Chapter 32: Chased

14 3 0
                                    

Zkeeah's POV

Naghahabulan lang kami dito sa may hagdan. Walang wala naman kasing katao tao dito. Bakit ba kasi napakat*nga nung dalawang yun at alam ng may tao, mag-uusa usap dun.

Napatigil ako ng two seconds pero pag kakita ko sa kanila sa likod, tumakbo ulit ako at hingal na hingal na ako, nasa 2nd floor na kami at nakawedge din ako!

Paniguradong nasa basement na yung mga yun! Hays!

"Bakit nyo ba ako sinusundan?!" pilit kong tanong habang tumatakbo pero wala naman akong nakuhang sagot.

"Shit" nabulong ko na lang nung mali ang natapakan ko at nadulas ako ng mga 10 steps. Ang sakit sa pwet! Natapilok pa ako!

Pagkarating ko sa lobby kahit paika ika na ako. Walang katao tao dito kundi yung security guard dun sa malayo pang exit. Lunch break kasi siguro.

"Paano ba yan?" tanong nung lalaki.

Humarap ulit ako sa harapan ko at eksakto namang nakita ko si Ren na may kausap na lalaki papunta dun sa elevator. Pag tumawag kasi ako ng nagtatrabaho dito, mascascandal pa, atsaka isa sa policy nila ang di makipag-usap samin pag hindi kailangan. At isa pa, wala ngang nadaan, kung meron kasi, papunta na dun sa malayong exit. Di ko na kasi kayang tumakbo.

"Sumama ka na lang samin Ms. Keeah, ihahatid ka na namin sa agency nyo ng may usapan na" ano ba yan? Narinig ko lang naman yung pinag-uusapan nila.

"Ren!" tawag ko sa kanya dahil palayo sa sya at wala na akong choice.

Napatingin sya sakin at gulat na itinuro yung sarili nya. Kaya tumango naman ako. Sandali nyang kinausap yung kasama nya at tumakbo papunta sa direksyon ko.

"Bwisit" rinig kong sabi nung lalaki at nag-iba sila ng direksyon.

"Phew!" Nasabi ko na lang at napasandal sa pader.

"Hey, ayos ka lang?" tanong ni Ren pagkalapit nya. Teka, anong sasabihin kong dahilan kung bakit sya pinapunta dito?

"U-uh, h-hindi ko lang kasi kayang pumunta sa basement mag-isa. N-na tapilok k-kasi ako dun sa may h-hagdanan eh" sabi ko. Nahihiya akong kausapin sya. Di naman kasi kami close. Ngayon lang ang unang pag-uusap namin. Kahit naman kasi yung ibang group, nakusap na namin at least.

"Sa hagdan? Dun ka bumaba? Nasan yung mga groupmates mo?" tanong nya.

"Nasa basement na sila. Na kay Liyah din yung phone ko. M-meron kasi akong narinig na di dapat marinig sa elevator k-kaya hinabol nila ako hanggang dito" napaiwas naman ako ng tingin sa kakahihiyan.

"What?!" bulaslas nya. "Sure ka bang okay ka lang? Gusto mo, ireport natin?" Naisip ko si In Seong at ang KNine, anong mangyayari sa kanila? Atsaka, OA naman nya.

"I don't know" sabi ko at tumungo.

"Tara na muna. Eto yung number ko kung sakaling kailangan mo ng kausap or kaibigan" sabi nya at nag-abot sakin ng card kaya hindi ko na yun tinignan at ibinulsa na lang.

Inakay nya ako at thanks God dahil wala namang nakakakita.

"Aray.." sabi ko gawa na din nung heels ko.

Napatingin naman sakin si Ren at napatigil kami........No, no! Nakakahiya! Napatungo na naman ako nung umupo sya sa harap ko.

"Hop in" sabi nya kaya napatingin pa ako sa paligid at sumakay na nga.

Kinarga nya ako hanggang makarating kami sa elevator at makababa kami sa basement, kung saan nakita kaagad namin sina Liyah na nag-aabang sa tabi ng van at sina Jimin, nandito pa pala sila........

Falling In Love With An Alien (Kim Taehyung)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon