Chapter 40: Ren's Hair

12 4 0
                                    

Zkeeah's POV

Saturday na!!! At sa malas namin again, nganyon ulit ang performance namin!

It's only 2:30 a.m. Nandito kami sa isang dressing station ng Big Hit at si Kiara unnie, pinapaplantsa yung buhok nya. Si Akira unnie naman, nagpapabig curls. Si Liyah, inaayusan lang ng puyod at ako naman nag-iintay nung mag-aayos sakin.

"Bagay yung style na yun sayo Keeah!" sabi ni Liyah kaya nagdub lang ako.

"Paano sa comeback natin? Yun din hair style mo? Kaagahan din kasi ng comeback natin, next week kasi nailabas na yung preview kahapon" sabi ni Kiara unnie.

"I'll color my hair sa comeback pero papaiklian ko yung bangs" I said.

Biglang nag bukas yung pinto at pumasok sina V, Jimin, RM hyung, at Suga hyung.

"Keeah!" bati sakin ni V at kumaway kaya nginitian ko sya at kumaway din.

"Anong gawa nyo dito?" tanong ni Liyah.

"Napadaan lang -_-" Suga hyung.

"Sinilip lang namin kayo! Sa show na tayo magkita ah! Bye Keeah!" sabi ni V at lumabas na din sila.

"Wag na kayong babalik!!!" sabi ni Akira unnie at nilock yung pinto.

Dumating na yung stylist ko at inisprayhan ng blonde yung buhok ko saka nagsuklay pauna nung gagamiting bangs. Yes, I'll copy Ren's hair on their Face MV.

Nung nagkabangs ramdam kong okay na yung bangs sa harap, mumulat na ako at napatanga sa salamin.

"Oh my gosh! I look like Ren bakla na! Pero mas maganda ako sa kanya! Ang ganda ganda ko!" sabi ko. Baka di na ako magpalit ng hairstyle sa comeback namin!

"Shete! Nakakainggit! Bagay sa kanya!" sabi ni Liyah at pinaghahampas ang makita.

"Wow! Nice! Nice!" Kiara unnie.

"Maganda ka naman talaga! So gaya ng pinaractice natin at napagusapan, iciclip mo muna yung bangs then magsusuot ka muna ng cap? Paano pag may namakealam sa backstage?" sabi ni Akira unnie.

"Unang, una unnie, salamat sa compliment. Siguro, iciclip ko din yung cap para hindi madaling matagtag tapos saka natin tanggalin pagnasa stage na tayo, diba may curtains pa naman na nakababa first" I said.

"Yep" Pagsangayon ni unnie.

Piniyod na din ni unnie ji yeun yung buhok na natira sa bangs. Para di mawala ang uniqueness, nilagyan pa din ng high lights na pink yung konting part nung buhok ko.

"Perfect!" I said.

Kumain muna kami dito sa dressing room ng pinaorder namin sa staff sa cafeteria sa baba saka kami nagpamake up.

Pagkatapos ng make up, nagbihis na kami. Dahil dalawa yung outfit nila sa MV, pinili na lang namin yung uniform at sa loob ng isang linggo naman, nakapagpagawa kami.

They are like bastards and rebels sa uniform nila kaya yung sakin, white T's na may tatak na 'tribal' na color black then pinatungan ko muna ng polo na white and black saka pa yung blazer na din din nakabutones. With skirt, of course. (A.N.: Hugutan nyo na lang yung outfit ni Ren sa Face MV)

Dahil na kaclip na yung bangs ko sa likod, mukha lang akong nakapony habang nakacap.

Si Liyah, gusot gusot yung uniform nya na white polo at hindi din nakatack in sa skirt pero astig na astig pa din. She also have blazers.

Kay Akira unnie, nakatali sa bewang nya yung blazer at nakatube lang sya na color black, woah.

Si Kiara unnie naman, naka white T's na mahaba hanggang kalahati na nung skirt with black prints saka pinatungan nung blazer.

Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon