-41-

26.6K 684 95
                                    

M A X E N E


"Ano ng balita?" I contacted the organization about the upcoming emergency meeting ng Venom. Lahat ng mga naglalakihang tao na bumubuo sa Venom ay aattend. At sigurado akong ang mga taong yun ay parte ng maitim na bahagi ng Venom. 


"The event has been finalized. We will send you the details." 


Bumuntong hininga ako after ending the call. Hindi rin nagtagal ay dumating na yung message. I pressed my lips tightly when I saw the date of the event. Napapikit ako ng mariin. Luckily, it's not on his birthday but it's on the day after his birthday. 


Lolo have been watching the training of my back ups. I can do it alone but the job will be cleaner if I have my snipers, we have to make sure na walang makakatakas sa kanila ng buhay. 


"Maxene! May bisita ka!" Marshan's lively voice made me relax a bit. Lumingon ako sa kanya at agad nanlaki ang mga mata ko when I saw Waldrin behind her na may dalang boquet of sunflowers. 


"Para sa babaeng mahal ko." He grinned. Agad kong binulsa ang phone ko at kinuha ang boquet na hawak niya. 


"T-Thanks. Anong ginagawa mo dito?" I asked him. Binulsa niya ang mga kamay niya at nagkibit balikat. 


"I miss you... Hindi ako mapakali pag hindi kita nakikita." He said like a bad boy. Naningkit ang mga mata ko bago ko ilapag sa ibabaw ng mesa yung boquet. 


Yumakap ako sa bewang niya at narinig ko naman ang pagsinghap ni Marshan na nabilaukan pa sa strawberry shake niya. 


"Excuse me! Please wag kayong magharutan sa harapan ko!" She rolled her eyes at nagkunwaring tumalikod samin. 


"Parating na si Raven... Kambal mo ko, I know your schedule." I winked at her. Nanlalaki ang mga matang lumingon siya sakin. Her facial expressions are just priceless. Marshan is easy to read dahil makikita mo talaga sa mukha niya kung anong nararamdaman niya. 


"I bought movie tickets, movie date tayo?" Waldrin said. "Or would you prefer a movie marathon in your room?" He grinned at me.


"Oh my gosh! My ears!!!" Marshan gasped exaggeratedly. Natawa na lang ako sabay ng pag-irap niya samin at dumiretso na sa kwarto niya. 


"Nope, we have to go out. Wag puro kwarto lang." I chuckled. "Mag-aayos lang ako, manood ka muna ng TV." 


Ngumuso siya sakin kaya hinalikan ko siya. "I'll wait for you inside your room." He said. 


I pinched his cheeks, "No, maghintay ka dito sa labas." Naglungkot-lungkutan siya na ikinatawa ko na lang. Pumasok na ko sa kwarto para mag-ayos, I wore my usual get up. 


Magkahawak kamay kaming naglalakad sa mall papuntang sinehan. Napapansin ko naman ang tingin nila kay Waldrin at ramdam kong naiirita siya sa klase ng atensyong nakukuha niya. 

The Mafia's Slave Part 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon