Chapter 17: Amusement Park

16 3 0
                                    

Zkeeah's POV

Nasa isang mahabang van lang kaming lahat habang yung driver namin nasa unahan at nagdadrive.

"Woah......kinakabahan talaga ako kung saan tayo pupunta" sabi ko sa kanila.

"Ang alam ko lang itong dinadaanan natin, papunta sa biggest amusement park ng Korea" sabi ni RM.

"Wow, talaga?!" tanong ni Akira unnie kaya tumango yung mga boys.

"Amusement Park?" tanong ko with a fear on my voice

"Kamusta si BTOB's Sungjae, Keeah? Nagyakapan pa kayo nun ah! Kaya may ZKeejae na love team eh! Hahahaha, shinip pa tuloy dati yung BTOB samin, tapos Born To Beat pa yung pangalan ng band nila hahahaha!" Sabi ni Liyah na nautas sa katatawa kaya nabatukan ko sya.

"Huh? Anong sinasabi nya? Bakit naman?" tanong ni Taehyung.

"Ganito kasi yan" Liyah.

Flashback

"Ngayon, para sa finals ng Summer Camp natin, maglalaban ang grupo ng Infinite at DKQS vs. grupo ng BTOB and Got7!!! Bubunot lang ako ng isang player per group!" sabi ni emcee, hay nako, matatapos na naman tong camp.

"Para sa Team BTOB and Got7, si Sungjae!" Woah.......

"Para naman sa Infinite and DQKS, si Keeah!" Teka bakit ba ako na lang ang laging nabubunot?! Tsaka, hoy diba ungair kasi babae ako?

Ano na naman ang last challenge.

"Ang last challenge natin ay di na gagamitan ng force dahil sasakay lang kayong dalawa sa malaking roler coaster na nasa likod natin at may camera ng provided, ijujudge lang kayo ng judge base sa expression nyo, kung sino ang may less fear sya ang panalo, by the way, magkatabi kayo sa last cart ng rolercoaster!" sabi ng Emcee, fudge may fear of heights pa naman ako at alam yun ng mga kasama ko.

"Objection!" sigaw ni Sungyeol kaya napangiti na lang ako at napailing.

"Yes?" Emcee

"Pede bang magvolunteer na lang?" tanong nya.

"No" sabi ng emcee kayo no choice ako. May nagtulak na samin ni Sungjae papunta dun sa roler coaster at pinasakay na din nila kami.

"Go Keeah!!" Sigaw ni Liyah.

"Fighting!" sigaw naman ni L kaya tinanguhan ko sila.

"Hi Keeah" sabi nitong katabi ko.

"Well hello, Sungjae, goodluck satin" sabi ko kaya ngumiti sya at tumango.

Nagsimula ng umandar yung roler coaster.

"Grabe, pataas pa lang sobrang natatakot nako, may fear of heights pa naman ako" sabi ko.

"Talaga? Ako din eh. Yung ticket nga papunta dito sa finals nakita namin dun sa tower na nataas ng sobrang taas then biglang bababa, nasa tuktok yung ticket pero nung una naming try di namin naabot kaya nakailan kami, grabe" sabi nya kaya medyo natawa ako.

"Yung amin, nakita namin sa Horror House" sabi ko.

"Grabe nakakatakot siguro yun- ahhhhhh!!!!!!" Sungjae.

"Jushkopo!!!! Ahhhhh!!!!!" sigaw ko kaya napakapit ako dito sa katabi ko.

Sigaw lang kami ng sigaw hanggang sa matapos at di ko na namalayan na magkayakap na kami kaya napabitaw kaagad ako.

"Sorry!" sabay naming sabi at napatawa.

Bumaba na kaming dalawa at pumunta sa kanya kanyang grupo, nakita ko namang napapailing sina Akira unnie.

Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon