Zkeeah's POV
Pagkapasok ko sa study room, inihagis ko kay Jimin yung paper bag na nasambot naman nya. Nakapagbihis na ako ng pantulog pero wala silang pake. Bwahaha.
"Hoy! Ano to? Pero, ganda ng suot mo ah" tanong nya kaya napairap ako.
"Sabi mo ibili kita ng suit tsaka wala kang pake. Napapangitan ka ba sa suot ko V?" sabi ko at humiga sa sofa.
"Hindi! Hehehe, maganda ka pa rin naman!" Napangiti na lang ako sa sinabi nya.
"Ikaw Jungkook? Napapangitan ka ba sa suot ko?"
"Nope" tugon nya.
"Ikaw Jin?"
"As long as nakadamit, okay lang sakin. Tsaka, comfortable naman magsuot nyan at yup, maganda ka pa rin naman" sagot nya kaya mas lalo akong napangiti.
"Hindi ka ba nakakaintindi ng sarcastic?" tanong ni Jimin, taking the recent topic back.
"Walang sarcasarcastic dyan. Hindi mo yan mabibiro, tototohanin talaga nyan" sabi naman ni Liyah.
"Isukat mo yan, pede namang palitan. Tsaka, tinext mo naman yung size mo diba? Yun naman yan at Jimin...............natatawa talaga ako sa size mo! Bwahahaha" sabi ko.
"Baliw ka talaga! Pero, Oo nga, akala ko, di mo naman seseryosohin" sabi ni Jimin habang tinitingnan na nga yung suit.
"Diba, kayo na ni Liyah ang magkadate. Sure naman akong magpupurple ulit yan. Diba?" tanong ko.
"Haha, Yep" sagot ni Liyah.
"Tara na magsimula!" sabi ko at tumayo saka umupo sa swivel chair.
"Wala pa ang KNine" sabi ni Akira unnie.
"They won't be here" sabi ko dahil may iba silang sched.
"Alright" sabi ni unnie at nagtipon na nga sila.
"Anong gagawin natin?" tanong ni V.
"Ugh.....since, di tayo makakapag groupings, pakisagutan na lang nung Activity One dun sa book" sabi ko. Introduction lang naman yun.
Ang haba naman ng araw na to.........
"Guys, papahangin lang ako saglit" sabi ko at lumabas, saka ako sumakay ng elevator papunta sa rooftop.
Umupo lang ako sa bench at tinanaw yung sight.
"Hey!" napalingon naman ako at nakita ko si Liyah.
"Kung ikaw ako, sino ang pipiliin mo? Si V, Jungkook o Jin?" tanong ko.
"Depende, sino bang mahal mo?" tanong nya.
"Lahat, este hindi naman mahal! Gusto lang!" sabi ko.
"Sabi ni Jungkook, gusto daw nya manligaw" dugtong ko.
"Bakit di mo pinayagan?" tanong nya.
"Kasi nga, gusto ko yung iba" sagot ko pero di talaga ako sure.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)
FanfictionIssues, Rumors, dalawa sa napakaraming struggles at pinoproblema ng mga kpop stars. One of those stars is what they can say, the most famous girl group in the world of music which are the Dark Queens (DKQS). The Entertainment that produced them is l...