Chapter 2 - Who's moving in?

9.7K 104 41
                                    

Chapter 2 - Who's moving in?

(Alex)

Monday, Nakahiga lang ako sa kama isang umaga at nag-iisip.

Mula nung sinabi sakin ni Mon two weeks ago na hindi na siya makakasama sa akin sa lilipatan kong apartment, namrublema ako ng husto. I’ve informed my parents na kasi last month pa sa decision ko. Malungkot man kami na magkaka-hiwalay kami pansamantala, I know and they know that this is really what I want. Very cooperative naman sila mama at papa sa decision ko. Kaya nung makahanap ako ng apartment habang nagda-drive around Manila, sinabi ko sa kanila agad.Pinuntahan at kinausap nila yung care-taker ng apartment. Nasa States daw kasi yung owners. Nagulat nalang ako nung binayaran nila agad yung part ko in advance.  Binayaran na nila yung three months plus deposit. Eh One month advance at one month deposit lang naman ang required. Siguro nakita din nila na safe at maganda naman yung place. Yung care-taker naman eh malapit lang din yung pinags-stayan dun sa apartment, kaya convenient parin sakin anytime I would need anything.

Ngayon tuloy iniisip ko kung paano na yung part ni Mon. The apartment is for two people. Gustuhin ko man bawiin yung binayad nila papa eh hindi na pwede kasi nag-sign na sila ng contract. Paalis na din sila papa at mama papuntang England in two days. Nabenta na rin itong bahay namin at ready na mag-move in yung nakabili in a week. May five days pa ko mag-isa dito sa bahay after nila umalis. Nailipat na din yung ibang gamit ko dun sa apartment a day after bayaran yung advance and deposit. Gusto kasi nila na ready at ok na ang lahat bago pa sila lumipad.

“Bes…” Hmp! Ngayon natuto kang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tse!

“Bes.. Bes naman eh.. Kausapin mo na ako.. Mag-eexplain ako.” Hays. Sige na nga. Wala na rin naman akong magagawa.

Tumayo ako sa kama at in-unlock yung door at bumalik ako sa kama at umupo.

Pumasok ng dahan-dahan si Mon. Hindi ko siya tinitignan pero alam kong on the verge of crying nanaman si gaga. Kilalang kilala ko na to eh! Sus.

Umupo si Mon sa tabi ko.

“Two weeks mo na ako hindi kinakausap. Sorry na Bes. Kasi dalawa lang naman talaga ang kinuhanan ko ng exams. Sorry bes kasi naunahan ako ng takot. Hindi ko talaga kaya mag-aral sa may mga lalake. Alam mo naman yun diba?” Wow soft spoken ka ngayon ah.

“May all-girls’ school din naman sa Manila. Ba’t kailangan mo pa sa QC mag-aral?” Medyo galit ko parin tinanong.

“Bes may lalaki na sa St. Paul. Na-late naman ako sa St. Scho kumuha ng entrance exam. Pero bes, alam mo naman na nag-try talaga ako sa Mapua diba? Kahit pa may lalaki dun, sinabi ko nalang sa sarili ko na pag-pumasa ako dun, go parin ako kasi andun ka naman. Makakaya ko yun kasi kasama kita. Kaya lang ganun talaga eh. Kalaban ko si Math.” Tahimik nyang paliwanag.

“Ok fine. Wala na rin naman akong magagawa eh. Naka-ready na ang lahat. Ang problem ko nalang eh yung housemate. Naka-pirma na ng contract sina papa na for one yung sa part ko.” Ok naman na ako eh. Pinagi-guilty ko lang ng konti si Mon.

“Sinabi nyo na ba dun sa care-taker na hindi na ako sasama sayo dun?” Mahinahon niyang tinanong.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon