Chapter 19: Escape + Mafia

98 3 0
                                    

19: Escape + Mafia

-Eunice's Pov-

"Is it clear?" Tanong ko kay Jules habang hinhintay siyang tignan yung labas.

"All set." Saad niya kaya naglakad kami ng mabilisan at sinundan si Jules.

Medyo mahaba ang corridor ngunit makitid ito kaya mahirap mag tago dito. Buti nalang at madaming kwarto para mapadali ang pagtago namin. Pero paano nalang kung meron kaming makasalubong? Huli na ba to ng lahat? 

Naglalakad kami ng mabilis pero tahimik. Malakas din ang pag tibok ng puso ko dahil sa kaba. Feeling ko tuloy hihimatayin ako. Naalala ko tuloy.. Diba nagpadala ako ng back up? Nasna na kaya sila ngayon? Jusko kung nakilala ko lang kung sino ang mga yun baka ipatanggal ko pa sa trabaho.

Nakaabot na kami sa dulo ng dinadaanan namin. makakapaglakad pa san akami ng iisa pang hakbang ng biglang may dumaan na isang armadong lalaki doon sa isa pang daanan. We did our best just to hide ourselves pero buti nalang at hindi kami nakita. 

"That was close." I whispered.

"Eunice ikaw naman ang mauna." Sabi ni Jules.

Siguro natakot to sa dumaan kanina. Oks lang yan Jules nandito naman ako. 

"Saan naman daan natin?" Tanong ko.

"Basta pag liko natin, dirediretso nalang yun. Tapos may stairs pababa." Sabi ni Jules kaya sinunod ko siya.

Bakit kaya ako ang pinauna niya? Hmmm. Nako nako bonding times with Ricci ba ito? Gagawa nako ng love team nila... RILES!!!! Ay wag nalang pala. Wala kaming time sa love nayan. Pwede din kaming mamatay any time soon. 

So yun habang mabilis na nag lalakad, nakakita ako ng baril na nakalapag sa may daan. Tanong ko lang, sino ang may lakas ng loob na mag iiwan ng baril dito? Sadya bang katangahan to? Pinulot ko ito at pinagmasdan ang baril na hawak ko. Teka teka.. Akin to ah?! Sinong puta ang nag iwan ng baril ko dito?!?!

"Yay may baril na tayo!" Masayang sabi ni Ricci habang pumalakpak.

Umirap nalang ako sa kawalan.

"Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo!" Sabi ko sabay lakad.

Bigla niya akong binatukan pero hindi ko nalang ito pinansin. Pag kami namatay dahil sakaniya mumultuhin ko spirito niya.

"Kinakabahan ako." Bulalas uli ni Ricci pero mas mahina naman ito.

'Sino ang hindi?' Sasabihin ko dapat to pero syempre ayaw ko namang mas maburyo to sa akin.

"Ako din." Sabi ni Jules.

Napangisi ako.

"Eh di magyakapan kayo jan." I joked.

After a few minutes, nakaabot na din kami sa hagdanan. Pababa na dapat kami ng hagdanan ng makarinig kami ng pag yapak at pag uusap.

Bigla naman kami nag panic kaya bumalik kami at pumasok sa loob ng isang kwarto. Binuksan ko ang ilaw nito at sinara yung pintuan ng mabagal. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Napatingin ako sa loob at napansin ko ito ay parang bodega. Madaming kagamitan na pang laban rito. 

Pero bago pa ko ito libutin, nakarinig ako ng pamilyar na pag uusap. Napatingin ako sa butas ng pintuan at nakita ko si Paul na may kasamang lalaki.

"Ayaw kona di ko na kaya." Sabi ni Paul na malapit ng umiyak.

Seriously? Si Paul iyakin? Turn off. Joke. Pero ano problema niya? Bakit siya umiiyak? Nagsisisi ba siya na sinuntok niya ko? Well dapat lang! Kasi kagaguhan ang ginawa niya. 

Destined as OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon