Zkeeah's POV
"Magrelease tayo ng album guys" nasabi ko na lang out of nowhere. Nasa study room kami. Eto na ang naging tambayan namin, paalis na ang BTS kasi mamamasyal daw sila, para makabawi kay Jungkook.
"Hindi kayo. Kami" sabi ko ulit.
"Pede naman. Marami namang composer dyan" sabi ni Jimin.
"Alam mo bang di kami nahingi ng composer?" tanong ko.
"Huh?" Jimin.
"Kami ang nagcocompose ng kanta namin at kami din naggagawa ng choreography." sabi ko
"Wow! Di nga?!" tanong ni Jungkook.
"Yep. Kaya nakakatatlo lang ang maximum naming album kada taon" sabi ko pa.
"Mini Album lang?" tanong ni Akira unnie.
"No! Definitely not!" sagot ko.
"Ilang songs?" tanong ni Liyah kaya napangiti na ako, ibig sabihin okay na sya.
"Around 20, may 7 na ako" sabi ko.
"Nakakapag compose ka?" tanong ni Kiara unnie.
"Yep naman, title ng album, 'Stay Wild' since yung title ng last album natin, Wild and locked" I said.
"Gawin nating all english song, malapit na din ang Billboard Awards" suggest ni Liyah.
"Tapos may Korean version dapat, yung pitong kanta ko may Korean at English verion na. Para din magtop sa music awards dito" sabi ko.
"Parang sure na sure kayo na magtotop ah!" sabi ni Jimin.
"Oo naman" sabi ko.
"Sige, pataasan na lang ng ratings!" sabi ni Jimin kaya hindi naman namin maiwasan na matawa.
"Sure! Alam nyo bang nakarank 1 na kami sa Billboard Awards? Bwahahaha" sabi ni Liyah kaya napatango tango kami.
"And, kami din ang first kpop group na merong 1B views ang music video? Actually walang nababa sa 200M views yung mga music videos namin" sabi ko.
"Okay, aalis na kami!" sabi ni Jimin at nagtawanan na lang ang mga kagrupo nya.
"Ako na ang bahala sa limang kanta" sabi ni Liyah.
"Lima din sakin!" sabi ni Akira unnie.
"Edi tatlo lang sakin, much better" sabi naman ni Kiara unnie.
Ibinigay ko sa kanila yung USB na may kanta na pero syempre boses ko pa lang yun.
"Ilang araw nyo yan matatapos guys?" Natatawa kong tanong.
"One day" sabay sabay nilang sabi habang sineset-up yung mga lapop nila.
"Thanks for the one day" sabi ko at lumabas.
"Hoy san ka na naman pupunta?!" pahabol na sigaw ni Liyah pero nagsara na yung pinto.
Tinawagan ko yung secretary ko na minsan ko lang din naman hingan ng tulong sabi kasi ni Mommy in case lang din.
"Yes, Miss Keeah?" masiglang bati nya, close na close din naman kami.
"Pabook naman ng trip papunta sa Japan"
"Sa private plane ba?"
"Oo naman. Kailangan ko magmadali, hahaha"
"Tatakasan mo na naman ba sina Liyah?"
"Hahaha, oo"
"Sige!"
"Kamsa~!"
Inend ko na yung call at bumaba na ng basement.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)
FanficIssues, Rumors, dalawa sa napakaraming struggles at pinoproblema ng mga kpop stars. One of those stars is what they can say, the most famous girl group in the world of music which are the Dark Queens (DKQS). The Entertainment that produced them is l...