Special Chapter
-Sopya's Pov-
Minulat ko ang mata ko at nag unat unat. Tumingin ako sa paligid at napansin kong nandito ako sa eskwelahan ko noong kami'y high school palamang. Nakita kong may papalapit sa akin na nurse at may hawak itong chart.
"Sophia De Guzman? Pwede kana bumalik sa klase mo." Sabi nito at simulang umalis.
Bigla naman akong nalito ng onti. Anong nangyayare? Tinignan ko ang suot suot ko ngayon at nagulat ako ng makitang suot ko ang uniform noong high school pa lang ako.
Napatingin ako sa orasan at napansing 11:00 am palang ng tanghali. Hmm ano na nga ba klase ngayon? I looked at my badge and its number 9. Which means im in my Junior days today.
Since alam ko naman ang daan papuntang classroom, hindi naman ako masyadong nawala. Malapit nako sa classroom at narinig ko ang ingay galing sa mga kaklase ko. Mukhang maganda ang topic at klase namin ngayon ah.
Pag pasok ko sa classroom, wala namang nakapansin. Napatingin ako sa teacher at Filipino class ngayon.
"Oh Sophia? Hindi ka pa uupo?" Tanong ni Miss kaya napag pasyahan ko nalang umupo sa vacant chair since hindi ko naman maalala kung saan ako nakaupo noon.
Pagkaupo ko, napatingin ako kay Eunice na katabi ko ngayon at nag susulat ng notes. Akala ko maingay, sa kabilang klase lang pala yun.
"Uhh Eunice, ano ngayon?" Tanong ko at lumapit sakaniya.
Naalala ko tuloy ang pag backstab ng mga ito sa akin noon. Oo, masakit. Sobra. Pero ano naman ang magagawa ko? Tapos na eh. Hay buti nalang at mahal na mahal ko ang mga to.
Napatingin naman sa akin si Eunice at tinaasan ako ng kilay. Nagtaka naman ako bigla sa inasta niya. Ano naman kaya ang ginawa ko sa isang to? Mas nagulat ako ng bigla niya akong iniwasan ng tingin at nakingi na ulit sa teacher. Parang wala lang ako rito ah?
"Grabe ka naman hindi mo na ako pinapansin.." Bulong ko sakaniya at umupo ng maayos.
Tinignan niya ako ulit at ngayon ay siya ang lumapit sa akin.
"Wag mo nga kong papansinin." Bulalas niya bigla kaya nanlaki mata ko.
Hindi nalang ako nagsalita pero parang bumagsak ang isang parte ng puso ko. Bakit ayaw ako pansinin ni Eunice? Bakit ayaw niyang mapansin? Ano ba ginawa kong masama? My god nalilito na ako. Sige hindi na muna ako kakausap sa kahit kanino muna. Kinuha ko na rin ung notebook sa bag ko at nag sulat na rin. Naramdaman ko nalang maya maya na may kumalabit sa tagiliran ko.
"Sophia? Okay kalang? You seem lost."
Pag harap ko, nakita ko si Ricci na nakatingin sa akin na mukhang worried. I am lost. Damn!
"Uhm.." Okay lang ba ako? Nahihiya ako magtanong dahil baka maweirduhan siya sa akin. Pero okay na yun para may malaman ako diba? "P-pwede mo bang ikwento sa akin yung nangyayare dito sa school? Hindi ko kasi maintindihan. Parang may mali?" Bulong ko and leaned on Ricci's chair.
Nakita ko ang puzzled look niya sa akin pero hindi nalang niya ito pinansin. Lumapit din siya sa akin ng kaonti at hinawi ang buhok niya.
"Well, ano ba ang alam mo?" Sabi ni Ricci at tumingin sa akin ng nakataas ang kilay.
Hmm ano bang sasabihin ko? Yung nangyare sa akin noong days na ganto o yung nangyayare sa akin ngayon?
BINABASA MO ANG
Destined as One
HumorIts all about friendship, love and happiness. But what if these good intentions turned sideways? Will they be able to straighten it up? Or just leave it tangled? I mean come on! Well maybe in their Point of View, it would have been really hard. Pero...