Chapter 24: Live

22 3 0
                                    

Zkeeah's POV

"Eyow, eyow!" Kanta ko ng kanta namin habang naglalakad at nagsasayaw sa hallway papunta sa study room, lulz hanggaling ko talaga.

"Day off feels!" Sigaw ko pa.

"Ms. Keeah!" Papasok na sana ako ng Study room pero bigla akong napalingon naman ako sa tumawag samin at nakita ko si Hara unnie, dito din sya nagtatrabaho sa agency na to.

"Keeah na lang unnie, ano yun?" Sabi ko pagkaharap ko.

"Ah sige Keeah, pinapatawag ka ng president, hehehe, masaya yun! Tara na!" Sabi nya at hinila ulit ako papunta sa elevator. Kailan pa naging masaya ang mapatawag dun?

Nung makarating sa pinakataas na floor, bumaba na kami ng elevator at nagdiretso sa office ni Preisdent Choi. Dati takot na takot ako pag naglalakad sa hallway dito kasi yung wall transparent, kitang kita yung baba.

"Morning! How may I help?" Tanong ko at nadatnan ko din dun si Suga at Jhope hyung.

"Dala mo phone mo Keeah?" Tanong ni President kaya kinapkap ko yung bulsa ko at tumango naman.

"Okay, may naisip na magandang idea si Mr. Kim dahil day off nyo at wala kayong ginagawa" Curse that Mr. Kim

"So, kayong tatlo, maglilive kayo sa Instagram, yun yung napili kong social media kasi dun marami yung followers at laging online so mamili na lang kayo kung kaninong account gagamitin nyo" Sabi ni Pres kaya napatango kami.

"Okay, tara na" Sabi ni Jhope hyung at tatayo na sana kami.

"Pero, pero, pero, dun kayo sa labas, maglilive at magfoofoodtrip, walang mask at hindi kayo magtatago" Putol ni President.

"Ano?!"

"Moragu?!"

"What?!"

Sabay sabay naming react.

"Yup, sa computation namin, malaki ang makukuha nyong points sa mga music awards at maraming benefits sa company natin. Wag nyo sabihin sa iba ha, magsimula kayo, mamayang 10:30, may 30 minutes pa kayo, enjoy!" Nagbow na kaming tatlo at umalis na dun.

"Kung ano ano nang naiisip nyang si Mr. Kim, nakakainis" Sabi ni Suga kaya tumango kaming dalawa.

"Saan tayo?" Tanong ni Jhope hyung.

"Sa study room muna, para di tayo mapagkamalan, tapos mag dahilan na din tayo pag 10:30 na" Sabi ko at tumango silang dalawa.

Pagkarating namin sa Study room, umupo ako sa tabi ni Liyah.

"Guys, phone ko na!" Sabi ko at tumango naman si Suga.

Ichinarge ko na nga yung phone ko kasi 47% na lang.

"Anong phone mo?" Tanong ni Liyah.

"Wala lang" Sabi ko.

Napansin kong wala ang KNine dito, sabagay di pa naman sila nakakapagdebut.

Nanonood lang ang iba ng TV at yung iba nakagadgets lang.

Nakalipas na ang 30 minutes at tumayo na nga si Jhope hyung kaya kinuha ko na din yung phone ko na 77% na.

"Guys, sa cafeteria lang" Sabi nya ng normal na normal at lumabas.

Tumayo din si Suga at binuksan ang pinto pagkatapos ni Jhope hyung lumabas.

"San ka hyung?" Tanong ni Jungkook.

"CR" Sabi nya kaya tumango naman si Jungkook.

"Aalis muna din ako!" Sabi ko at tumayo na.

"San ka Keeah?" Tanong ni Taehyung.

"Sasama ako kay Suga, bye!" Sabi ko.

"Magccr daw si hyung ah!" Sabi nya, ay takte, oo nga pala.

"K-kay Jhope pala, lulz, bye! Dadalahan ko kayo ng maraming maraming pagkain!" Sabi ko at tumakbo na paalis, nakita ko naman yung dalawa na nandun sa tapat ng elevator kaya nung makita nila ako sumakay na kami.

"Ay teka, saan naman tayo mag foofoodtrip? Masaya to!" Sabi ni Jhope.

"Dapat si Jin hyung ang kasama dito eh" Sabi naman ni Suga.

"May food park ba dito na malapit?" Tanong ko.

"Ahh oo pero magtataxi muna tayo" Sabi ni Suga kaya tumango na lang ako.

Nagbukas na ang elevator kaya bumaba na kami.

Nakita ko si Hara unnie kaya nilapitan ko sya.

"Unnie, meron kang monopod?" Tanong ko.

"Ahh oo saglit lang" Sabi nya at kinuha dun sa may counter at ibinigay sakin.

"Thanks unnie, ibabalik ko na lang mamaya. BTW, pera ba namin yung gagamitin?" Tanong ko ulit.

"Hahaha, baka, sige ingat kayo" Sabi nya kaya tumango ako at lumapit na ulit kayna Suga.

Binuksan ko na yung data ko at nagpunta sa instagram saka nilagay yunng phone ko sa monopod.

"Tara na?" Tanong ko.

"Hays, sige" Sabi ni Suga at cinilick ko na yung live botton.

"Oh my gosh, hi! Actually lumalabas kami ngayon ng Big Hit kasi may activity kami sa labas! At kita nyo naman na kasama ko si Jhope at Suga! Magfoofoodtrip kami! Kinakabahan ako pero excited!"



Liyah's POV

Agad kong ikinonect yung pc ko sa led TV namin dahil, nakalive si Keeah, sabi na nga ba kahinahinala talaga yung tatlong yun.

"What the?" Nabanggit ni RM hyung nung makita nya.

"Hahaha, oo nga po, shout out po kay Mr. Kim na sinira este mas pinasaya ang day off namin" Suga

"LOL, halatang halatang ayaw ni Suga yung ginagawa nya" Sabi ni Jin hyung.

"Sabi ni Keeah foodtrip daw yan" Sabi ko,

"Ano?! Ang daya naman nila" Sabi ni Jin hyung.

"Oh my! Guys si Keeah yun oh! Saka si Jhope at Suga oppa!"

Marami ng lumapit sa kanila pero nageexcuse lang sila at nakikidaan.

"Kung gusto nyo na lang sumama samin pumunta kayo sa central food park!" Keeah

Nakapara na sila ng taxi at yung driver din mismo ay nagitla pero pinagdrive na sila sa central food park.

Pagkababa nila, marami ding taxi ang sumunod sa kanila at bumaba yung mga fan na nakita nila kanina at yung iba pa.

"They must be struggling inside" said RM hyung kaya napatango naman ang iba samin.

-----
to be continued.......

Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon