Chapter 33: Left Behind

12 4 0
                                    

Taehyung's POV

Nandito kami ni Keeah sa 5-star mall at masaya naman kaming naglalakad. Nakashades pa din sya at nakascarf, ako naman, nakacap lang.

"Actually, okay lang naman kung di na tayo magtago. Wala namang mga pake ang tao dito" sabi nya.

"Iba pa din yun eh. Meron pa ding nakakakilala minsan" sabi ko at di na naman sya umimik.

Teka saan ba kami pupunta?

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Kakain" sabi nya at nagdirediretso sa isang restaurant. Npangiti na lang ako at sinundan sya.

"Anong gusto mo?" tanong ko.

"Kung ano na lang yung iyo" sabi nya.

"Ahh, sige" sabi ko at umorder na lang ng dalawang grilled pork chop at dalawang frappé.

Pagbalik ko, dala ko na yung pagkain kaya, ibinigay ko na lang sa kanya.

"Thanks ah" sabi nya at nagsimula nang kumain.

"Tungkol dun sa kanina, okay ka na ba?" tanong ko.

"Huh? Natapilok lang naman ako kaya, nakakalakad na ako ngayon. Medyo mahapdi nga lang yung likod ko" sagot nya kaya tumango ako at kumain na.

"Taehyung, may-" hindi nya natapos yung sasabihin nya nung nagring yung cellphone ko.

"Sige, sagutin mo muna" sabi nya kaya nginitian ko muna sya at lumabas.

Tumatawag si Irene (Red Velvet's) . Bakit naman kaya?

"Hello?"

"V? Pwede mo ba kami tulungan?"
Medyo naiiyak nyang sabi

"Huh?! Wae?! Anong nangyari?!"

"Nasiraan kasi kami ni Joy ng sasakyan dito sa daan namin pabalik galing Incheon Airport"

"Teka-"

"Pumunta ka na, please! Ngayon na! Please talaga V. Meron pa talaga kaming mahalagang appointment"
Pinatay na nya yung tawag.

"Ahh, okay, sige sige" Nasabi ko na lang at tumakbo, papuntang parking lot.



Zkeeah's POV

Natapos na akong kumain at hindi ko na inintay si V, iintayin ko na lang sya kung sya yung kakain.

Nakareceive ako ng text kay Jungkook kaya agad ko yung binuksan.

From: Jungkie😊
Kamusta na Keeah? Okay lang ba kayo ni hyung? Sabihin mo lang sakin pag kailangan mo nang tulong ah.

To: Jungkie😊
Okay lang naman. Thank you Jungkook! Mwah!

Naalala ko naman yung ibinigay ni Ren sakin. Kinuha ko yun sa bulsa at agad na nagmessage sa kanya.

To: Choi Min Ki (Ren)
Thank you very much para sa kanina! I'm already fine!

After mga 5 minutes, nagreply naman si Ren na sinundan din ni Jungkook.

From: Choi Min Ki (Ren)
Sure! See you on Saturday! Goodluck! Sana makasayaw ka ng ayos!

To: Choi Min Ki (Ren)
Sige! Sa inyo din! See ya sa round 2!

Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon