Chapter 13
'Under Illusion'
— Phoebe —
"I need your report now, Phoebe." May nalalaman na kaya si Mr. Rivero sa mga plano namin?
"Phoebe, your report?" Isang banta ba ang sinabi niyang mapapahamak lang ako?
"Phoebe?" Paano kung mas ikapahamak namin 'to? Tama bang nandito ako?
"Phoebe!" Halos mapatalon ako sa pagkakaupo nang isigaw ni Prof Alarcon ang pangalan ko. Nandito kami sa underground laboratory at kanina pa nagsisimula ang meeting.
"Why?" wala sa sariling tanong ko.
"What's bothering you?" tanong ni Aether. Tinignan ko sila isa-isa at kapuwa naghihintay ng sagot ko. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Nakabungguan ko si Mr. Rivero kanina," simula ko.
"And?" inip na tanong ni Ares.
"He said, 'wag ko nang ituloy. Mapapahamak lang ako." Nagkatinginan silang apat.
"I already told you that it's too risky for her. She's investigating something at siguradong makakahalata sila Mr. Rivero. Her curiosity is so transparent. Madali mong mababasa ang babaeng 'yan if she's ever up to something," sabi ni Ares kila Eros.
"That's why we need this training. Now, I need your report first, Phoebe. Bago tayo magsimula sa training," sabi ni Prof. Iniabot ko sa kanya ang footage ni Fifth. Hindi ko na alam ang sunod na pinuntahan ng ibon dahil na-bother na ako sa sinabi ni Mr. Rivero.
They played it sa laptop ni Eros at lahat kami ay nakamasid lang sa footage. Fifty seconds lang ang itinagal ng footage dahil hindi ko namalayan na aksidente kong napindot ang stop button nang makabungguan ko sa Mr. Rivero kanina. Sa loob ng Fifty seconds ay paulit-ulit at paikot-ikot na lipad lang ang ginagawa ng ibon.
"Bakit ganiyan?" tanong ni Ares.
"Wala tayong makukuhang lead kung ganiyang ka-ikli ang footage. Nasaan na ang ibon?" tanong ng propesora.
"Wala na rin akong idea. Purong itim na lang ang nasa monitor noong chineck ko," sabi ko.
"Don't you have radar, Aether?" tanong ni Eros. Napatingin kami kay Aether nang hindi ito sumagot. Nakatitig lang siya sa paulit-ulit na pag-play ng footage sa laptop.
"Aether?" tawag sa kanya ni prof.
"Take a look at this," sabi niya at inilapit sa kanya ang laptop at pinause ang video. Zinoom niya at iniharap sa amin.
"What?" tanong ko.
"Did you see the way how it was pixelated?" tanong niya. Napatitig kami sa part na pinapaikot niya ang cursor.
"I don't get it," sabi ko.
"Look." Mas zinoom pa niya ito. "Based on pixel geometry, this kind of pixel can be seen in computer monitors," sabi nito.
"What does it mean?" tanong ni Ares.
"Nabanggit ni Phoebe noon na maaaring nasa ilalim tayo ng isang illusion," Aether stated.
"And you think we are?" Eros ask.
"Yes," simpleng sagot nito.
"You mean optical illusion?" paglilinaw ni Prof at umiling si Aether.
"Not just an optical illusion. We're under depth perception with the use of technologies," paliwanag niya pero naguguluhan pa rin kaming lahat.
"Anong ibig mong sabihin?" inip na tanong ni Ares.
![](https://img.wattpad.com/cover/109873349-288-k175534.jpg)
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Ciencia FicciónFight for your life. Yourself is your only ally.