Chapter 17: Revelation

101 3 0
                                    

17:  Revelation

-Jules Pov-

Hilong hilo kong binuksan ang mga mata ko. Ano na nga ba ulit nangyare sa akin?

Napatingin ako sa paligid at kita kong nasa loob ako ng isang kwartong mukhang malinis naman. Nakasuot ako ng isang white na thing na sinusuot pag nasa hospital ka. Sinbukan kong umupo pero masakit ang buong katawan ko kaya nanatili akong nakahiga. Napaka pamilyar ng kwartong ito sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ang lugar na to. Meron itong tatlong kama at kabilang na din ang akin.

Nagulat ako ng biglang may pumasok na mga lalaki kaya nag kunware akong tulog. Nakarinig ako ng pag uusap.

"Ilagay niyo naman itong isang to sa isang higaan. Ito naman, iupo sa upuan at itali ang kamay nito sa may rails." Sure akong si Paul ang nag sasabi ng linyang iyon. 

Kinabahan ako lalo sa mga narinig ko. Sino kaya ngayon ang nadakip nila?

Ng umalis na ang mga lalaking iyon, napaharap ako sa kabilang parte ng kwarto at nagulat ako ng makita ko si Ricci na naka duct tape at nakatali ang kamay at paa nito. Halos mangiyak ngiyak na siya sa pagkatali kaya nanlaki mata ko. Nakita ko naman si Eunice na may pasa sa pisngi at nakatali ang kamay nito sa rails ng bintana. Wala naman siyang malay ngunit nakatali at nakaduct tape rin ang bibig niya. 

Sinubukan kong tumayo kahit sumasakit ang buong katawan ko. Nag hanap ako ng scissors at buti naman ay nakakita ako ng knife. Okay na to!

Lumapit ako kay Ricci na patulog na umiiyak at tinanggal ang duct tape nito. I told her to shush down at tinanggal ang lubid sa kamay at paa nito. 

"Thank you." She mouthed at inayos ang kamay niya. 

Lumapit naman ako kay Eunice na walang malay at tinanggal rin ang pagkatali nito. Hiniga ko siya sa higaan ko at tinanggal na din ang duc tape niya. Mukhang pagod na pagod ang mga to. 

Lumapit ako ky Ricci

"Ano nangyare?" I whispered.

"D--dinakip nila kami.. Hi--hindi ko ki--naya dahil nakita kong binugbog nila ng paulit ulit si Eunice. Sumasagot kasi! Ayan napahamak.." Sabi niya habang humihikbi. 

"What!? Grabe! Sumosobra na talaga sila." Sabi ko at napahawak sa baba ko.

"Matulog kana. Ako na muna nag magbabantay." Sabi ko at naglakad around the room. 

Wala itong ibang gamit kundi isang maliit na cabinet, tatlong kama at isang electric fan. Pamilyar talaga ang kwarto na ito sa akin. I approached the door at nakiramdam. Wala naman akong narinig sa labas kaa sinubukan kong buksan ang pintuan. Hindi siya naka lock! That was strange..

I took a peak outside at nagulat nalang ako ng makita ko ang corridor na ito. Kung hindi ako nagkakamali.. 

-Ella's Pov-

"Guys.. We need to plan up! FAST. Iba na ang kutob ko.. Feeling ko nadakip na rin sila Eunice." Sabi ko habang nakatingin sa phone ko. 

"Paano mo naman alam..?" Tanong ni Con habang nakapamewang. 

"Alam niyo naman nakaconnect lahat ng phone niyo sa phone ko. Kita ko rin kung saan kayo nagtutungo dahil doon. Nakita ko ngayon kung asan si Jules ngunit hindi nakasaad kung saan ang lugar na to. Nakita ko rin na nandoon rin sila Eunice at Ricci. Damn bakit hindi ko naalala to?" Sabi ko habang tumitingin sa phone ko. 

"So that means.. They are kidnapped. Since alam mo kung asan ang isa sa atin. Alam mo ba kung nasan si Alyanna?" Tanong ni Jozsh na nakataas na ngayon ang kilay. 

Nanlaki rin ang mata ko ng makita si Alyanna di kalapitan sa mga pwesto nila Jules. Hindi ko na talaga maintindihan. All this time ngayon ko lang nabuksan ang app na ito. Baka naman glitch lang yung kay Alyanna? Pero hindi eh..

"Malapit sila Alyanna sakanila." Sabi ko at napahawak sa ulo ko.

"Sabi na nga ba eh." Bulalas bigla ni Myca kaya napatingin kami lahat sakaniya.

"Guys hindi niyo ba napapansin? Never na nating nacontact si Alyanna. Hindi rin natin alam ang background ng buhay niya. Ilang years din natin siyang naging kaibigan ngunit wala siyang masabi sabi tungkol sa buhay niya. Pero alam natin ang bahay nito.." Sabi ni Myca 

Napakunot ang noo ko.

"So you're saying may kinalaman si Alyanna dito?" Sabi naman ni Rina na nakakunot noo na rin. 

"Possible." Sabi ni Myca

"You're right Myca. Hindi kaya si Alyanna ang may pakana ng lahat ng ito?" Sabi ni Jozsh na ngayon ay nakatayo. 

"Hindi natin ito masasabi. Pero nakikita ko ang punto niyo. Pero si Alyanna ba talaga? She's been our friend for a lot of years. Alam nating hindi niya magagawa yan sa atin. At malay niyo, nakid nap rin siya kaya nandiyan siya.. Hindi yan!" Sabi ni Con 

Natahimik kami ng matagal. Ang hirap mag sink in ng mga to sa utak ko. Impossibleng gagawin to ni Alyanna sa amin. Alam kong mahal na mahal niya kami. 

Nakarinig kami ng pag bukas ng pinto. Nakita namin si Kate na papalabas ng infirmary habang hawak hawak ang ulo nito.

Nilapitan siya agad ni GD at tinulungan itong umupo sa sofa. 

"Guys.. May alam na ko kung sino ang gumagawa nito sa atin." Sabi ni Kate kaya napatingin kaming lahat sakaniya.

"Si Alyanna.. Siya.. Siya ang gustong pumatay sa atin.. And.. Its too late to run. They're already here." Sabi ni Kate kaya napatayo kaming lahat.

"Anong sinasabi mo!?!??!" Sigaw bigla ni Gd

"Anong too late!?" Sabi naman ni Rina

"Paano mo nalaman?!" Sigaw naman ni Jennie.

Nagkagulo na ang lahat. We we're about to approach the door ng biglang humarang si Will sa amin.

"At saan kayo pupunta?" Sabi nito kaya nanlaki ang mata namin. 

-Jozsh's Pov-

"WILL!? PATI IKAW!?" Bulalas ko at nilapitan si Will.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. I feel betrayed. By my friends. All this time ang mga kalapit lang sa mga buhay namin ang gumagawa ng paghihirap sa buhay namin. They also send us a death threat! Mga walang hiya! 

Binigyan ko siya ng malakas na sampal at hindi ko alam pero biglang lumabas ang mga luha sa mga mata ko. 

"Traydor ka Will! pinaniwala mo kami!! Lahat pala ng to.. Lahat ng pagtutulong mo.. Ginagawa mo lang para mapadali ang pag huli nila sa amin. Hayop ka wala kang modo! Hindi ka na naawa..." Sabi ko at sinuntok suntok ang chest niya. 

Lumapit bigla si Ryan sakaniya at binigyan siya ng malakas na suntok.

"Gago ka pre!"

Hindi ko na alam ang nangyayari pero napaupo nalang ako sa sahig at humikbi hikbi. Nakarinig ako nag pag aawat sa dalawa pero wala nakong pakielam. Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa nila to sa akin. Sa amin! 

Lumapit sila Jelo at GD sakaniya at sinuntok suntok rin siya. Hindi na lumaban si Will pero kita k ang ngisi sa mga labi niya. Ang kapal talaga ng mukha! Nagawa pang ngumisi!

Nakarinig naman ako ng pag putok ng baril kaya napatingala ako. Bigla akong hinila ni Ella palabas ng bahay dahil ako nalang pala ang natira sa loob. Pag labas, nagulat ako ng makakita ako ng madaming mga lalaking may hawak na baril. Nakatutuok ito lahat sa amin.. Sumama na rin si Will sakanila kaya mas lalo ako nakaramdam ng galit. Ngunit ang mas nakasakit sa looban ko, ang nasa harapan nila ay si Alyanna na nakangiti. 

Destined as OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon