32. Space Center

2.5K 92 4
                                    

Chapter 32

'Space Center'

Phoebe's PoV

Sa ilang linggo naming pagsasagawa at pagpaplano ng mga paraan para mapigilan ang project LLT, tila ito na ang pinaka-busy na araw. Halos hindi ko kasi sila mahagilap. It is Wednesday noon ngunit hindi ko pa nakakasalamuha sina Aether at Eros.

"Aether is busy na sa pag-aaral ng paggawa ng space probe. Eros is with him para i-guide siya," sabi ni Jairah. Nakahiga kami ngayon sa kama niya dito sa lab.

"And Ares?" tanong ko dahil mukhang nakaligtaan niyang sabihin kung ano ang hakbang na ginagawa ngayon ni Ares.

"H-hindi ko alam," sabi niya at nag-iwas siya ng tingin.

"You're not a good liar, Jairah. What the jerk is doing?" kalmadong tanong ko.

"Ask prof, Phoebe," tanging sagot niya. May kinalaman na naman si prof? Therefore, she ordered Ares to do a death defying mission again.

"What is it this time, Jairah?" kalmado pa rin ngunit mas seryoso ko nang tanong.

"Ayaw ipaalam ni prof sa'yo dahil baka sumuway ka na naman sa plano. But Ares will enter Dr. Hayes' lab para makakuha ng ibang gamit upang makalikha ng space probe. They have the diagram pero marami pang kulang na parts." Natapik ko ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Where's he?" Umiling si Jairah.

"May dalawang oras na rin mula nang umalis si Ares." Napabangon ako sa sinabi niya.

"At hindi pa siya bumabalik?" Muli siyang umiling. Agad na akong tumayo. Tinahak ko ang daan papunta sa kung nasaan si prof at sa lab ko siya natagpuan.

"Good you're here, Phoebe! Help me," sabi niya nang saglit siyang napasulyap sa akin at ibinalik na sa microscope ang attention.

"Prof, ano na naman pong pinagawa niyo kay Ares?" inis na tanong ko ngunit tila wala siyang narinig.

"Pakiabot ng syringe namay pulang likido," sabi niya kaya iniabot ko ang sinabi niya. Naglagay lang siya ng kaunti sa microscope at sinilip ito.

"As I was saying, prof—"

"Pati na rin 'yung may berdeng likido." Napairap ako at iniabot ang sinabi niya. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya natapos sa kakasilip doon. Tumayo siya at naglakad naman papunta sa table na punong-puno ng test tubes na nasa rack.

Nagsuot siya ng lab goggle at nagsimulang magmix ng likidong may iba't-ibang kulay. Hindi maikakailang ina nga siya ni Eros.

"Prof—"

"Phoebe, may mga parts ng space probe na sa Terra Space Center makukuha. Si Ares lang ang makakagawa non," sabi niya nang ma-realize niya na hindi ko siya titigilan.

"He's not a thief," I push.

"Of course..." Binitiwan niya ang isang test tube at ibinalik sa rack na kinalalagyan kanina. "Pero hindi tayo makakabuo ng space probe kung wala ang ibang parts. Pinagdududahan mo ba ang kakayahan ni Ares?" Sa wakas ay nilingon niya ako. Prof smiled at inginuso ang pintuan.

"First, you doubted my sexuality! Now, you're doubting my capability? How dare you, Phoebe?" Napalingon ako kay Ares na nakasandal sa frame ng pintuan at may mga bagay sa tapat niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nakuha mo ba ang lahat ng sinabi ko, Ares?" tanong ni prof at tumango siya. Dinampot niya ang mga gamit at lumapit kay prof.

"Plasma, cosmic ray, hydrazine thrusters, photopolarimeter, high-gain atenna..." sabi ni Ares habang iniisa-isa ang gamit na dala niya. "May nakalimutan pa po ba ako?" tanong pa nito na tila ba hindi man lang nahirapan sa iniutos ni prof.

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon