sandalan nito.

"Mabuti naman at patay na ang traydor na propesorang 'yon!" Natatawang sabi ni Rivero at sumandal sa mesang malapit lamang sa akin.

"Wala kayong kasing sama!" I hissed at tumawa siya, nagsindi ng sigarilyo at humarap sa akin.

"Hindi mo kailangang ipagsigawan. Matagal ko nang alam 'yan!" Sarkastiko niyang sabi.

"Pakawalan mo 'ko rito!" Pinilit kong ikilos ang sarili ko ngunit wala itong epekto. Nasasaktan lang ako.

"Mukhang sa'yo umiikot ang larong ito, Phoebe! In every conflict, involved ka. In every solution, involved ka pa rin," sabi niya. He hits on his cigar at ibinuga sa kawalan.

"You're crazy! Wala kayong mapapala sa akin!"

"Nang malaman kong si Astraeus si Leander Crimson, I did everything para mawala sa kanya ang control sa project LLT. Napag-alaman kong ang robot na laging nakasunod sa kanya ay ang robot na kanyang pino-program sa mga oras na kinakailangan siyang maturukan ng Earth breathing potion. I reformatted it upang hindi muna siya maturukan ng potion habang gumagawa ako ng hakbang sa kung paano mapupunta sa akin ang kontrol sa lahat. That day, kung kailan kita sinaksakan ng robotic chip, I programmed the robot upang turukan siyang muli. Nang magkamalay siya ay nagkunwari akong kapapasok ko lang at hindi ko nasaksihan ang injection. I know Ares is coming, kaya ibinigay ko kay Leander ang antidote, alam kong gagawin ni Ares ang lahat para makuha iyon, kahit pa mapatay niya si Dr. Hayes. And knowing that doctor, he won't die without giving a fight." Tumawa siya.

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon