Chapter 47
'The Redeemer'
— Phoebe —
Nagmulat ako ng mata at napasulyap sa paligid. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakakatulog. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin kaming makahanap ng tiyempo para makuha ang control sa shuttle na 'to. Sinulyapan ko ang mga kasamahan ko at ang iba sa kanila ay natutulog.
"Gaano katagal na tayong nagta-travel?" tanong ko kay Jairah dahil sa ilang beses kong pagkakatulog.
"Kung pagbabasehan ang oras sa Earth, dalawang araw na." Napabuntong hininga ako. Dalawang araw na kami rito pero hanggang ngayon ay wala pa kaming nagiging plano.
"Kailangan na nating kumilos!" Sabi ko at tumango si Jairah. Nilingon ko si Landon na kagigising lang din. Tumango ako sa kanya at alam kong naiintindihan na niyang kailangan na naming kumilos. He unbuckles his seatbelt at marahang naglakad kasama ang iba pa niyang kasamahan sa gang papunta sa ngayon ay tatlo nang bantay.
Kinulbit ni Landon ang isa sa kanila at sinuntok sa mukha. Agad silang nagpambuno kaya tumayo na rin kami at pinagtulungan ang tatlong bantay. Mabilis na tinakbo nina Landon at ng iba pang mga estudyante ang kinaroroonan ng iba pang mga bantay. Sinubukan naman namin ni Jairah na buksan ang hatch papuntang cockpit pero naka-lock ito. Sinubukan namin itong itulak ni Jairah gamit ang balikat pero walang epekto.
Kinalampag na lang namin ito para makuha ang atensyon ng mga naroon. Ilang sandali lang ay bumukas ito at sinorpresa namin ng atake si Rivero. Tumba na ang mga tauhan ni Rivero kaya wala na siyang magagawa pa sa dami namin. Dumampot si Jairah ng syringe at itinurok kay Rivero at natumba ito dahil pampamanhid yata ang tinurok niya.
Habang itinatali ng iba ang mga tauhan ni Rivero ay pumasok na kami ng cockpit. Nagtuturuan pa kaming tatlo kung sino ang magpapatakbo dahil hindi kami marunong. Napatingin ako sa rearview monitor kung saan nakasunod pa rin ang spacecraft nila Ares.
"Look," sabi ni Landon at itinuro ang iPad na naka-mount sa mismong yoke. May blue na video chat head ang nangangailangan ng confirmation para maka-connect. "Mukhang binabalewala 'yan ni Rivero. Buksan mo!" Sabi pa niya kaya ni-tap ko ang chat head.
"Phoebe? Oh, my God! Phoebe!" Gulat na bungad ni Eros ngunit mas nagulat ako. Mukhang kaya binabalewala ito ni Rivero ay dahil alam niyang galing ito sa spacecraft nila. Biglang may umagaw sa monitor nila at si Ares na ang nakikita ko sa iPad namin.
"How are you there?" tanong niya.
"Ayos pa kami rito—"
"Damn, Eros!" Mura ni Ares dahil tila inagaw rin ni Eros ang monitor nila.
"Wala tayong oras sa kamustahan. Phoebe, listen to me. You need to slowdown your shuttle para hindi kami mahirapang habulin kayo," utos ni Eros kaya binalingan ko ng tangin ang ka-komplikaduhan ng cockpit.
"Paano?" tanong ni Landon at nakisingit sila ni Jairah sa magkaibilang gilid ko.
"What the hell is that prick doing there?" It was Ares pero sinenyasan siya ni Eros na manahimik.
"Just pull down the thrust lever. Got it?"
"Okay, Eros," si Jairah na ang sumagot dahil mukhang alam na niya ang dapat pakialaman. May marahan siyang hinila sa may gilid. "Make it slower, Jairah." Sabi ni Eros at ibinaba pa nang kaunti ni Jairah ang thrust lever.
"Bilisan mo pa!" Utos ni Ares at naririnig ko pa ang pagtatalo nila.
"Nakakahabol na sila," sabi ni Landon habang nakatingin sa radar. Mabilis ang takbo nila dahil pinagbabantaan ni Ares si Eros.
![](https://img.wattpad.com/cover/109873349-288-k175534.jpg)
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Fiksi IlmiahFight for your life. Yourself is your only ally.