Chapter 27
'Behind Their Names'
— Phoebe —
Mabilis lang na lumipas ang dalawang araw at naging normal naman ang lahat. Mahigit isang linggo na lang ang mayroon kami rito sa Earth. I still couldn't believe that it really is happening. Nagsisimula na rin akong mag-doubt kung mapipigilan pa ba namin ito.
It's Sunday at walang pasok. Alas onse na nang umaga ngunit nakahiga pa rin ako. Wala si Aether sa kama niya dahil naglalaro ulit silang tatlo ng tonghits sa kiwarto nina Ares at Eros. I hate being the only girl in this team. Not that I need someone's company.
Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at ipinatong ang librong The Adventures of Huckleberry Finn na kanina ko pa binabasa. I'm still a kid, yea know..Nagugutom na ako kaya naman nagtungo na ako sa bathroom para maligo. Nagsusuklay na ako sa tapat ng salamin nang bigla akong may naisip. Tinapos ko lang ang pag-aayos at bumalik ulit sa loob ng bathroom. Bumaba ako sa canal tunnel papunta sa lab.
As expected, I saw Jairah na mukhang bore na bore na. She smiles when she saw me.
"Uh, lunch?" tanong ko at mas lumapad ang ngiti niya. Tumango siya at tumayo na. It's Sunday naman at walang klase. Walang makakapansin na outsider siya dahil hindi niya kailangan mag-uniform kung lumabas man siya sa Terra.
Sabay kaming umakyat ni Jairah sa dorm at tinahak ang daan papunta sa caf. Habang naglalakad ay iginagala ni Jairah ang kanyang paningin. I hope she stops doing that dahil baka may makahalata na she's a foreign in this school. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko na makakasalubong namin si Mr. Rivero. Napahinto rin si Jairah at tinignan ang tinitignan ko. Saglit na nanalagi sa akin ang paningin ni Mr. Rivero ngunit nilagpasan niya lang kami.
Napansin namin na tahimik na ang buong administration ng Terra nitong mga nagdaang araw. At batid naming dahil iyon sa kanilang paghahanda. At simula noong araw na makuha ako ni Dr. Hayes at matuklasan ang tunay niyang pagkatao, hindi pa muli namin siya nakakaharap. I don't know if it's a good thing dahil hindi ko rin naman alam ang saloobin ni Ares patungkol sa pagkakatuklas sa tunay niyang ama.
Alam kong ayaw niya muna iyong pag-usapan kaya hindi na rin muna namin iyon inuungkat. Nakita ko si Prof na kumakain ng tanghalian sa lunch. Nabigla siya nang makitang kasama ko si Jairah. Ngunit tumango rin naman siya bilang pagsang-ayon. Ayos lang sa kanya na inilabas ko si Jairah dahil batid din nito na naiinip na ito sa lab.
Hindi na rin lumabas sila Prof ngayong linggo. Which is found her good dahil abala pa rin si Prof sa pag-aaral ng breathing potion. Ngunit matatapos na raw siya rito in no time. We've been hiding Jairah simula nang dalhin siya rito ni Ares. Kailangan pa rin namin siya kaya hindi namin siya mapakawalan. Um-order lang kami ni Jairah at naupo sa mesang malayo kay Prof. Kasama niya kasi ang ibang admin.
"Masarap ang pagkain dito," komento niya matapos lunukin ang carbonara na tinikman.
"I agree." I smiled at sumubo naman ako ng kanin at ulam. Hindi ako nag-breakfast kaya pinili kong magkanin dahil sa gutom. Nagpatuloy kami sa pagkain nang tahimik. Nasa kalagitnaan na rin kami ng pagkain nang muli siyang magsalita.
"Have you met Jarred?" tanong niya kaya napatigil ako sa pagsubo.
"Yea, one time. Dinala ako ni Ares sa kanilang treehouse," sagot ko at tumango siya.
"How is he? I mean...masaya ba siya?" Kahit na nagsimula sila sa rivalry, hindi maikakaila ang bond at pagkakaibigan na nabuo sa kanila. Ang pangungulila sa kanyang mga mata ang nagpapatunay na isang tunay at matalik na kaibigan ang nawala sa kanya.
"He's happy, Jairah. Masaya si kuya Red." I smiled dahil naalala ko kung gaano ka-kulit si kuya Red noong na-meet ko siya. Ngunit napansin ko ang awkward na ngiti ni Jairah. May nasabi ba akong mali?
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Science FictionFight for your life. Yourself is your only ally.