For DiyosangAlly :)
M A X E N E
"Why can't I come? Magtatagal ka ba?" Ika-ilang ulit na tanong ni Waldrin sakin. Ihahatid ko sana si Christian sa bahay nila para makakuha na rin ako ng lead tungkol sa kapatid niya.
"I don't know, I'm not sure. I'll call you when I'm done." I said. Kumunot ang noo niya at tumitig sakin na para bang sinasabi niyang gusto niyang sumama.
"Waldrin, wag makulit okay? I'll call you." Hinawakan ko na yung door handle ng sasakyan ni Christian pero hindi pa rin kumakalas sa pagkakayakap sakin si Waldrin. Nasa loob na ng sasakyan si Christian. Naiwan muna sina Raven at Monique kay Marshan.
"Please baby, isama mo na ko." He pouted.
"Are you gonna let go of me or magagalit ako sayo?" Namula ang mga mata niya when he let go of me. Para siyang tutang maabandona. Gosh! He's so cute! I can not!!!
"Don't look at me like that, I swear babawi ako after, kahit anong oras pa ko matapos." I took his hand and intertwined our fingers habang ang isang kamay ko'y hinahaplos ang mukha niya.
"Okay then, I'll wait for your call. I love you." He said and again kissed me. Halos mamanhid na ang bibig ko kakahalik niya sakin. "I hope you know how my heart flutters every time I kiss you."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. I opened the car door, "I love you. Wait for my call." I said. Ngumiti siya sakin.
"Take care." He said and closed the door for me. Bumuga ako ng hangin ng tuluyan na kong makasakay. Good thing, he doesn't know that I always have a mini heart attack when he kisses me.
"Good thing, ayos na kayo ni Waldrin." Christian said when I drove off. Ngumiti ako sa kanya and chuckled.
"Yeah."
"Alam mo, nung nagkahiwalay kayo mas lalong sumama yung ugali niya. Walang araw na hindi siya galit, na hindi siya naiinis. At sa mga araw na yun, isa lang ang nagpapakalma sa kanya---yung mga pictures mo sa gallery niya."
Napangiti ako sa sinabi niya as I glance at him.
"He's such a baby." I chuckled.
"Thank you Christian for saving Marshan's life." I glanced at him bago ako muling bumaling sa daanan.
"It's the least I can do, thank you ko na rin sa pagtulong mo sakin."
We arrived at their mansion, mansion talaga siya, medyo mas maliit lang siya kumpara sa Zekovia's. Napansin ko ang maraming sunflowers sa paligid ng bahay nila. Which is quite odd dahil kadalasan roses ang nakikita kong nakapalibot sa mga mararangyang bahay.
"It's my Mom's favorite, sunflowers. Alagang-alaga niya yan." Christian muttered.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Slave Part 1 & 2
RomanceYou have a gun with a single bullet... . . . How are you going to free a bird in a cage? . . . The answer???? . . . . . . . . Kill it. ...