Chapter 18: Revelations II

103 3 0
                                    

18: Revelations II

-Jozsh's Pov-

"So we meet again? My friends?" Sabi ni Alyanna at humakbang. 

"Friends? Are you kidding me?! Why are you doing this to us?!" Matapang na sabi ni Kate. 

"Ano ba ginawa namin sayo?! We treated you like a best of friend!" Saad ni Ella. 

"I can't believe this." Sabi naman ni Con at napahawak sa noo nito. 

"W--wala akong masabi.. How dare you.." Sabi nalang ni Myca at napaiyak nalang kaming lahat. 

Bakit Alyanna? Ano ba nagawa namin kaya ka naging ganyan?

"You treated me like a best of friend?! HA! Kalokohan! Kung gusto niyo tanungin kung sino ang may kasalanan kung bakit ako naging ganto? Wala namang iba kung hindi si SOPYA!" Sabi ni Alyanna at napahalakhak. 

Nanlaki mata ko. Si Sopya..? B-Bakit..

"Inagaw mo ang mahal ko Sophia! Alam kong alam mo na gusto ko si Jose. Alam mo yan! Kaso ano ginawa mo? Inahas mo siya sakin! Hindi ka na naawa.. Lahat kayo. Lagi niyo ko binubully. Hindi niyo man lang naramdaman ang nararamdaman ko sa pag bubully niyo sa akin?" Sabi ni Alyanna na galit na galit.

Napatingin kaming lahat kay Sopya na tuloy tuloy ang pag luha niya. 

-Sopya's Pov-

"A--anong sinasabi mo..? Hi--hindi ko alam na gusto mo siya Alyanna.. Hindi ko alam.." Sabi ko habang nanginginig ang boses ko. 

"Napakababaw mo Alyanna! You'll risk our life just because of that stupid love? That's not love Alyanna. That's addiction! And alam mo namang niloloko ka lang namin. Masyado mong pinopersonal." Sigaw ni Jozshelle. 

Wala nalang nagawa si Alyanna kung hindi tumawa. Hindi ko na maintindihan..

"Hindi lang yon.. Gusto ko. Gusto ko yumaman! Gusto ko ako ang pinakamayaman na nilalang sa buong mundo. Ginamit ko kayo para makamit ang gusto ko. Ngayon, malapit ko na makuha yon. Salamat sa inyo." Sabi ni Alyanna at humalakhak ng mas malakas.

"WALANG HIYA KA!" Sigaw ni Ella.

Susugurin na dapat niya si Alyanna pero buti nalang at pinigilan ko siya. Mahirap na, baka mabaril siya ng mga kasama nito.

"Talaga!" Sabi ni Alyanna.

Humarap naman ito sa gawi ni Will at bigla ding ngumiti. 

"Oh? Akala ko hindi moko tutulungan? Pero bakit mukhang napasama ka sa amin?" Saad ni Alyanna.

I saw Will smirked.

"Natauhan lang ako my dear sister." 

Mas nanlaki mata ko. SILA!? MAGKAPATID!? HUH?!

"Putcha Will! Hayop ka tarantado!" Sigaw ni Jelo. 

"Niloko mo kami Will.. Magbabayad ka!" Sigaw ni GD na mukhang galit na galit. 

"M-magkapatid kayo..?" Bulong na sabi ni Jozsh. 

Hinawakan naman ni Ryan si Jozsh at niyakap naman ni Rina ang kanyang kaibigan. Awang awa ako kay Jozshelle. Bestfiend niya si Will ngunit nag sinungaling pala ito sakaniya. For all these years.. 

"Hay ayaw ko na makaramdan ng drama! Tara na. Dakpin niyo na ang mga yan." Sabi ni Alyanna at pumasok na sa kotse nito. 

Wala na kaming laban. Masyado silang madami.. Ang magagawa nalang namin, ay mag hintay. Mag hintay sa katapusan namin. 

-Eunice's Pov-

Binuksan ko ang mga mata ko at kumarap kurap. Nasan ako? Nakalimutan ko na ang mga nangyare sa akin. Ang alam ko lang ay nahuli kami ni Paul at biglaan nalang akong binugbog dahil sa pagsasagot ko. Wala talaga sa katawan niya ang pagiging gentleman!

Tumingin ako sa paligid at nakita si Ricci sa kabilang kama. Gising ito at mukhang hinhinay akong magising. Napatingin ako ng diretso at nakita si Jules na nakaupo sa kama ko.

"Good thing you're awake.. We need to escape." Sabi ni Jules habang nakatingin sa orasan nito.

"Huh?? Asan ba tayo?" Tanong ko at sinubukang umupo. 

"Nandito tayo sa bahay ni Alyanna.. Hindi ko maintindihan kung bakit dito tayo napadpad.. Pero parang alam ko na ang mga nangyayare. Pero mamaya na natin yan pag usapan. Kailangan natin umalis. Umikot ikot ako dito sa bahay ni Alyanna. Since nakapasok na tayo dito alam ko na ang pasikot sikot ng malaking bahay na to. Hindi ko lang maintindihan kung bakit dito tayo dinala at hindi sa isang warehouse." Saad ni Jules. 

Napakamot ako sa ulo. Bakit naman sa bahay niya kami dinala? Hindi ba parang ang shunga lang tignan? 

"Anyways, napansin kong oonti lang ang tao sa loob. Wala masyadong armadong lalaki. kung meron man, nakabantay lang ito sa may tabi ng pintuan ng bahay. Napatingin ako sa labas at punong puno rin ng armadong lalaki ang labas. Pero merong daanan dito para makaalis. Napansin ko lang ito kanina. Kailangan na natin umalis." Sabi ni Jules at tumingin ulit sa relos niya. 

Wala ng paligoy ligoy pa. Kailangan na naming umalis. Masama ang kutob ko sa bahay na to.

"What are we waiting for? Let's go!" Sabi ko at tumayo na.

Kahit masakit pa ang katawan ko, gagawin ko lahat makaalis lang sa bahay na to. 

-Sopya's Pov-

Hindi na ako nanlaban sa pag hatak nila sa amin papasok ng kotse. Hindi ko malubos isipin na gagawin ito ni Alyanna para sa kayamanan. At dahil sa pagmamahal. Ganon ba siya kadesperado? Kaya niyang pumatay at mang hostage makuha lang ang gusto niya. Alyanna.. Ano nangyare sayo? 

"Bitawan niyo ko!" Sigaw ni Myca na nasa tabi ko. 

"Hayaan mo na Myca. Wala na tayong magagawa.." Sabi ko at tumungo nalang. 

Maya maya, may isang lalaking naka suit and tie ang nakatabi sa amin ni Myca. Ang driver naman ay nasa sobrang harap kaya medyo malayo ito sa amin. Hindi ko nalang sila pinansin pero nagulat ako ng marinig ko ang boses na iyon. 

"Sopya.. Nandito ako para sagipin kayo." Bulong ni Ameor na nasa tabi ko ngayon. 

I can't believe it!

"P--pano mo nalaman na nasa panganib kami ngayon?!?!" Tanong ko ng mahina. 

"Nilapitan ako ni Alyanna nung isang araw. Nagulat ako ng nakita ko siya ulit. Kinwento niya s akain ang plano niya at dahil sa alam niyang niligawan kita ng ilang taon at si Jose ang pinili mo.. Nag alok siya sa akin na tulungan siya sa plano niya. Pinag isipan ko yun ng mabuti dahil nag iisip nako ng plano na sagipin ka. Kaya pumayag ako. Sinabi ko ito kay Jose pero hindi siya naniwala. Kaya nandito ako para tumulong sa pag takas niyo." Sabi ni Ameor kaya biglang nag tubig ang mata ko. 

"S--salamat Ameor.. Salamat.." Sabi ko bigla.

"Thank you Ameor! Malaking tulong ito sa amin." Saad naman ni Myca.

"Ano na ngayon ang plano mo?" Tanong ko. 

"Nanghingi ako ng back up. Mamayang alas dose ng gabi ang dating nila. Mas madami pa sila sa inaasahan niyo. Kaya maghanda na tayo. May away na magaganap." Saad ni Ameor

Destined as OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon