M A X E N E
"Ma'am, Miss Leanna daw po..." Nag-angat ako ng tingin sa secretary ko. Wala pa naman si Vicky dahil siya na ang ipinalit namin sa VP of Finance.
"You may let her in." I said before closing the files I was reading. Kinalma ko ang sarili ko at hinanda sa kahit ano mang pwedeng mangyari.
Pumasok si Leanna ng office ko. She's wearing a light pink floral dress pero bakas sa mukha nito ang pamumutla at stress kahit nakamake up pa ito. Her lips were drawn in a thin line like keeping everything she wanted to say inside her mouth before opening it.
"Have a seat. Would you like something to drink?" I asked her. Kahit papano'y nirerespeto ko pa rin siya bilang babae at dahil magiging ina na rin siya.
"W-Water na lang please." She said in a slightly shaky voice. Napansin ko pa ang pagpunas niya ng kanyang mga palad sa palda niya bago umupo sa harapan ko. I told my secretary to give her some water, lumabas naman ito and close the door.
"How may I help you?" I asked her. Tumingin siya sakin ng may pag-aalangan. Napalunok pa siya bago humarap sakin.
"W-Waldrin and I have been together for three years..." Her voice is shaky. "I was there when he needed you the most, ako ang bumuo sa kanya nung wasak na wasak siya sa pagkawala mo. I took good care of him when he couldn't even take good care of himself because he already lost the will to live!" Her tears started to fall but I remained stoic kahit tumatagos sakin lahat ng katagang binitawan niya.
"I deserved him more than you do! I have loved him for years, kaya please Maxene!" He held my hand at ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. "Give him back to me, I need him, kailangan namin siya..." She sobbed. Tahimik na pumasok ang secretary ko bago ilapag sa mesa ang tubig para kay Leanna at tahimik din itong umalis.
"Nagmamakaawa ako sayo Maxene! Don't take him away from me!"
"Bakit kailangan mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw sayo---" My voice was stern pero umiling lang siya sakin at mas humigpit ang hawak sa kamay ko.
"N-No... He loves me, he has learnt to love, hindi naman niya ko papakasalan sana kung hindi niya ko mahal diba? Pero nung dumating ka naguluhan na siya, ginulo mo na kung anong meron kami! Bubuo na dapat kami ng pamilya! Please wag ka namang manira Maxene, you have everything in this world and I only needed him! Maawa ka naman sakin at sa magiging anak namin!!!"
She's starting to vent her anger out on me. Ang kanina'y malumanay na boses ay lumalakas at tumataas na. I can see the desperation in her eyes and gestures. I pressed my lips tightly and just let her say anything she wants.
"Please Maxene..." Her voice is pleading. Sobra na ang kanyang pag-iyak sa harapan ko and I know stressing her won't give anything good to her state.
"Leanna, wala kang mapapala sakin. Just go home and rest." I sighed. Kung hindi lang siya buntis ay baka pinatulan ko na siya.
"No... Nooo! Hindi ako aalis hangga't hindi mo binibigay sakin si Waldrin!!" Napapikit ako ng mariin para pigilan ang galit ko dahil sinasagad na talaga niya ang pasensya ko. I am trying to be nice here!

BINABASA MO ANG
The Mafia's Slave Part 1 & 2
RomantikYou have a gun with a single bullet... . . . How are you going to free a bird in a cage? . . . The answer???? . . . . . . . . Kill it. ...