Chapter 19 - What's wrong with you people?

7.6K 62 26
                                    

Dedicated to GirlAtTheCorner :)

Thank you for loving my story. :)


Chapter 19 - What's wrong with you people?

(Alex)


“Naappreciate ko lahat ng ginawa mo Apol. Thank you sa lahat lahat. Ang bait mo pala.”

 

Hindi na ako nahiya nung sinabi ko yun kay Apol. Totoo naman kasi. Na-appreciate ko at mabait siya talaga. Ngayon lang ako nagkaron ng kaibigang lalake. Eto na ba yun talaga? Friends na ba talaga kami? Parang ambilis. Sunday lang nung una ko siyang nakilala. Oh well siguro ganun talaga pag mabait.

Iba ang set-up ng drawing room.

Apat na mahahabang tables per row na direcho lang pero wide.

Magkakaharap na parang dining table ang set-up.

Tinawag ako ni Cherry na tumabi sa kanya sa last table. Bale kaharap ko si Apol. Tinignan lang ako ng masama nung parang kambal na Yen at Zen. Hays. Ano bang kasalanan ko sa kanila?

Pumasok ang Prof. Hindi naman siya masyadong nag-introduce. Basta ang sabi niya, Si Architect Rowell Ignacio daw siya.

“Ako muna ang magpo-provide ng sketch pads ninyo. Pero isusulat ko ang materials na kailangan sa subject ko for the entire term.Dapat meron na kayo ng mga ito on Thursday.” Sabi ng prof habang pinapasa yung sketch pads and pencils.

Kumuha ako ng tig-isa at binigay ko yung huli kay Apol. Nag-smile naman siya nung kinuha niya sakin yung materials.

Bakit parang umikot yung bituka ko pag-smile niya?

Hays. Gawa siguro nung fried egg na kinain ko kaninang breakfast.

Tahimik lang ang class. Mukha kasing strict si Architect.

“Today, I will let you draw whatever comes to your minds. Use your imagination. I will grade the proper shading. Shading is out topic. You have 3hrs to finish your work. The last hour is for me to criticize your work.” Sabi ni Architect Ignacio.

“Wow ha. Criticize talaga? Hahaha!” Sabi ni Todd sa tabi ni Apol. Siniko naman siya ni Apol.

Mukhang di naman narinig ni Architect Ignacio kahit na may mga tumawa sa table.

“While drawing, isusulat ko na yung mga materials na sinasabi ko. You may now start.” Sabi lang ni Architect Ignacio.

“Wag kang masyadong gagalaw Apol ha. Ikaw ang ido-drawing ko.” Sabi ni Cherry.

“Eh bat naman siya pa? Ako ang kaharap mo Cherry. Ako nalang. Di ako magulo promise!” Sabi naman ni Todd kay Cherry.

“Ayoko nga. Gusto ko si Apol.” Sabi ni Cherry.

“Wag na ako Cherry. Ikaw naman o. Pag-bigyan mo na si Todd.” Sabi ni Apol pero halatang flattered naman siya.

“Ayoko. Gusto ko ikaw.” Nagpumilit naman si Cherry.

“Sige ikaw bahala.” Pumayag naman si Apol.

Nakita kong nagdo-drawing si Apol ng bahay. Ang bilis niya. Halata agad na bahay ang gagawin niya. Nag-drawing na ako. Tahimik lang ang lahat at hindi naman pinansin ang drawing ng isa’t isa.

Second hour, nagsimula na ako mag-shade.

“OMG!” Sigaw ni Cherry sa tabi ko habang tinitignan ang drawing ko.

Napatingin lahat ng nasa table naming kay Cherry tapos tumingin sa drawing ko.

“B-baket?” Tinanong ko siya.

“Wow Alex. Di ko inexpect!” Sabi naman ni Todd.

“My kind of girl talaga.” Sabi naman ni Rufus.

Nag-taka lang ako dahil eto talaga ang forte ko sa dino-drawing. I have a lot. Naka-compile sa clear book at sketch pads.

“Yuck. What kind of girl would choose something like that to draw?” Sabi naman ni Yen habang nagtatawanan sila ni Zen.

Tinignan ko ang drawing ko.

Ano naman ang yuck dito? I think it’s ok naman.

Napatingin ako kay Apol. Naka-smile siya na parang nakaka-loko.

What’s wrong with you people?!

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon