14. The Stars and Us

2.8K 107 20
                                    

Chapter 14

'The Stars and Us'

Phoebe's PoV

"Aray!" Bigla na lang akong napasigaw at napaluhod when someone kicked me in my right calf. Napatingin sa akin ang tatlong lalaki at nagulat nang makitang si Prof Alarcon ang sumipa sa akin.

"Mom!" gulat na sabi ni Eros ngunit hindi siya pinansin ng kanyang ina, bagkus ay binalingan nito si Ares.

"See that, Ares? Not all the time, nasa kanya ang paningin mo. Phoebe still need to learn how to defend herself." N-narinig ni prof? Hindi iyon imposible dahil siya ang pinakamalapit sa puwesto ko.

"What the hell!" sabi ni Ares at naglakad pabalik sa akin. Ganoon din sina Eros at Aether.

"Ano po bang problema, Prof?" naguguluhang tanong ni Aether. Tumayo ako ngunit nakatikim na naman ako ng sipa mula kay Prof. Buti na lang at nakakuha ako ng balanse at nanatiling nakatayo. Sinugod ko siya pero sinikmuraan niya ako at napaatras ako sa sakit.

"Enough!" sigaw ni Ares at pumuwesto sa harap ko upang harapin si prof.

"See? She can't even touch me. How much more those assailants who are surely trained professionally?" giit ni Prof.

"I will fucking kill them before they can even fucking touch Phoebe," ganting sigaw ni Ares. Umayos kaming lahat ng tayo. Huminga nang malalim si prof at kinalma ang sarili bago muling nagsalita.

"Hindi lang si Phoebe ang dapat mong protektahan. We're doing this for the whole Terra," kalmado na niyang sabi.

"You know I'm only doing this for her." Napatingin ako kay Ares. Mahinahon na rin siya pero nakatingin lang sa kawalan at hindi sa kausap niya.

"Ares..." tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon.

"But yea, if that's what you want, I will train her. But I'm telling you, it's only her I will protect here. I don't care kung mamatay ka, si Eros, si Aether o kahit lahat ng estudyante ng Terra. Call me selfish or what, but if it wasn't for Phoebe, matagal na akong lumabas ng Terra dahil hindi balakid sa paglabas ko ang mababangis na hayop sa Lakeside forest," said Ares.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan.

Ares is right. Nawala ang gate ng Terra. And Lakeside forest is a bait dahil imposibleng may makalabas na estudyante roon. Puwera na lamang kung ikaw si Ares Sandoval na lumaki sa pangangaso at madali lang kakaharapin ang mababangis na hayop.

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko ngunit ako raw ba ang dahilan kung bakit hindi siya tumatakas? Muli akong napatitig sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang expression niya.

"That's all for tonight. Sisimulan ang totoong training bukas," she dismissed us at naglakad na palabas ng training area. Naiwan kaming apat at nagpapakiramdaman sa isa't isa.

"Ayos ka lang ba, Phoebe?" basag ni Aether sa katahimikan.

"Yea, yea." Tumango ako kahit masakit pa rin ang tuhod ko dahil sa pagkakaluhod ko kanina.

"Nakaka-stress at nakaka-lito ang gabing 'to. Ang mabuti pa ay sumama kayo sa akin," sabi ni Eros at may dala siyang binocular telescope. Sumunod na sa kanya si Aether. Iika-ika akong sumunod sa kanila.

"Bilisan mo!" singhal ni Ares at sumunod na sa dalawa. Hindi man lang nag-abalang akayin ako.

"May pa-protect protect pang nalalaman, e ni hindi nga magawang tulungan ako," inis na bulong ko. Sa canal tunnel ang way na tinatahak namin ngunit huminto na kami nang marating namin ang kala-gitnaan. Nasa tuyong bahagi kami nakapuwesto. Tumalon-talon si Eros at may inabot na ilang tuyong damo. Napanganga ako nang tumambad ang butas ng tunnel at tanaw ang nagniningning na mga bituin.

Eureia: The Undiscovered PlanetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon