48. Eureia and its Paradise

2.1K 84 10
                                    

Chapter 48

'Eureia and its Paradise'

- Phoebe -

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong lulan ng capsule na 'to pero hindi ko na talaga alam kung nasaan na ako. Hindi ko na alam kung saang banda na ako ng universe. Pakiramdam ko ay habang buhay na ako rito at hindi na makakaalis pa. Kinabig ko ang center stick pakaliwa. Para lang akong nasa arcade.

Muntik na akong mapasubsob nang magkaroon ng impact sa sinasakyan ko. What happened? Naririnig ko ang engine ng space capsule na parang ang tunog ay kotseng ayaw mag-start.

"Holy shit!" Natataranta akong pumindot ng kung anu-ano dahil batid kong magkakaroon ng problema. Hindi ko na alam ang pinaggagawa ko pero mas bumilis pa ang takbo ng capsule.

"Atmospheric entry..." sabi sa computer. What was that?

"Oh, my God! What the hell?" Pakiramdam ko ay naiiwan ang kaluluwa ko at alam kong bumubulusok ang sinasakyan ko. Mas lalo lang nadagdagan ang kaba ko nang makita ang pag-ilaw ng warning siren. Ano na naman ang mangyayari?

"The vehicle is too fast for the atmospheric entry. Slow down..." Napapangiwi ako dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ng computer. Atmospheric entry? Am I going to enter something's atmosphere? Oh, my God! This is so frustrating!

Slow down? I pull the thruster dahil baka sakaling bumagal ang pagbulusok ko. Pero masyadong maganit ang lever na 'to kaya nahihirapan akong ibaba. Dalawang kamay na ang gamit ko pero hindi pa rin nababawasan ang bilis ng takbo ng vehicle. May mga nakikita na ako sa paligid at alam kong wala na ako sa space. Mas pinwersa ko pa ang pagbaba sa lever.

"Fudge! Makisama ka naman." Mahinang pakiusap ko dahil nauubusan na ako ng pasensya. Bumwelo pa ako at muling sinubukang ibaba ang lever. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero kung hindi hihinto sa pagbulusok ang capsule na 'to ay babagsak ako sa mga talahib. Para siyang talahib na matataas at kulay brown ito.

Unti-unti namang nakikisama ang sasakyan ko dahil bago pa man tuluyang mag-land ang capsule ay nag-slow down na ito. Pero hindi pa rin sapat dahil inararo nito ang mga talahib.

"Ahhh! Oh, my God! Stop! Stop!" naghe-hysterical na ako dahil sayad na sa lupa ang capsule at parang puro humps ang dinaraan ko dahil sa pag-alog ng sasakyan. "My God!" Para na akong naghe-head bang dahil sa impact. Pinindot ko na rin ang mga button na mahawakan ko pero walang nagbabago. Inaararo pa rin ng capsule ang kahabaan ng talahiban na 'to.

Hanggang sa mapindot ko ang isang asul na switch at biglang huminto ang capsule. Napasubsob pa ako dahil sa impact. Nahilo at napagod ako sa ride na 'yon. Dinaig pa ang kahit na anong ride sa Earth.

Earth?

Batid kong hindi ito Earth. Imposibleng nakabalik ako sa mundo namin. Nagpalinga-linga ako sa paligid, pero bukod sa umuusok na capsule, talahib na mas mataas pa sa akin, kulay abo na kalangitan... batid kong nasa ibang lugar ako. May hinala na ako kung nasaan ako pero kailangan ko ng kumpirmasyon.

Tumingin ako sa lupa at nagulat ako. I kneel down at dumampot nang kaunti. Napatitig ako sa tila kumikinang-kinang na buhangin. Katulad na katulad ito ng buhangin na kinuha namin ni Eros noon sa clinic. At nasabi niya rin noon na galing sa Eureia ang bagay na 'yon. Oh, my God! Nasa Eureia na ako?

Sinubukan kong hubarin ang helmet ng spacesuit ko. Naturukan ako ng temporary EBP nang dalhin nila ako sa shuttle. Kaya kung hindi ako makakaranas ng suffocation, nasa Eureia na nga ako. Tuluyan kong hinubad ang helmet ko at nakiramdam sa paligid. Maayos akong nakakahinga. Planet Eureia nga siguro ang binagsakan ko. Hinubad ko ang spacesuit para mas komportable ako.

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon