34. Liftoff

2.4K 85 6
                                    

Chapter 34

'Liftoff'

- Phoebe -

Kinabukasan, ang siyang araw na aming pinaghandaan. Nakatanaw kami sa katatapos lamang na space probe. Ang disenyo nito ay nahahawig sa Rosetta na ni-launch noong March 2, 2004.

"Job well done, kids," komento ni Prof.

"Wala na tayong oras. Built-in hold couldn't be in our option. Same as Go/No Go dahil kailangang ma-launch ang space probe anuman ang mangyari. Ang Expendable Launcher Vehicle na gagamitin natin ay may three stages. Kailangan na natin itong ma-i-setup sa launch pad," sabi ni Eula at agad na kumilos ang tatlong lalaki. Si Eula ang nagmamaniobra sa bawat parts at stages ng ELV na ipinapasok nung tatlo.

Ilang oras ang ginugol nila upang tuluyang ma-setup ang lahat. It's nine in the morning at ngayon pa lang kami magsisimula sa countdown. Binuksan na nila ang digital countdown clock. T minus 2:35:56, 'di ba? T minus 2 hours, 35 minutes and 56 seconds before its liftoff. Sinimulan na nilang i-load ang kaisa-isang payload ng ELV.

2:00:00...

Hindi ko maiwasang maya't maya mapasulyap sa countdown clock. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Ngayon lamang ako makakasaksi ng isang aerospace mission at live ko pa itong makikitang mag-liftoff.

"Calculated na ang orbiter, ten minutes after their rocket launched, ours will be lifted off," sabi ni Eula at naglakad na papunta sa firing room at pumwesto na sa board. Sumunod sa kanya si Eros at parehas na silang nagsuot ng headphones. Eula will be the launch director at assistant si Eros. Sumunod kami sa kanila at tinignan ang monitor na siyang magiging mata namin gamit ang camera at telemeter.

Mayamaya ay pupunta na kami nina Prof, Aether, Jairah at Ares sa maliit na Mission Control Center upang i-test ang lahat sa vehicle . Mukhang simple at madali dahil kanya-kanya na kami ng gagawin as test directors ngunit masyadong komplikado dahil wala naman kaming idea. Binigyan lamang kami ni Eula ng pointers. Isa talaga itong napakalaking sugal at kaligtasan ng lahat ang nakataya.

"T minus one hour..." Eros said na tila handa na sa pag-liftoff ng vehicle namin.

"Final inspection, Amanda, Jairah. Check all the boosters, propellants, engines, payload... Make sure it's ready for a go signal," sabi ni Eula at binalingan naman kami. "Aether, Ares and Phoebe, bantayan ninyo ang open field. Siguradong doon nakapuwesto ang kanilang launch site. Kung may mapansin man kayong maaaring maging aberya sa launch natin, ipagbigay alam agad ninyo rito." Tumango kaming lahat at nagsimula nang kumilos.

Si Prof at Jairah ay tumakbo papunta sa pad na naghihintay na lang sa launch window. Kaming tatlo naman ay nagsimula na ring tumakbo papunta sa Terra. Mabilis naman naming natanaw ang countdown clock. 00:40:27. Malapit na talaga. Kaunting minuto na lang ang natitira.

Marami na kaming nasimulan. At hindi kami papayag na mapunta lang sa wala ang lahat ng hirap namin. Kailangang ma-i-launch ang space probe na pinaghirapan ng lahat.

00:30:00

Nakikita ko sa mata ng mga estudyante ang pangamba. Maaaring nangangamba sila sa kung para saan ang countdown na ito. Maging ako man ay nangangamba rin. Wala kaming kontrol sa mga bagay-bagay.

00:20:00

Twenty minutes na lamang ang natitirang oras bago mag-liftoff ang kanilang rocket. Ang sa amin ay thirty minutes pa. The countdown clock strikes 00:10:00 at napakapit ang lahat sa railing dahil sa pagyanig.

"What's happening?" paulit-ulit na tanong ng mga estudyante na mababakasan na rin ng pagpa-panic. Wala pa ring tigil sa pagyanig ang paligid. Malakas na pagyanig na halos matumba na ang ibang hindi nakakuha ng suporta sa railings.

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon