V's POV
"Ayan! Tapos na! Mukhang bago na ulit!" Sabi ni RapMon hyung pagkatapos namin linisin yung kotse ni Keeah.
"Hayss.......natapos din!" sabi ni Jin hyung, napakabait nya talaga kahit di naman sya nakisama samin kaya kinuha ko yung hose at binasa sya.
"Taehyung!" sigaw nya at binuhos sakin yung balde ng tubig kaya nagkabasaan na kaming lahat.
Maya maya may bumusina kaya napatingin kami sa may gate at nakakita ng halatang bagong sportscar na kulay gold.
"Wow! Kanino kaya yan! Teka, sino ba yang mga yan?" tanong ni Jimin hyung.
Bumaba yung nasa driver's seat at nagitla na lang kami nung si Keeah yung bumaba.
"Oh my ghad! Bakit nyo pa nilinis? Hindi naman ako galit eh, ano ba yan pasensya na nakastorbo pa yan sa inyo. Teka bakit kayo basa? Lalo na ikaw?" Sabi nya sabay turo sakin.
"Hehehe, okay lang naman Keeah, kami naman may gawa nyan eh. Ah eto? Binuhusan ako ni Jin hyung ng isang balde ng tubig eh" sabi ko.
"Huh?! Ikaw nga ang nanguna!" sigaw nya sakin pabalik.
"Hehehe!" sabi ko pa.
Bumaba na yung iba pang members dun sa kotseng gold at lumapit samin.
"Jusko po! By the way, kanino to?" Sabi ni Jungkook nung lumapit sya dun sa kotse.
"Ummnn, maganda ba?" tanong ni Keeah at ngumiti.
"Sobra" sagot ni Kookie habang nakatingin oa rin dun sa kotse.
"Jungkook!" tawag ni Keeah kaya napaharap si Kookie.
May hinagis si Keeah sa kanya at nasambot naman yun ni Kookie.
"Huh? Susi nito? Pinapahiram mo ba ko? Kamsa!" sabi ni Jungkook.
"Kailan birthday mo?" tanong ni Keeah.
"Huh? Ahh, September 1" sagot ni Jungkook. Uyy sa isang linggo na nga pala birthday ni Kookie! August 26 na nga pala, sa isang linggo na.
"Since malapit na naman, sayo na yan" sabi ni Keeah.
"Ano?!" sabay sabay naming lahat na sabi maliban sa kanya.
"Oy Shin Keeah! Kakabili mo lang nyan kanina at for God's sake! Halos ₩1.1 billion yan! Sakin na lang!" sabi ni Liyah.
"My ghad" nasabi na lang ni Jin hyung.
"Talaga?! Sa kanya na lang" sabi ni Kookie.
"Hayysss Liyah! Nireregaluhan nga kita ng trip sa iba't ibang bansa na full free expenses tuwing birthday mo!" sabi ni Keeah kaya medyo napatawa kami, ang yaman nya, wow.
"Sayo na yan" sabi ulit ni Keeah at nginitian si Kookie.
May gusto ba sya kay Kookie? HINDI, may pag-asa pa ko!
"Maraming salamat Keeah!" sabi ni Jungkook.
"Sige lang" sabi ni Keeah at napatingin samin sabay takbo sa loob ng mansyon nila.
"Wow, ano yun? Nahihiya ba sya?" tanong ni Liyah na natatawa.
Maya maya pa bumalik na ulit si Keeah na may dalang mga towel at unang lumapit sakin.
"O, baka magkasakit pa kayo, mahirap na." sabi nya, isinaklob sakin yung towel at pinisil yung pisngi ko.
"Oww" sabi ko kaya nginitian nya ako at binigyan din ng towel yung iba pa.
"Araso, ngayon.............magiimpake na kami, lilipat na kami sa Big Hit at ihahatid na namin kayo. Di naman siguro kayo kasya dun" sabi nya kaya napangiti kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)
FanfikceIssues, Rumors, dalawa sa napakaraming struggles at pinoproblema ng mga kpop stars. One of those stars is what they can say, the most famous girl group in the world of music which are the Dark Queens (DKQS). The Entertainment that produced them is l...