Chapter 27.1 - Ngayon pa lang ako papayag

7.3K 58 13
                                    

Chapter 27.1 - Ngayon pa lang ako papayag

(Alex)

Ano ba naman yung lalakeng yun? Anlapit lapit lang ng ministop o! Bat antagal nun?

Maya-maya narinig kong nag-park na si Apol.

Pumunta na ito sa likod.

“Grabe pinapak na ako ng lamok kakahintay. Naligaw k a ba?” Tinanong ko siya?

“Ay sori Lex ha. Kasi iniisip ko kung anong bibilin kaya natagalan.” Sagot nito.

“Nag-isip ka ng ganun katagal?” Tumingin ako sa relo.

Hindi sinagot ni Apol ang tanong ko.

“O eto o.” nilagay niya yung naka-balot ng supot ng mini-stop sa maliit na table sa harap ng bench.

“Wow! Cuervo! I love it!” Natuwa naman ako.

“Ano sabi mo? You love me?” Biniro ko siya.

“Sabi ko I love it. IT! Itong Cuervo.” Sabi ko.

“Sana naging cuervo nalang ako para minamahal mo din ako.” Sabi ni Apol.

Haaaaaayyyyy Apol! Kung alam mo lang na mas love kita sa cuervo!

“May lemon ba tayo Apol?” Iniwasan ko yung sinabi niya.

“Teka magsa-slice ako.” Sabi nito.

Pumasok siya sa loob.

Pag labas niya, may dala siyang salt shaker at slices ng lemon.

Nilagay niya ang mga yun sa table at umupo sa tabi ko.

Binuksan niya yung Cuervo.

“Teka Apol. Akin na.” Kinuha ko yung bote ng Cuervo at nag-tapon ako ng konti sa floor.

“O bakit mo tinapon?” Nagtatakang tanong nito.

“Para hindi tayo malasing o hindi masyado malasing. Unang tagay sa demonyo.” Nag-smile ako sa kanya.

“Andami mong alam pag-dating sa pag-inom. Bakit nga ba ang hilig mong uminom?” Tanong nito sakin.

“May nagsabi kasi sakin noon na ang paniniwalaan mo daw eh yung taong nakainom. Kasi buong puso nito masasabi ang nilalaman ng walang kasinungalingan. Ayoko kasi sa mga taong sinungaling.” Sagot ko at tinignan ko siya.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon