-57-

25.9K 697 117
                                    

Dumaan muna ako sa Tim Hortons para bumili ng kape bago ako pumasok ng office. 


"Marshan!" Someone called. My eyes squinted para tignang mabuti yung tumawag sa pangalan ng kakambal ko na napagkamalan ulit ako. She waved at me and then I recognize her. 


What's her name again? It starts with 'L'.. Is it Lea? Lia? Something like that. Well, nevermind. She's with someone, lalaki, at nakatalikod ito sa direksyon ko. 


"Hi!" I forced a smile. Bumaling sakin yung lalaki and I almost gasped. 


"Yung payong mo nga pala!" I said to him. Bahagyang kumunot ang noo niya at bumaling kay 'L'... "I'll return it later, siguro bandang lunch. Iiwan ko na lang sa receptionist." I said before pressing my lips tightly. 


"Magkatabi lang naman kayo ng office, you can give it back anytime, Marshan." L said. Kumibot ang labi ko sa sinabi niya. People really should stop thinking that I am Marshan. Nahihirapan na rin akong umaktong kilala ko sila.


"Ah yeah... Oo nga..." I said awkwardly. Napatingin ako sa kamay ni L na nakapatong sa mesa and her ring immediately caught my attention. It's very simple but not my taste. Mukhang napansin yun ni L kaya hinawakan niya yung singsing niya at ngumiti sakin. 


"I am just so happy na ikakasal na kami ni Waldrin." Teary eyed na sabi nito habang nakatingin sa kasama niya. Napabaling ako sa lalaking kasama niya who remained stoic. So, Waldrin pala ang pangalan niya... 


"Ohhh cool..." I said shortly, dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.


"Since when did you fancy wearing colored contacts?" The guy named Waldrin asked me. Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. 


"Wala, para cool." I winked at him. "Anyway, mauna na ko sa inyo. Enjoy your breakfast." I smiled before leaving the two of them. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng coffee shop. My heart clenches when I saw that engagement ring. 


Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.




"Miss Prime! Tumawag po ang Lolo niyo kanina, nagset po siya ng appointment for early tomorrow po for a project proposal." My secretary approached me. Bahagyang kumunot ang noo ko. 


Iba ang secretary ko and of course dahil assistant ko si Vicky. My secretary remains here in the office at kasama ko naman sa mga lakad ko si Vicky.


"Where's the proposal?" I asked her.


"On the way na daw po. Diyan lang naman daw po sa kabila manggagaling." She said. 


"Wala bang masasagasaang schedule for tomorrow?" Nagsimula na akong maglakad papunta sa office ko at nakasunod naman sakin ang secretary ko. 


"Actually ma'am, the project proposal is for about 4 hours, 8 a.m. to 12 noon., but you already have an appointment with Mr. Sebastian Morales by 10 a.m." Natigilan ako sa pag-upo sa swivel chair ko dahil sa sinabi niya. 

The Mafia's Slave Part 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon