Napasentido na lang ako ng marinig ko ang malakas na iyak ni Hansel. Nandito kami ngayon sa dentist at kailangang ipabunot yung ngipin niya dahil ilang araw na itong sumasakit at namamaga. He even had a fever last night.
And yeah, hindi ko pinatulog kagabi sina Yasha at Yrew sa sobrang nerbyos ko.
Iniwan ko muna si Gretel kina Mommy...
"Oh God! Are you okay baby?" Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak nung makita ko ang pamumugto ng mga mata ng anak ko. Sumisinok-sinok pa siya dahil sa sobrang pag-iyak.
"Ssshhh it's okay now. Mommy's here." I kissed his temple habang nakakandong siya sakin at nakayakap. Parang hinang-hina ito sa pag-iyak habang nireresetahan kami ng dentist ng mga pain killers.
"Is he okay now, Doc?" I asked him. He's our family dentist kaya kilala ko na siya at alam kong mapagkakatiwalaan ko siya.
"Yes, just follow these post-procedure care. Call me if he experiences severe swelling or fever." He said. Nakahinga naman ako ng maluwag as I rubbed Hansel's back gently. Buhat-buhat ko siyang lumabas ng Dental Clinic dahil nanghihina pa ito sa pag-iyak.
"No more chocolates and candies for now Hansel." I told him. He nodded weakly as he wrapped his little arms around my nape. Muli kong hinalikan ang tuktok ng ulo ng ng anak ko as I hugged him tighter. It was just a tooth extraction but hearing him scream in pain and fear like that para na akong aatakihin sa puso.
"I am fine now Mommy, you can put me down." He said after namin maglakad-lakad saglit para pahupain ang iyak.
"No, it's okay. I still want to hug my baby boy." Kahit humupa na yung iyak niya hindi pa rin nawawala yung nerbyos ko kanina. Narinig ko ang pagtunog ng phone ko sa bulsa ko kaya binaba ko muna si Hansel sa isang bench and held his hand.
Ugali pa naman nito ang magtatakbo na lang bigla kapag hindi nahahawakan ng mahigpit. Minsan nga gusto ko na siyang itali sa kakulitan niya.
"Just a minute sweetie, I'll just answer your Tita Vicky." I said habang hawak-hawak ko ang kamay niya. He just stared at me habang kausap ko si Vicky sa cellphone. Napapikit ako ng mariin when Hansel started singing loudly na para bang hindi na masakit ang ngipin niya.
"Hansel, I'm talking to your Tita Vicky. Tone dow a bit." I said. Ngumuso ito sakin at mangiyak-ngiyak na yumakap sa braso ko.
"But I'm hungry mommy. Nangangayayat na ko..." He sniffed.
"We will eat... I'll just---" Bigla na lang ulit ngumawa ng malakas si Hansel. Pero hindi ko naman mababaan ng telepono si Vicky dahil kanina ko pa hinihintay ang tawag niya.
"M-Maxene..." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nagpalipat-lipat ang tingin niya saming dalawa ni Hansel. Napatitig pa ko sa kanya ng matagal bago magsink in sa utak ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.
"Oh! Waldrin! Good timing, pakihawakan mo naman muna siya saglit. I just really need to finish this call." Nanlalaki ang mga mata nitong lumapit sakin at hinawakan sa braso si Hansel.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Slave Part 1 & 2
RomanceYou have a gun with a single bullet... . . . How are you going to free a bird in a cage? . . . The answer???? . . . . . . . . Kill it. ...