"Buti naman hindi ka napano." Monique said. Iniinda pa rin niya yung sakit ng likod niya. She got bruises on her face.
"I told your Mom na samin ka muna nakitulog, I don't know what to say at them." I said. Napatingin ako kina Raven. Nasa iisang room lang sila. Ward kasi ang pinaglagyan sa kanila. Ofcourse, they got bruises, too. Nabalian din atah sila ng buto.
I don't care anyway.
"Paano mo kami nailigtas?" Monique asked.
"I waited for them to leave. Akala siguro nila malalagutan din kayo ng hininga." I lied. Napatingin ako sa kapatid ko na kumakain ng apple habang nanonood ng TV.
"Magagalit sakin si Mommy kapag nakita niya akong ganito." She sighed.
"You bring us all here alone?" Napatingin ako kay Raven.
"Yeah." I said coldly. I don't expect them to thank me. I don't need it anyway.
"Paeng nakakadalawa ka na." I told my brother ng akma niyang kukunin yung pangatlong apple. He pouted at me, binili namin yun para kina Monique. Bumili din ako para sa kanila, iaccept man nila o hindi wala na akong pakealam.
"It's okay let him eat." Monique smiled at me.
"Kamusta yang likod mo?" I asked her. Umiling lang siya sakin.
"Mauna na kami then, you rest ako na bahala sa restaurant." I said. Naiiyak siyang humawak sa kamay ko.
"Huhuhu! Maxene! Hulog ka talaga ng langit! Sorry talaga ang laking abala ko na sayo." She sobbed. Napangiwi na lang ako.
"I know, kaya next time wag kang magpadalos-dalos." Irap ko sa kanya. Suminghot-singhot siya habang tumatango.
"Hello?" Napatingin ako sa kapatid ko when he answered my phone. "Why are you calling Xander? You haven't gone home yet?" Inis na sambit ng kapatid ko with his British accent.
"You're not welcome in our flat anymore! Go back to Europe!" Napasapo na lang ako sa noo ko.
"Sino yung Xander? Boyfriend mo?" Monique asked me. Muntikan na kong napatawa sa tanong niya.
"You cannot live with us!!" Raphael burst. Kinuha ko yung cellphone ko mula sa kapatid ko. Inaasar na naman nito si Paeng for sure. Pikunin kasi si Paeng.
"Why not?! Miss ko na ate mo!" Xander said.
"Xander..." I said in a warning tone. Narinig ko ang pagkataranta niya sa kabilang line.
"Etoh na nga, flight na namin. Tinatawag na kami. Bye na." He said and ended up the call.
"Is he gone? Umuwi na ba sila?" Nakahalukipkip na tanong sakin ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Slave Part 1 & 2
Любовные романыYou have a gun with a single bullet... . . . How are you going to free a bird in a cage? . . . The answer???? . . . . . . . . Kill it. ...