23: Good and Bad News
-Myca's Pov-
Dahan dahan kaming pumasok sa loob ng silid ni Alyanna. May mga pulis sa gilid ng pintuan nito para bantayan si Alyanna. Tahimik kaming lahat habang pinagmamasdan siyang nakahiga sa kama niya. Nakatayo lang ako sa likod ni Jozsh samanthalang nakaupo naman yung iba sa sofa. Nilapitan naman ni Ella ang kama nito at umupo katabi sakaniya.
Namiss ko talaga yung dating Alyanna. Hindi parin nag sisink in sa utak ko yung mga pinag gagawa ng babaeng yan sa buhay namin ngayon. Galit na galit ako sakaniya ngayon. Because of love?! Dahil lang sa pagmamahal, ginawa niyang pagtangkaan ang buhay namin?
Sabagay.. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya. Agawin ba naman ang Chris Pine ng buhay ko?! No no no no no! Pero ano paba ang mas mahalaga? Yung boyfriend ko o buhay ng kaibigan ko? Ay mahirap pala pumili wag nalang.
Nagulat kami ng biglang gumalaw si Alyanna. Napatayo naman bigla si Ella kaya lumapit kami ng kaonti sa kamang hinihigaan ng pasyente.
"Alyanna?" Bulalas ni Con at mas lumapit pa sakaniya.
"Nasan ako?" Tanong ni Alyanna na parang nawawala.
"You're in the hospital." Sabi ni Jozsh ng matigas.
Natahimik siya saglit. Mukhang meron itong iniisip. Parang may iba sa kalagayan ni Alyanna ngayon. May amnesia ba to? Mukha kasi siyang bagong sanggol na kakalabas lang sa tiyan ng nanay niya. Ano nangyare sa isang to?
"Ano ginawa ko?" Tanong naman ni Alyanna habang nakatingin sa akin ng matagal. Which made me uncomfortable.
"Y--you don't remember?" Tanong naman ni Con na nasa tabi lang ni Alyanna.
"Remember what?" Sabi naman nito na parang wala sa sarili.
Natahimik uli kami saglit. So may amnesia siya? That explains it! Pano nayan? Edi iexxplain namin sakaniya lahat ng nangyari? And pano siya nagka manesia kung hindi naman siya natamaan sa utak? Weirddd.
"You killed Jose, Alyanna." Bulalas naman ni Eunice habang nakasimangot.
Nakita kong nanlaki mata ni Alyanna.
"And you tried to kill all of us. Because of you, Sopya's life right now is 50-50. We all have injuries. Some of us are shot because of you're back up. We even escaped everything just for us to be all safe." Sabi naman ni Ricci habang naka cross arms.
Nanatiling tahimik si Alyanna at nakatingin lang siya ngayon sa isang bagay.
"Huh? Nakapatay ako? Pinatay ko si Jose? Huh? Ano pinagsasabi niyo?! Baliw kayo umalis kayo dito!!!! Mga baliw baliw baliw lalalalala baliw hahahaha!!!" Sabi ni Alyanna sabay kuha sa isang unan at binato ito sa amin.
Bigla akong nagulat dahil sakin tumama yung unang ginagamit niya. Aba't pagbibigyan ko siya ngayon dahil may amnesia ang isang to! Pero ang sakit naman makabato parang tuloy bato ang tumama sa mukha ko.
"Alyanna, kumalma ka." Sabi ni Kate ng mahina.
"Baliw kayo!! Baliw!! Wala akong pinatay!" Sigaw ni Alyanna ng paulit ulit.
Bigla kaming nag panic. Ano na nangyayare kay Alyanna? Nasisiraan naba siya ng ulo? Well dati medyo sira na rin ulo nito pero ngayon ibang iba na. Totoo na to!
"Baliw hahahahaha baliw kayo! Hahahahaha dali tawa kayo kasi baliw kayo!" Anya ni Alyanna habang tumatawa.
Nagmadali akong lumabas ng kwarto at naghanap ng nurse.
"NURSE TULONG! NURSE!" Sigaw ko.
May lumapit na dalawang nurse at mukhang nagpapanic ang mga ito.
"Ano nangyare sa pasyente?" Tanong nung nurse.
Putcha! Hindi nalang kasi pumasok? You guys are wasting time! Papano nalang kung may isang malapit na mamatay nag tanong pa kung anong nangyare.
"Basta tignan niyo nalang!" Sabi ko at pumasok sa loob ng silid.
Nakita kong pinigilan na ng mga kaibigan ko si Alyanna sa pagdadabog. Mukhang sinasapian ang isang to.
"Ahahahahahhahaha XDDDDDD!!!!"
Alyanna pls.
"Turukan siya bilis!!!!" Sabi nung isang nurse kaya sinundan to ng isa.
Onti onting kumalma si Alyanna at bumalik ito sa pagtulog.
"All visitors, please leave this room immediately." Sabi nung ibang nurse habang seryosong nakatingin sa chart nito.
Ang sungit naman ng isang to. Tinaunan ko nalang to ng masamang tingin at lumabas ng silid.
"Ano nangyare sa isang yun? Nakakakilabot!" Sabi ni Kate habang hinahawakan ang braso nito.
"Nabaliw na ata.." Sabi naman ni Rina na nasa likod lang ni Jozsh.
"Hindi lang ata, may sayad na talaga!" Sabi naman ni Jennie at tumingin sa sahig.
"Sana maging okay lang si Alyanna.." Sabi ni Jozsh at tumingin sa kawalan.
Natahimik naman kami saglit. Pati ako nag aalala sa babaeng to. Kahit naman nilapastangan niya kami't lahat lahat. Sa kahuli hulihan, paibigan parin namin siya. And that's what true friends are.
-Jozsh' Pov-
Umupo ako sa waiting shed malapit sa ER at nag hintay kung may lalabas sa nurse o doktor sa loob. Nag woworry ako kay Sopya pati narin kay Alyanna. Magagamot ba ang sakit sa utak niya? I hope so..
"Rina, sa tingin mo okay lang si Sopya?" Tanong ko sakaniya at humarap sakaniya.
"Oo naman. Si Sopya pa. Malakas yun." Sabi nito and gave me a reassuring smile.
Ngumiti naman ako pababalik sakaniya at nilipat ang tingin sa pintuan ng ER. Bakit ang tagal? Ilang oras na kaming nandito pero wala paring lumalabas dito. Urghhh i hate waiting!
"Sopya's tough. She's not giving up." Sabi bigla ni Eunice na nakagulat sa amin.
"Mag bigay ka naman ng sign na malapit ka para hindi kami magulat!" Sabi ko ng nakangisi.
"Sinasadya kong gulatin kayo." Sabi niya at ngumisi pababalik.
"But anyways, she's really tough. Kung hindi, wala na siya ngayon.." Sabi ko at napatingin sa kisame.
Tumayo kaming tatlo ng biglang may lumabas sa ER. AT LAST!!!!!!!!
"What happened?!" Bulalas ko agad.
Humarap yung Doctor sa amin ng may malungkot na mukha.
"B--bakit?"
Doon biglang kumalabog ang puso ko. Ano nangyare? Bakit ganto? What's up with Sopya?
"T--the patient is alive." Sabi ng Doctor kaya naman nakanhinga ako ng maluwag.
"But she's in a state of coma.."
And that made my heart drop. S--sopya..?
BINABASA MO ANG
Destined as One
HumorIts all about friendship, love and happiness. But what if these good intentions turned sideways? Will they be able to straighten it up? Or just leave it tangled? I mean come on! Well maybe in their Point of View, it would have been really hard. Pero...