Chapter 47: Abduction

11 3 0
                                    

3rd Person's POV

Tumigil ang sasakyan ng Bangtansonyeondan sa isang parking lot.

"Saan ka hyung?" tanong ni Jungkook

"May aasikasuhin lang ako dito, kailangan eh baka maexpired na ng tuluyan yung ID ko" sabi ng manager nila

"Ah, sige hyung, balik ka kaagad" tinanguhan naman ng manager nila si RapMon

"May tiwala ako sayo hyung!" sabi ni V at tuluyan na ngang umalis ang driver nila at ang manager.

"Nakakamiss din no?" tanong ni Jhope

"Oo nga, miss ko na si Keeah. Okay lang kaya sila?" tatawagan na sana ni V at ni Jimin ang mga gusto nilang tawagan pero may biglang nagbukas ng van.

"Manager hyu--" hindi na natuloy ni Jungkook ang pagbungad nya sa hyung nya dahil nagsipasukan ang mga lalaking black american at pinaandar na ang kotse nila.

"No! No! No!" Jungkook

"Yes! Yes! Yes" sabi naman nung lalaking tumabi sa kanila.

Ang takot na takot na si Jhope, halos yapusin na si RapMon.

Si Suga, Jimin, at Jin naman, parang may ideya na prank lang yun kaya chill na chill lang sila sa likod.

Nung tumigil na ang van, bumaba muna ang isang lalaki at pinasok ang isang bahay na perpekto para sa gagawin nila.

Zkeeah's POV

"Nanana, walang maingay! Nakakamiss pero alam kong pagsisisihan kong sinabi ko to pag nakita ko ulit sila! Haysss!" sabi ko habang inilalagay sa stock room ang isang katutak na paper bags at boxes.

Mga ilang minuto pagkatapos kong maglipat, may nagdoorbell. Usually, nangyayari to sa States, di mo naman kilala tapos manloloob na lang at makikipagkwentuhan.

Binuksan ko yung pinto pero pagkabukas ko nilagyan nya kaagad ng duct tape ang bibig ko at binuhat ako dun sa sofa saka ako itinali. Piglas ako ng piglas pero ang laking tao naman nito.

Maya maya pa, lumabas ulit sya. Anong trip nya? Itatali lang ako dito?

Maya maya pa, narinig ko ulit ang bukas ng pinto at gitla ko na lang nung may biglang nagtulak papasok sa isang lalaki na obvious naman na ayaw pumasok, at nung inaninag ko ng ayos ang mukha it's Suga hyung, bakit naman nya ipinagsabi na-- wait he doesn't know my address, haha alam ko na, prank nila to!

"Keeah! Keeah!" Nilapitan ako ni Suga hyung pero hinila ulit sya pabalik papunta dun sa sofa.

Sya lang ba?

Nasagot ang tanong ko nung sunod sunod na nagsipasok pa ang ibang member.

"Keeah!" I can sense the angryness, shockness, nervousness at pagkamiss sa mukha ni V, hindi ko man sya mangitian at masabihan na okay lang ako pero I stare at him at tumango, pinaupo na silang lahat sa sofa at halos lahat ng member nakatingin sakin at nagtataka, si Jin hyung, kalmado nung pumasok at naniniwalang prank lang pero nung makita nya ako nagitla din sya. And then, nalaman ko ang purpose ko dito. Planado na to ng manager nila at Big Hit kaya hindi din ako nagpapanic.

"Alright, shut the f*ck up here and we'll fetch you tomorrow" nagsilabasan na yung mga lalaki at halatang nilock ang pinto mula sa labas.

Kita kong napahilamos si RM ng mukha, sure na may cameramg nailagay na yung mga lalaki kanina kaya makikita to nina unnie, bwahaha.

Nung narealize na nilang naiwan na kami dito, chineck ni Jhope hyung yung pinto at nakalock nga talaga.

Agad nila akong nilapitan kaya nagready na ako na wag mapatawa.

Inalis ni Jin oppa yung tali sa likod ko sa upuan at unti unti namang inalis ni V yung duct tape at niyakap ako kaya niyakap ko din sya pabalik.

"Oh crap, paano ka napunta dito Keeah?" tanong ni Jungkook.

"Feeling ko may idea si Suga hyung" sabi ko.

"Hmmn?"

"A-ah, sya yung tumulong sakin kanina sa mga babae, alam ko na na nandito sya" sabi ni Suga hyung.

"Sya yung kadate mo hyung?!" tanong ni V na gulat na gulat.

"Kadate?" tanong ko.

"Sinabi mo na kadate mo ako?! Eh ang ginawa ko lang naman makipag-away at bangayan sa babaeng itinuturo mo! Wow! Hyung!" sabi ko pero natawa na lang sya kaya umiling na lang din ako.

"So, welcome to my apartment" sabi ko.

"Woah, bakit ka nandito?" Tanong ni Jungkook.

"May gagawin ako ngayong linggo, birthday ni Sungyeol ng Infinite"

"Huh? Talagang pupunta ka pa dito sa States para lang dun?" V said, he seems annoyed.

"Haha, pinsan ko sya" sabi ko at pumunta sa kusina.

"Talaga?!" Para namang nabigla sila.

"Hindi ba nabanggit sayo ni Liyah, Jimin?" Tanong ko

"Hindi" Jimin

"Sige sige, kumain muna kayo" sabi ko at dinala na sa kanila yung Krispy Kreme na kinuha ko sa ref.

"Wala na bang ibang way para makalabas dito?" Tanong naman ni Jin oppa.

"Meron, pinarank lang naman kayo" sabi ko.

"Prank?!" Jungkook

"Prank lang yun, yun o camera" sabi ko at itinuro yung nakita kong camera kanina na nakakabit sa pader.

"Tsk, tsk"

Habang kumakain sila, chineck ko ang messages ko.

From: Yeolie
Yowz!

From: Liyah
Nagkita ga kayo? They're on L.A. din.

From: Liyah
Shet!!! Nakita ko nga sa TV!

From: Kuya Dave
I heard BTS is here. Bring them, mom and dad want to meet them.

Halos maitapon ko ang cellphone ko dun sa text ni Kuya Dave.

"Oy guys" panimula ko.

"Hmmn?" Tanong ni Suga hyung habang nakatingin sa phone nya.

"Kung okay lang sana na sumama kayo samin sa birthday ni Yeol, gusto kayo mameet ng mga relatives ko" I said at napatingin naman sila sakin.

"It's an honour" sabi ni RM hyung at ngumiti kaya tinanguhan ko sya.

"Ipapakilala din kita V sa parents ko, kung okay lang" sabi ko.

"Syempre okay na okay para sa babaeng mahal ko" ngumiti sya ng ngiting ngiti at bumalik sa phone nya, I somehow felt joyful.

-------------

Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon