9. Stray Students

3.2K 114 11
                                    

Chapter 9.

'Stray Students'

— Phoebe's PoV —

May isang oras na rin kaming nandito sa treehouse ng kapatid ni Ares. Parang ayoko pa kasing umuwi dahil sa dami ng pagkain dito. Nakaka-miss kumain ng fresh fruits.

"Phoebe, puwede ko bang makausap saglit ang kapatid ko?" tanong ni kuya Red at tango lang ang sinagot ko. Tumayo silang dalawa at sabay na lumabas sa veranda ng treehouse at doon nag-usap. Naiwan akong mag-isa sa hapag at nagpatuloy sa pagkain. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang kabusugan.

Saglit lang din ay pumasok na sila. "Wala ka pang balak bumalik ng Terra?" tanong ni Ares kaya napatingin ako sa wrist watch ko. Hindi ko namalayan na mag-aalas kuwatro na pala ng hapon. Masyado kong na-enjoy ang lugar na 'to at mga pagkain. Tumayo na ako at nagpagpag ng kamay.

"Halika na. May kakausapin pa nga pala kami ni Aether," sabi ko sa kanya.

"You are always together," puno ng pagdududang sabi ni Ares. Napairap ako sa hangin dahil sa makahulugang pahayag niya.

"Duh? We're roomamates! What do you expect?" sabi ko sa kanya.

"Oo nga naman, bro. At saka ano namang masama kung lagi silang magkasama?" nakangising tanong ni kuya Red kay Ares.

"Tss. Halika na!" yaya niya sa akin. Nagpaalam na ako kay kuya Red at umalis na kami ni Ares.

Pagbalik ko sa dorm ay narito na si Aether at hinihintay na ako. "Bakit wala ka sa literature class?" yakhang tanong niya.

"Naghanap ako ng hayop na maaaring makatulong sa atin," sabi ko at ipinakita sa kanya ang ibon na nasa hawla. Medyo nanghihina pa ito dahil sa pagtirador sa kanya ni Ares. Pero kaunting treatment lang, babalik na siya sa dati.

"Okay, but what was that for?" Napabuntong hininga ako. No choice na kundi ipaalam sa kanya ang plano ko.

"I just want to confirm if there's something shielding Terra U." Napabangon siya at mas lalong naguluhan.

"What do you mean?"

"May mga nangyayari dito sa loob ng Terra na taliwas sa dapat ay nangyayari sa labas. At sa tingin ko, lahat ng natatanaw natin sa itaas, lahat iyan ay peke," paliwanag ko.

"Are you trying to say na nasa ilalim tayo ng isang ilusyon?" paglilinaw niya.

"Agosto na pero wala pang ulan na dumarating. And the second equinox happened. Hindi mo ba napapansin? Lumulubog at sumisikat at ang araw sa parehas na parehas na oras. I've been monitoring sunsets and sunrises these past few days. Iisa lang ang oras ng sikat at lubog nito. Parang..." Napatigil ako at napatingin nang diretso kay Aether.

"Parang ano?" inip niyang tanong.

"They have accurate time. Parang naka-set talaga ang lahat sa specific na oras. Naka-program." Hindi sumagot si Aether. "Kinakailangan ko ang ibon para dito. If we're under illusion, malalaman natin 'yon kung hindi makakalipad nang sobrang taas ang ibon dahil paniguradong mahaharangan siya ng shield. If ever has." Nakuha na ni Aether ang nais kong gawin at nakuha ko naman ang suporta niya.

"Now, back to the business. Nasa office ni Miss Alarcon si Eros, halika na?" yaya sa akin ni Aether at tumango ako.

Habang naglalakad papunta sa opisina ni prof ay nag-uusap pa rin kami ni Aether sa mga conclusions namin.

"'Di ba nasabi mong may underground laboratory si Eros sa detention room?" tanong nito sa akin.

"Yea, why?"

"Remember the only room in Terra na walang CCTV na sinasabi ni Ares at Eros? I think it's the detention room. Alam niya 'yon kaya doon niya naisip gumawa ng laboratory." Napatango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon