Chapter 45
'Bloody Escape'
Hindi pa man pumuputok ang liwanag ay nakahanda na sila sa paglabas ng kuwarto nila Phoebe. Maging ang lahat ng estudyante ay nakahanda na rin sa kanilang pagsugod sa computer center ng Terra.
"Pasikat na ang araw," sabi Eula na siyang nakasilip sa bintana. They armed themselves sa nalalapit na pagsasagawa ng plano.
"The time has come!" Sabi ni Red na in-stretch pa ang batok at handa nang sumugod.
"Let's do this!" Anunsyo ni Phoebe at inayos pa ang magkabilang fingerless gloves. Naglakad na sila palabas ng kuwarto. Dinukot ni Red ang baril at itinaas saka ipinutok sa kawalan. Naging hudyat iyon ng mga estudyante at lumabas sa kani-kanilang kuwarto.
"Showtime..." Nakangising bulong ni Phoebe at nagsimulang tumakbo kasabay ng mga kasamahang estudyante. Hindi pa man sila tuluyang nakakaalis ng building ay maraming tauhan na ang humarang sa kanila.
Bawat estudyante ng Terra ay may kani-kaniyang kinakaharap. Hinawakan ni Phoebe sa braso ang lalaking kaharap at pinilipit ito. Itinulak niya ito at saka hinampas ni Abby ng bat sa mukha at agad bumulagta. Tinanguan lang nila ang isa't isa at saka nagpatuloy na sa pagtakbo.
Sa labas ng admin building ay saka pa lamang nila naramdaman na sadyang napakaraming tauhan ang Terra. Gamit ang mga bakal, bat, dos por dos at kahit anong bagay na gagamitin nila upang ipagtanggol ang mga sarili, naghanda sila sa pakikipagharap sa napakaraming kalaban.
"Tandaan ninyo, po-protektahan natin ang isa't isa!" Sabi ni Phoebe.
"Laban, Terra U students!" Sigaw ni Landon.
"Laban!" Tumakbo silang lahat at sinalubong ang kalaban na nagtatangkang harangan sila.
Inilabas ni Red ang tirador na binalahan ng lason at mabilis na inasinta ang mga kalaban. Si Eros na hinahampas ng hawak na dos por dos ang bawat kalabang nadaraanan. Si Aether na nagpapakawala ng sunod-sunod na putok ng baril at may hawak na laptop. At ang lahat ng estudyante na nagtutulungan upang protektahan ang isa't isa.
Sinapak ni Phoebe ang lalaking nagtangkang sumaksak sa kanya pero nanatili itong nakatayo. Muli siyang inambaan ng saksak ngunit ipinagtakha niya kung bakit bigla na lang itong nawalan ng malay. Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit wala siyang nakitang sign na may tumulong sa kanya.
Nahagip ng mata niya si Aether na tumatakbo na papunta sa computer center nang makakita ito ng butas, ipinagtakha niya ang laptop na hindi nito nagagawang bitawan. Ngunit may ilang lalaki ang humarang dito.
"Eros, si Aether!" Nilingon siya ni Eros kaya hinampas niya nang malakas ang lalaking kaharap at sabay silang tumakbo ni Phoebe papunta kay Aether para backup-an ito. Sumunod sa kanila si Red. Ilang tauhan pa ang kinailangan nilang mapabagsak bago tuluyang narating ni Aether ang pinto ng opisina ni Dr. Hayes at pumasok dito. Ngunit hindi naging madali ang lahat para kay Aether dahil nasa loob si Erebus Rivero.
"Sa tingin ba talaga ninyo ay makakaya ninyo kami?" Tanong niya rito at naghanda sa pagsugod kay Aether. Nang takbuhin siya ni Rivero ay napaatras siya nang agad ay sinipa siya nito. Sa pangalawang paglapit nito sa kanya ay nagawa na niyang ilagan at salagin ang mga suntok at hampas na ibinabato sa kanya.
"Ako dapat ang magtanong niyan, sa tingin mo ba talaga ay kaya ninyo kami?" Tanong ni Aether at binaril si Rivero sa hita.
"Hayop ka, Alonzo!" Sigaw nito nang takbuhin na niya ang mismong pinto ng computer center. Nilapitan niya agad ang computer sytem na nagkokontrol sa monitor shield. Iika-ikang sumunod sa kanya si Rivero at pilit na pinigilan si Aether. Ngunit hindi pa rin nito binibitawan ang laptop. Itinulak niya ito ngunit nagpumilit si Aether na makalikot ang computer.
BINABASA MO ANG
Eureia: The Undiscovered Planet
Science FictionFight for your life. Yourself is your only ally.