Chapter 16: Haunt Your Dinner

17 5 0
                                    


Zkeeah's POV

Kumain na kami kanina ng tanghalian pagkatapos namin magcharades tapos inayos namin yung each tent namin at nag-ayos kaya inabot na kami ng gabi, buti pa yung mga staff naka van house.

Nandito kami ngayon sa campfire na ginawa namin kanina.

"So ngayon, magpasalamat kayo na pinakain namin kayo kaning lunch, kasi ngayong dinner, hahanapin nyo ang mga itinago naming dinner nyo kung saan saan dito, kaya hahanapin nyo na yun" sabi ni Da Hyun.

"Teka, wala na bang groupings to?" tanong ni Suga.

"Hahaha, wala na Suga, eto lang ang mga reminders, ten minutes lang ang ibibigay namin sa inyo para mahanap ang mga pagkain nyo at magkaroon ng points kung hindi nyo mahahanap ang mga pagkain within ten minutes, deduction ng point, wag din kayo lalayo since hindi naman namin itinago sa malayo yung mga pagkain nyo at eksakto din na eleven yung bag na may pagkain" paliwanag naman ni Chae Ryeom.

"So ano pang hinhintay nyo? Go!!!" sigaw ni Da Hyun kaya napabalikwas ako ng tayo.

Nagsimula na kaming lahat maghanap kaya nagkahiwahiwalay na din kami.

Nagpunta ako sa mga puno na malapit lang sa camp kasi wag daw lumayo, at may camera naman na nakahabol din sakin kaya nagsalita naman ako.

"Oh my ghad guys, I'm so hungry" sabi ko matapos kung kumaway.

Mga ilang minuto na din akong naghahanap dito sa may mga punoan pero wala pa din akong mahanap. Teka, bakit ba dito lang ako naghahanap?

Aalis na sana ako pero may nakita ako dun sa isang punong malaki ng bag na color neon, baka yun na yun pero ang taas, may fear of heights pa naman ako, makahanap na lang kaya ng iba? Ala yun na lang!

Nagsimula na akong umakyat sa mga sanga.

"Uy neng, mag-iingat ka" bulong sakin ni cameraman hyung kaya nagokay sign ako sa kanya (👌🏻).

Nakarating na ako dun sa sanga kung nasaan yung bag at di ako tumitingin sa baba. Inabot ko na yung bag.

Konti na lang..........Gotcha!

*Crack*

"What the?" sabi ko ng mahina baka kasi marinig sa tv.

Agad akong bumaba kahit medyo natatakot ako at eksaktong pagtalon ko, nahulog yung sangang inupuan ko kanina.

"Whoo!" sabi ko at naglakad na papunta sa campfire.

Pagsilip ko sa kanila, kumakain na silang lahat dun, kaya napatago ako dun sa may puno at napatingin ulit sa camera.

"Oh, kumakain na pala sila........." sabi ko at naglakad na papalapit.

"There you go Keeah!" bati ni Liyah sakin habang may pagkain pa sa bibig.

"Yea" sagot ko na lang.

"But, the time's over" dugtong pa nya kaya napatigil ako.

"Mwo? Talaga?!" tanong ko at agad na napatingin dun sa stop watch, magfififteen minutes na.

"Araso" bagot na sabi ko at lumupagi na kasama sila.

Binuksan ko na yung bag.

Taehyung's POV

Halos sabay sabay kaming lahat naakabalik sa campfire maliban kay Keeah dahil, madali lang namin lahat nakita kasi, kitang kita na kaagad yung mga neon bag, pumunta kasi sya sa may mga punong parte pa, nagaalala tuloy ako sa kanya.

Merong TV na nagpapakita samin kung nasaan na sya at ngayon umaakyat na sya ng puno.

"Oh......, that brat" nasabi na lang ni Liyah na kumakain na.

Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon